Shannon's POV
Excited kong kinuha ang sandals ko nang matapos akong mag-ayos at magbihis. Taehyung asked me to go out on a date and I want this date be memorable to him that's why I did my best to look beautiful and decent.
Napahinto ako sa pagkabit ng sandals ko nang marinig kong may magdoorbell. Baka si Taehyung na yon.
Agad ko nang sinuot ng maayos ang sandals ko at madaling dinampot ang bag sa kama saka lumabas ng kwarto.
"Andyan na! diba alam mo naman yung pass— Jungkook? Anong ginagawa mo dito?" Bulalas ko nang madatnang si Jungkook ang nasa labas ng pinto at hindi si Taehyung. Hindi maipinta ang itsura nya na tila nababahala.
"You need to come with me Shannon, may hindi magandang nangyari kay Taehyung" Sabi nito at yumuko. Nagsimulang umakyat ang kaba sa katawan ko. Deja vu.
"A-anong nangyari?" I tried to calm myself. Nakayuko lang sya habang umiiling-iling at yumuyugyog ang balikat. Is he crying?
"Ano nga ang nangyari? answer me?" Tumaas ang boses ko. Hindi nya ako magawang tignan basta hinatak nya lang ang braso ko at dali-daling kinaladkad papuntang elevator. Nang makababa kami sa basement ay agad nya kong hinila papunta sa kotse nya at pinasakay saka sya sumakay at pinaandar ito.
"Sana umabot pa tayo" Mahinang sabi nito habang nagmamaneho at bumuntong hininga. Mabuti naman at nagsalita na sya, kanina ko pa sya kinukulit pero hindi sya nagsasalita.
Nag-aalala na ko putangina ha!
"Ano ba kasing nangyari?" Inis na sigaw ko.
"Naaksidente si Taehyung, Shannon" Sagot nya at humugot ng malalim na paghinga. Para naman akong na-estatwa sa kinauupuan ko at naramdaman nalang ang pagpatak ng luha ko.
Bakit nangyari nanaman? Wala naba kaming karapatan na sumaya at magsama?
"T-totoo ba yan?" I swallowed the lump in my throat. Napahampas sya sa manibela at tumingin sa bintana. So is that a yes?
Tangina ang sakit!
"I'm sorry Shannon, wag muna natin pag-usapan ang mahalaga ay makarating tayo at makita ka manlang nya.." Huminto sya at mariin na tumikom saka tumingin ulit sa bintana. "makita ka manlang nya bago sya malagutan ng hininga" Pagpapatuloy nya at yumuko.
Napatakip nalang ako sa bibig ko at hinayaang umagos ang mga luha ko. Ang sakit ng puso ko parang pinipiga tangina!
He's dying! ang sakit-sakit!
Hinaplos ni Jungkook ang likod ko nang hindi tumitingin sa akin. Mas focus sya sa mabilis na pagmamaneho dahil kailangan naming makarating kay Taehyung.
Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak nang ihinto nya ang sasakyan sa labas ng park.
Napahinto ako sa paghagulgol at tumingin-tingin sa paligid pero agad ko ring nilingon ang seatbelt at mabilis na tinanggal iyon.
"Sure ka ka na ba, Shannon?" Biglang tanong ni Jungkook dahilan para lumingon ako sakanya saglit.
"What the hell? ofcourse I am mamamatay na si Taehyung!" Bulyaw ko at dali-daling lumabas. Tanginang 'to pabobo-bobo minsan.
Hindi naging madali sa akin ang paglabas sa kotse dahil nanlambot ang tuhod ko ng makarinig ako ng wang-wang ng ambulansya.
Mabagal ang mga paglakad ko at habang papalapit ako ay naaaninag ko ang kulay asul at pulang ilaw na mukhang nanggagaling nga sa ambulansya.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...