KTS [44]

835 24 0
                                    

Taehyung's POV

I was so devastated when Shannon left our office. Sinubukan ko syang habulin pero mabilis syang nakaalis. Wala ako sa sariling bumalik sa opisina at nandun parin yung babaeng nagpupumilit na nabuntis ko sya.

"Hayaan mo na sya" Sabi pa nya na mas kinainis ko. She ruined everything!

"Alam mo hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo at alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa atin, hindi ako gago para pumatol sayo!" Sigaw ko habang mariing hawak ang braso nya. I don't care kung nasasaktan sya.

"M-may p-pruweba ako teka" Sabi nya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. Binitawan ko naman ang braso nya at masama parin syang tinignan "Ito oh" sabay pakita nya ng mga picture ko na nakahiga sa kama habang natutulog at katabi sya. Bullshit!

Malinaw pa sa isip ko ang mga nangyari nung gabing iyon. Nasukahan ni Jungkook ang damit ko kaya hinubad ko iyon saka ako tumakas sa inuman para matulog nalang sa kwarto, ayokong magpakalasing non. Natulog ako ng nakahubad pero tangina naka-pantalon ako sa ilalim ng kumot!

Kaya ko nga tinago ang sapatos ni Jungkook non kasi gusto kong gumanti dahil sa ginawa nya sa damit ko at yung babaeng yon? hindi namin alam kung bakit may ganun sa party. It was all clear and settled na walang babaeng papapuntahin. May naghatid ng malaking cake at ang sabi ay munting regalo daw kay Andrew. Wala na kaming nagawa kundi tanggapin dahil nandun na at mabilis na umalis yung naghatid. Lahat kami ay iwas kay Trixie dahil halos lahat kami ay may girlfriend na maliban kay Mark na kaibigan ni Andrew.

"No, no, no! hindi ito pwede!" Sigaw ko. Hindi ko na alam pero paano kung may nangyari nga? paano kung dinrugs nya pala ako? paano kung nabuntis ko nga talaga sya?

Napasabunot ako sa buhok ko at mariin syang hinawakan ulit sa braso saka kinaladkad palabas ng opisina. "Ayokong makita ang pagmumukha mo dito! at hindi ko anak yang dinadala mo!" sabi ko pa bago ko sya ipadampot sa security.

"Hindi pwede! babalik ulit ako dito at hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo" Sagot nya naman bago magpatianod sa security.

Bumalik ako sa office at napaupo sa sofa pero napatayo rin ako ng maalala ko si Shannon. Alam kong sobrang nasaktan sya at halatang halata sa mukha nya iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. I immediately get my phone and dialed Shannon's phone number. Nag ring ito at napatingin naman ako sa table nya nang may marinig na tumutunog. Lumapit ako room at nakitang nandun ang phone nya sa loob ng bag nya pati wallet nandun din ibig sabihin she left with nothing.

Damn Taehyung! Ang gago mo!

"Tangina!" Sigaw ko at binalibag ang phone ko sa sofa.

Mabilis akong lumabas ng office at umalis ng building. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Hindi ko alam kung  saan ko hahanapin si Shannon. I was about to call Tita Stella kaso binalibag ko nga pala ang phone ko pero mabuti nalang at may built-in smart phone ang kotse ko.

Una ko munang tinawagan si Casey.

"Ano nandyan na ba sya? bumalik na ba sya?" Tanong ko nang sagutin nya ang tawag ko.

"Wala parin at huwag kang babalik dito hangga't hindi mo sya nahahanap ha? you totally fucked up Taehyung fix your mess!" Bulyaw nya at binabaan ako. Hays oo na!

At sunod ko nang tinawagan ang Mama ni Shannon.

"Hello Tita, andyan po ba si Shannon?"

"Wala hijo e bakit? hindi ba sya pumasok?" Tanong ni Tita pabalik.

Shannon nasaan ka na ba?

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon