The long wait is over! haha madaming typo sorry na agad di ko naedit kasi gusto ko nang maupdate uxto neo eon? enjoy! loveyou ❤️
•••
Shannon's POV"So how's the Thailand trip?" usisa ni Erica na busy sa paglalagay ng nail polish sa finger nails nya.
I sighed. "Boring"
Naging cold kasi si Taehyung sakin the whole trip. Ang sungit-sungit nya jusmiyo!
"Boring? ang daming gwapo dun ah?" Hagikgik ni Erica. Ngumiwi ako at napairap sa ere. Hindi ko na nga nagawang mag boy hunting dun dahil may kasama akong tigre baka mamaya kung ano nanaman isipin non hays.
"Parang wala naman akong nakita" Palusot ko. Pero mayroon naman talaga kaso titingin pa ba ako sa mga gwapo dun kung mas gwapo yung kasama ko? yieeut!
"Walang nakita or ayaw lang talagang tumingin sa iba?" Tinignan nya ko ng nakakaloko. Nababasa ba nito nasa isip ko?
"Wala nga talaga!" Protesta ko.
"Okay, easy! puso mo malaglag" Natatawang sambit nya. Inirapan ko nalang sya at nanuod nalang ng TV. Sabado ngayon kaya naisipan ni Erica na magsleep-over dito sa condo. Nakaset na din ang gimik namin sa bar mamaya kasama sina Fiona at Lorenzo.
Nakatulog ako at nagising nang marinig ang alingawngaw ng boses ni Erica. Kinusot ko ang mata ko bago umupo ng ayos sa sofa. Nakatapis sya ng twalya at halatang kakaligo lang.
"Mabuti naman at gising ka na bubuhusan na sana kita ng tubig dyan e" Aniya nang mapansin nyang gising na ako.
"Bakit anong oras na ba?" Humikab at nag-inat ako.
"7pm na girl and hello 8pm usapan" Umirap sya at pumasok na sa kwarto. Tamad akong tumayo at tumungo na sa banyo.
Isang mabilis na ligo lang ang ginawa ko pagkatapos ay pumili nalang ako ng simple and yet fitted peach dress. I put light makeup na medyo peachy rin para magmatch sa dress ko gusto ko kasi na magmukhang sweetgirl lang tonight. After kong magmakeup ay binlow dry ko naman ang buhok ko at sinuklay ng kaunti, natural na malambot at bagsak naman kasi ang buhok ko kaya kahit hindi na suklayin ng bongga. Ganun ako kaganda charot!
Mabilis kaming nakarating ni Erica sa bar dahil sinaglit nya lang ang pagmamaneho, ewan ko ba naman sa babaeng ito minsan may pagka kaskasera mag drive.
"Hey!" Masayang bati sa amin ng Fiona nang mapatingin kami sa direksyon nila ni Lorenzo. Nakangiti kaming kumaway ni Erica sakanila but my smile fades nang makita ko ang isang kasama nila, si Taehyung.
What the?! anong ginagawa nya dito?
"Totoo ba ito sir? Am I not hallucinating?" Natatawang sambit ni Erica nang makaupo kami sa sofa. Magkatabi sina Fiona at Lorenzo sa katapat na sofa habang pinapagitnaan naman ako ni Erica at Taehyung.
"Pinilit nila akong dalawa e, ayoko namang masabihan na KJ na boss kaya eto makikipag-inuman ako ngayon sainyo" Kumakamot sa ulong sagot nito. Umarte ako na parang walang pakielam sa presensya nya but deep inside sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't katabi ko sya ngayon.
I could smell his perfume, a manly scent of him makes me want to hug him tight or bury my face into his chest damn! He's driving me crazy kahit wala pa man banayad ng alcohol sa katawan ko o tukso layuan mo ako!!!
"Hey are you cold?"
Halos mapatalon ako sa biglang pagtanong ni Taehyung. "N-no.." Nauutal at umiiling na sagot ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin na mga mukhang busy sa pagpili ng bibilhing brand ng alak.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...