Shannon's POV
"Tao po" medyo malakas na sabi ko sabay pindot sa door bell, naka-ilang pindot nako sa doorbell pero wala paring nagbubukas
"Wala naman atang tao eh" sabi ni Mikay, kaibigan ko
Imposible namang walang tao, hays ang laki at ganda ng bahay nila Taehyung. Nagpasama ako dito kay Mikay para mag apply.
"Last na, pag wala pang lumabas eh umuwi na tayo" sabi ko at pinindot ulit yung doorbell
Pagkapindot ko ay may lumabas na isang maid, pinagbuksan niya kami ng gate
"Ano po kailangan nyo?" tanong nito samin
"ahmm andyan ba si Taehyung?" tanong ko
"Si Sir Taehyung po?" tanong din nito, sasagot na sana ko pero biglang sumabat si Mikay
"Hindi yung driver nyo andyan ba siya? syempre si Taehyung nga diba?" sarkastikong sabi ni Mikay, sinamaan naman siya ng tingin nung katulong
"Ahmm pagpasensyahan nyo na po tong kaibigan ko, pero andyan ba si Taehyung?" tanong ko ulit, tumango naman siya
"Sumunod kayo sakin" sabi nito at naglakad na sumunod naman kami ni Mikay
Pagpasok namin ay bumungad sakin ang malawak at magandang bahay nila Taehyung, Tangna ang ganda sobra! tas organized lahat.
Huminto kami sa isang kwarto sa may second floor and I think ito ang kwarto ni Taehyung
"Sir may bisita po kayo" sabi nung maid saka kumatok
"Ah sige iwan mo na sila" rinig kong sabi ni Taehyung sa loob, umalis na yung maid at naiwan kaming nakatayo dun ni Mikay
mga ilang segundo din ay pinagbuksan na kami ni Taehyung at tumambad samin ang lalaking naka boxer shorts at Sando. Fcvk! sinong makakapag sabing ang hot pala ng lalaking ito?? mga ilang segundo din kaming natulala ni Mikay sa kanya
"Hoy! wala ba kayong planong pumasok? at titigan lang ang kagwapuhan ko magdamag?" mayabang na sabi nito at ngumisi
Minsan talaga gusto ko nang pasabugin yung pagmumukha nito eh
"A-ahhh ano gusto k-kasi kitang makausap" nauutal na sabi ko at nag-iwas ako ng tingin sa kanya
Eh kung umatras nalang kaya ako? Tss andito nako eh hays
"Edi tara sa loob! bilis pumasok na kayo lalabas yung aircon" sabi niya at nauna na siyang pumasok sa loob ng kwarto niya sumunod naman kami ni Mikay
Kelan pa nagkapaa yung aircon? abnormal ka talaga Kim Taehyung
"Oh ano na?" tanong niya
huminga muna ko ng malalim
"Ano kasi, about dun sa inalok mo sakin nung nakaaang araw" sabi ko napangisi naman siya
"Alin ang maging girlfriend ko?"
WTF!!!
Alam nyo bang may pagnanasa sakin to?
kadiri kaya!
"Tangina mo ba? hindi yun!" inis na sabi ko
Kalma lang Shannon! Isipin mo nalang yung dahilan kung bakit ka nandito.
"sino ka para murahin ako? be my girlfriend at malaya kanang murahin ako" nakangiting sabi niya
Kalma lang ulit Shannon! malalampasan mo din yan.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...