Shannon's POV
It's already 7PM at eto tinatapos ko parin yung presentation ni Taehyung. Konti nalang naman na ito mga limang slides nalang. Masakit na ang batok ko dahil kanina pa ako naka-tungo dito pati narin ang mga mata ko ay masakit na. Hindi nako magtataka kung isang araw malabo na ang mata ko.
"Natapos mo na?" Napatingin ako sa pumasok na si Taehyung.
"Malapit na, Sir." Tangina mo sir.
Buti nalang walang kakayahang makapagbasa ng isip ang taong ito.
"Just save it then ituloy mo nalang bukas" Ani nya habang inaayos ang mga gamit nya.
"Okay lang. Malapit naman na ito eh" Sagot ko sakanya. "Tsaka nag-overtime ako sir kaya bayad ang oras ko dito"
"Ah ganun? okay sige sabihin ko nalang sa finance na wag isama ang overtime mo ngayon since presentation ko yan, a simple thank you will do for your time" Nakangising sabi nya kaya napatingin ako sakanya.
Gago ba sya?
"You can't do that" Protesta ko.
"I can" Ngumisi ulit sya sabay hablot ng bag nya at tinalikuran na ako. "I'm the boss remember? bye"
What the?!?!
"Wait!" Tumigil sya sa pagbukas ng pinto. "Ito na sinara ko na yung pc, okay na po? SIR?"
He can't fcking do that. Pagod na pagod na ako tapos sasabihin nyang 'Thankyou' nalang ang over time ko?
Humarap sya sakin. "Good. That's my girl." Nakangiting sabi nya.
"I'm not your girl" Mahinang sabi ko habang nililigpit ang mga kalat sa table ko. Hindi ko naman inakalang maririnig nya.
"Yes, you are. You're slave remember? oops.. I mean my secretary. Now, pack your things and I'll drive you home" Tinaasan ko sya ng kilay. Nang-iinis ba sya? kasi kung ganun nagwagi sya.
"Thanks, but, NO THANKS.. SIR TI..MO..THY" I said sarcastically as I emphasizes my words especially his new freaking name.
"Tumatanggi ka ba sa BOSS MO?" Bwelta naman nya at nagsimula syang kumanta ng 'Thank u next' ni Ariana, emphasizing 'Thank you'.
Sino ba kasi ang boss Shannon? Pumayag ka nalang since marupok ka naman!
"Okay, SIR" I smiled sarcastically.
"Good." Naupo sya sa sofa habang pinapanood ang pag-ayos ko ng mga gamit ko. Inirapan ko nalang sya. I tied my hair up into a messy bun at nag apply ng powder at liptint.
"Tara na po?" Lumakad na ako pero bigla akong napahinto dahil sa sakit na naramdaman ko sa paa ko. Napakagat ako sa labi dahil sa sakit "Ouch!"
"Are you okay?" Mabilis na dumalo si Taehyung sa akin. inakay nya ako paupo sa sofa. Lumuhod sya sa may paanan ko at walang pasabing tinanggal ang sapatos ko para matignan ang paa ko.
"May sugat ka. Ang dami' Nag-aalalang sabi nya. Dinampot nya ang bag nya at kumuha ng bandaid. Pasimple akong natawa dahil sa printed bandaids na baon nya. Ang cute eh.
"O-okay na yan" Sabi ko matapos nyang lagyan ng bandaid mga sugat sa paa ko.
"Teka dyan ka lang" Tumayo sya at may kinuha sa drawer nya. Tinignan ko lang ang bawat pagkilos sya. Bumalik sya sa paanan ko na may dalang box.
"Wear this" Binuksan nya yung box at pares ng sneakers ang laman nito.
"Na-nako hindi na okay na ko dito" Binawi ko sakanya ang paa ko. Ayoko namang isuot yung sapatos na hindi para sakin, kahit na mukha pang bago yon. Baka mamaya kay Casey yun mahampas ko pa sila ng sapatos sa fes.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...