Shannon's POV
"Shannon, gising.. Shannon, uuwi na tayo ano ba?" pangyuyugyog sa akin ni Mikay. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang table namin nina Mikay at Cara.
Bigla ko nanamang naalala yung manyakis sa dancefloor kanina.
"Tangina nung manyak na yun hayup asan na ba yon?! sasapakin ko syang hayup sya!" Sigaw ko at akmang susugod nang pigilan ako ni Jacob. Napahawak ako sa sikmura ko. Tangina oo nga pala sinuntok ako ng gagong manyakis na yon.
Wait anong ginagawa ni Jacob dito?!
"Jacob? Bakit ka nandito? nasaan si..." Tumingin-tumingin ako sa paligid.
"Sino?" Sabay-sabay nilang tanong.
"Si Taehyung. Nasaan na sya? tinulungan nya ako kanina." Paliwanag ko sakanila. Nagtinginan si Mikay at Cara na parang nagtataka. Inakay naman ako ni Jacob pabalik sa sofa.
"Taehyung? Si Jacob ang nagbalik sayo dito Shannon." Sagot ni Cara. Kumunot ang noo ko dahil doon.
Lasing ako pero hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam kong si Taehyung iyon.
"What? No! Kitang-kita ko na si Taehyung yon binuhat pa nga nya ako papunta dito, e" Protesta ko.
"Hindi, Shannon. Kitang-kita namin ni Cara na si Jacob ang may dala sayo papunta dito, maybe you're just hallucinating" Ani naman ni Mikay.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis dahil parang pinagmumukha nila akong sinungaling at napapraning.
"Anong hallucinating? kitang-kita ko rin, Mikay, na si Taehyung nga iyon" Inis na sagot ko at napairap sa ere. Dinampot ko ang bote ng vodka para tunggain iyon pero mabilis din naagaw ni Jacob.
"T-tama sila Shannon.. Ako yung tumulong saiyo" Sabi pa nya.
"Tinawagan namin si Jacob para magpahatid dahil kami mismo ay hindi narin kayang umuwi, we're all fvcking wasted here, Shannon at bigla ka rin nawala sa paningin namin ni Cara kaya pinush namin na magpatulong kay Jacob at wala rin kaming nakita maski anino ni Taehyung dito." Hinawakan ni Mikay ang kamay ko. "Kaya maniwala ka Shannon nagsasabi kami ng totoo na si Jacob ang tumulong sayo at hindi si Taehyung.. Huwag kang maghanap ng wala, Shannon please." Ani pa nya.
Wala nakong nagawa kundi tumahimik nalang.
Dahil sa nangyare ay pare-pareho kaming nahimasmasan. Nawala narin ang sakit ng sikmura ko kaya napagkasunduan pa namin na mag-isang bote pa. Walwal kung walwal na daw ika ni Cara.
Siguro nga naghahallucinate lang ako kanina. Imposible nga naman na mapunta si Taehyung dito sa bar.
"Hoy Jacob ikaw na bahala dyan kay Shannon ha?" Sigaw ni Mikay habang magkaakbay sila ni Cara, habang ako naman ay nakatanaw mula sa bintana ng kotse ni Jacob, lupaypay at halos di na makadilat dahil sa sobrang kalasingan.
"Sige na pumasok na kayong dalawa" Tumatawang sagot ni Jacob.
Sa pagkakatanda ko e doon na daw matutulog si Cara kina Mikay sabi nya kanina dahil baka hindi na daw sya pagbuksan sakanila.
"Babye mga pokpok hehe" Sambit ko nang paandarin na ni Jacob ang kotse nya at kumaway kaway pa sakanila.
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Ilang beses muna akong pumikit-pikit bago ko tuluyang iminulat ang mga mata ko.
Paano ba ako nakauwi dito sa condo ko? Ang alam ko kila mama ako umuuwi. Bumangon ako para maupo at napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at bigat nito.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...