Shannon's POV
"Itetext nalang kita mamaya" Binuksan ko na ang pinto ng kotse para bumaba na.
"Sige, hintayin ko text mo ah?" Nakangiting tugon nya. Napakagat ako aa labi ko.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Ang sakit makita na ang saya saya nya ngayon. Ang sakit isipin na umaasa syang magiging maayos ang mangyayari at uuwi akong masaya kasama sya.
Kaso paano kung hindi?
"Oo..habibi" Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Hindi na talaga maganda itong kutob ko. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala lang 'to.
"Isa pa nga, ang sarap pakinggan eh" Nakangiti pang sambit nya. Lalo kong naramdaman ang pag-init ng mga mata ko.
Makikita ko pa kaya ang mga ngiti nyang yun?
"Ay nako sige na gorabels na habibi ingat ka ah!" Dali-daling tugon ko. Ayokong mahalata nya na nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako sa mga ngiti nya, Nasasaktan ako sa idea na baka kaya kami masaya kasi ito na yung huli at baka kailangan na namin magising sa katotohanan na hindi talaga ito ang tamang panahon para sa amin.
"Okay ka lang--"
"Dali na! shooo!" Inunahan ko na sya. Sinara ko narin ang pintuan ng kotse nya saka mabilis na pinunasan ang tumakas na luha galing sa mata ko.
"See you later habibi, I love you!" Sambit nya habang nakadungaw sa binukasang bintana. Lumingon ako sakanya. Sana lang hindi nya mahalata ang mata ko.
Pumikit ako ng mariin at mabilis na siniil ng halik ang labi nya.
Sana hindi ito ang huling pagkakataon na mahahalikan kita, Taehyung, Habibi.
"Sarap naman, sige na nga aalis na ko. Tawag ka agad kapag may kailangan ka ha" Masayang sabi nya. Pilit akong ngumiti.
"Ingat ka" Sambit ko at kumaway sakanya.
Nagflying kiss pa sya bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan nya.
Humarap nako sa direksyon kung saan naroon si Jin. Tila bumibigat ang mga hakbang ko habang papalapit sakanya.
Nang dahil sa mga sinabi ni Taehyung tungkol kay Jin ay mas napaisip ako na dapat hindi ko nalang nilapit ang sarili ko sakanya.
Dapat hindi ko nalang pinairal noon ang kakirihan.
Mali, maling-mali na pasukin ang mundo ng isang tao na hindi mo pa ganun kakilala. Oo mabait sya pero lahat naman ng tao kaya maging mabait diba?
"Shannon! andyan ka na pala!" Masayang bungad nya. Ngumiti ako ng pilit.
Umupo ako sa tabi nya.
"Hindi na siguro ako magpapaligoy-ligoy pa Jin, You're kind, responsible, boyfriend material, maalaga. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo diba? Yung tulad mo ang pinapangarap ng mga kababaihan.." Pinutol nya ang pagsasalita ko kaya napatingin ako sakanya. Kita ko ang pag iba ng itsura nya, unti-unting nawala yung ngiti sa labi sya.
"Bakit mo sinasabi ang mga yan Shannon? Is that for good or... bad?"
Halos kilabutan ako. Napalunok pa ako ng ilang beses bago magsalita ulit.
Nag-init nanaman ang mga sulok ng mata ko.
"You've been good to me eversince, You were there for me pag kailangan ko ng makakawentuhan, Wala kang ginawa kundi ang pakitahan ako ng mabuti... But... Jin.." Tuluyan nang umagos ang mga luhang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfic"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...