KTS [33]

819 36 0
                                    

Shannon's POV

"Nakakainis ka talaga Shannon. Nagtatampo talaga ko sayo" Angal ni Mikay sa kabilang linya.

"Sorry na nga kasi Ms.Mikaela Ahn. Nagpromise kasi ako kay Jacob e nakakahiya naman kung di ako sasama sakanya" Tugon ko at bumuntong hininga.

Kung wala lang dun si Taehyung edi sana pumunta ako. Tsaka may karapatan din akong magtampo dahil hindi naman nila ako inimbita kesyo nandun si Taehyung jusko naman kung hindi pa sinabi nung mokong na yun e, hindi ko rin malalaman na may reunion keme.

"Basta nakakainis talaga!" Reklamo nya ulit

"Sorry na talaga babawi nalang ako. I'll call you kung kailan okay? sige na lowbat na ako. Bye.."

Pinindot ko na agad ang end call at hindi na hinintay pa ang sagot nya. Sa totoo lang ay wala talaga ako sa mood na makipag-usap ngayon.

Kasalukuyan parin akong nakahiga ngayon sa kama ko, alas nuebe na ng umaga at wala pa akong balak na bumangon. Bakit pa? there's no reason to, dahil tiyak sa mga oras na 'to ay nabasa na ni Taehyung ang resignation letter ko.

Nang magtanghali na ay naisipan ko nang bumangon at maligo. Nagugutom narin kasi ako kaya kailangan ko nang bumaba para maglunch.

"Oh, Shannon bakit andito ka? wala ka bang pasok?" Gulat na bungad ni Mama nang makita nya akong pababa sa hagdan.

Madalas nga pala na kapag pumapasok ako ay tulog pa sila mama kaya nasanay na sya na kapag nagising sya ay wala na ko sa bahay, kaya rin siguro sya nagulat nung makita nya akong bumababa galing sa kwarto.

"Nagresign na 'ko, ma"

Dire-diretso akong lumakad patungong kusina nang hindi sya nililingon.

"Bakit? Anong dahilan at nagresign ka?" tanong nya at sumunod sa akin sa dining area.

"May di po ako sinasabi sainyo, mama" Umupo ako at nilagyan ng kanin ang plato ko.

"At ano naman yun?" Umupo rin sya sa tapat ko at hinainan ang sarili.

Kaming dalawa lang ni mama dito sa bahay ngayon, si Shane kasi ay nasa school habang si papa ay nasa resto.

Nakahanda na ang tanghalian sa mesa at naghihintay nalang ng kakain.

"Yung boss ko kasi, mama ano e... ahm.." Napakagat ako sa hawak kong kutsara.

Si mama naman ay napataas ang isang kilay. Mukhang nacurious sa sasabihin ko.

"May ano sa boss mo?"

"Kasi..." Parang di ko kayang ituloy yung sasabihin ko.

Na-witness ni mama ang nangyari sa akin noon no'ng umalis si Taehyung at nakita nya kung gaanong sakit at hirap ang naramdaman ko kaya hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin na si Taehyung ang boss ko dahil tiyak ay mag-aalala sya para sakin.

"Ano nga?"

Pumikit muna ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Si Taehyung po yung boss ko, ma" Pikit-mata kong sabi.

Wala akong narinig na imik galing kay mama kaya dumilat na ako.

"You heard it right, ma. Hindi ko rin naman inexpect yun e, nagulat nalang din ako kaya mas pinili ko nalang na magresign" sambit ko pa.

Napailing si mama.

"Mabuti narin naman yung ginawa mo tsaka may pinag-aralan ka, marami ka pang makikita na ibang trabaho dyan" Sagot nya at nagsimula nang kumain.

"Oo nga po."

"Bakit hindi ka nalang mag-apply kina Celes, tutal ay subok mo naman na doon at tiyak kong magugustuhan iyon ng tita Celes mo at ni Jacob" Ngumunguyang sabi nya.

"Pwede din kaya lang ayoko naman nung makakapasok ako dahil sa kakilala ko sila gusto ko yung pinaghirapan ko kaya magtatry muna ako sa iba tapos kapag mukhang malabo tsaka ako pupunta sa CelestiaLim"

Ang gulo nanaman ng mundo bwisit kasi e bakit ba pilit parin kaming pinaglalapit ng Kim Taehyung na yan? Naka move on na sana e napurnada pa bwisit!

"Sige ikaw bahala, nak"

Nagpatuloy nalang kami ni mama sa pagkain at nagkwentuhan pa tungkol sa mga ibang bagay at nang matapos kaming kumain ay nagpresenta na ako na ang maghugas ng pinag-kainan namin. Namiss ko rin kasi ang maglunch dito sa bahay.

Nang humapon na at sa sobrang bored ko ay naisipan kong lumabas at maglakad-lakad. Nagpaalam ako kay mama na pupunta lang ako kila Mikay kahit hindi naman talaga ako doon pupunta.

Habang naglalakad ako ay naisipan kong pumunta sa may river side para masubaybayan ang paglubog ng araw.

Naupo ako sa damuhan at sumandal sa malapad na puno. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang orange na papalubog na araw at ganda ng paligid.

Napakaganda ng lugar na ito para sakin dahil payapa at mahangin.

Siguro masaya si Taehyung dahil nagresign na ako at wala na syang iintindihin pa. Hindi naman kasi sa pagiging marupok pero umasa ako ng kaunti na baka tatawagan nya ako para sabihing kalokohan lang ang resignation ko at pinunit nya ang walang kwentang papel na iyon kaso sa mga palabas lang sa TV nangyayari ang ganon.

Walang ganon sa totoong buhay, Shannon u beach. Reyna ng marurupok but will never be a bitch.

I shook my head. Kung anu-ano na kasing naiisip ko medyo corny na.

Hays ganito ba talaga pag mag-isa at walang karamay? Hindi na ko magtataka kung one day nasa mental institution na ako dahil konti nalang masisiraan nako ng bait.

"Sunset proves that goodbyes can be beautiful too"

Halos mapaangat ako sa kinauupuan ako. I was stunned habang sya ay nagbalibag ng bato sa ilog na tumalbog talbog ng ilang beses sa tubig bago sya naupo sa tabi ko.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon