KTS [7]

3.9K 104 19
                                    


Shannon's POV

Magkasama kami ni Mikay ngayon na namamasyal dito sa mall. Marming tao kasi December 31 ngayon at New Year's eve na mamaya. Im still bothered kasi parang ang lungkot ni V kahapon, Kinukulit at inaasar niya ko pero halata ko sakanya na malungkot siya, Hindi rin ako nakatulog kagabi dahil dun.

"Shannon ano nga pala handa nyo kahapon?" Bigla naman akong napatingin kay Mikay na may halong pagtataka.

"Ha? bakit? wala namang okasyon ah" alangan na sagot ko sakanya. Inakay ko siya sa may foodcourt para makapag pahinga naman kami kanina pa kasi kami lakad ng lakad.

"Hala! di mo ba alam? ikaw ang laging kasama pero hindi mo alam?" Gulat na tanong niya habang nakatingin siya sakin ng seryoso. Ano bang mga pinagsasasabi nito?

"No" simpleng sagot ko sakanya. "Saka di ko ma-gets mga pinagsasasabi mo" dagdag ko pa. Tumingin naman siya sakin na parang namamangha.

"Seryoso ka?" natatawang tanong niya. Ano ba talaga ang sinasabi nito? sapakin ko na kaya to? Hehe just jokin'

"ANO BA KASI YUN?!?!"

"Hello?! Birthday ni V kahapon!" Napanganga ako sa sinabi niya. So kaya pala ganun si V kahapon ay dahil birthday niya, Eh bakit naman siya malungkot? diba nga dapat masaya siya kasi nga birthday niya?.

Nangalumbaba ako sa lamesa at iniisip parin kung bakit malungkot siya kahapon samantalang birthday pala niya. Umusog naman ng konti sakin si Mikay at inakbayan ako.

"Kung birthday niya bakit walang celebration sa bahay? bakit wala akong kamalay-malay na birthday pala niya? Siguro kaya malungkot siya kahapon kasi parang wala lang yung birthday niya" sunod-sunod na sabi ko saka pa ako napabuntong hininga.

Naaawa tuloy ako kay V at the same time parang nagiguilty rin. Kagad akong tumayo at sinimulang maglakad.

"Hoy Shannon! teka lang! saan kaba pupunta?!" rinig kong sigaw ni Mikay mula sa likuran ko.

Nilibot ko naman yung paningin ko at saktong dumapo ito sa isang toy store. Napangiti ako at kagad na pumunta doon.

Tumakbo ako kung saan naroon yung mga stuff toy. 

"Shannon! bakit ka ba nagmamadaling pumunta dito? bibili ka ba?" humihingal na tanong ni Mikay habang nakahawak siya sa dalawang tuhod niya.

"Alin ba dito ang pwede kong ibigay kay V? tanong ko habang isa-isang tinitignan yung mga stuff toy. Lumapit naman siya saka kinuha yung isang teddy bear

"What do you think about this cutie bear? isnt this cute?" Mukhang siya yung may gusto dun sa teddy bear eh at hindi yung pagbibigyan ko.

"Pambabae yan eh! ikaw talagang gagita ka!" sabi ko at binatukan ko siya. Malungkot niyang sinauli yung Teddy bear at nagpout.

"Aray naman! diyan ka na nga! pumili ka mag-isa mo" sabi niya sabay irapat lumipat siya ng pwesto dun sa mga panlalaking laruan. Yan yung mga hilig niya eh.

"Ewan ko sayo!" natatawang sabi ko at nakita kong umirap ulit siya. Napailing nalang ako at tinuloy ang pagpili hanggang sa may nakita akong cute na asong stuff toy. Napangiti ako at kagad na kinuha iyon. Kulay white siya at yung tenga ay kulay brown I can see naman na pwede siyang pambabae at panlalaki. Kagad ko iyong kunuha at dumiretso sa cashier.

"900 po mam" sabi nung kahera sabay lahad ng kamay niya with matching taas ng kilay pa. Kala naman ng hitod na to di ko afford yung mga gantong bagay, Eh kung titignan nga siya mula ulo mukhang paa eh!

"Oh ayan!" padabog kong nilapag sa palad niya yung isang libo saka ako nag cross arms

"May problema po ba tayo mam?" mataray na tanong niya habang nilalagay yung binili ko sa paper pag.

"wala naman" sagot ko saka ako ngumiti ng alanganin. "Pero ikaw may problema, yang pagmumukha mo" bulong ko habang nakatingin ako kay Mikay na busy parin sa pag sulyap sa mga baril-barilan at iba pang laruan na panlalaki.

"May sinasabi po ba kayo?" tanong niya ulit.

"ah wala hehe!" Inabot niya sakin yung paperbag saka yung sukli ko pagkatapos ay inirapan niya ako. Tinignan ko naman siya mula ulo mukhang paa este mula ulo hanggang paa saka padabog na naglakad palabas. Kagad din namang sumunod sakin si Mikay

"Uy bestfriend! joke lang naman yung kanina alam mo naman yun diba? wag mo naman akong iiwan" sabi niya sabay palupot ng braso niya sa braso ko

"Sira! alam ko naman yun, Kaasar kasi yung kahera eh ang yabang" 

"Sayang di mo sinabi kagad eh, edi sana nabangasan ko pagmumukha nun" sabi ni Mikay saka niya pinatunog yung mga kamao niya.

"Yaan mo na yun, kawawa naman eh mukhang paa na nga tapos babangasin mo pa haha" natatawang sagot ko.

Pagkalabas namin ng mall ay naghiwalay na kami ni Mikay, magkaiba kasi ang sakayan papunta sakanila at ang sakayan papunta sa bahay nila V. Nang makauwi na ko ay wala akong ibang nadatnan sa bahay kundi si Jin at ang iba pang mga kasambahay.

"San ka galing?" tanong niya kagad sa akin.

"Ah diyan lang sa tabi-tabi" nakangiting sagot ko sakanya. "Ah nasaan nga pala si V?" 

"Natutulog sa kwarto niya" simpleng sagot ni Jin saka niya ibinalik ang atensyon sa TV.

"sige salamat" sabi ko at naglakad pa papunta sa kwarto ni V. Ang gwapo talaga ni Jin kahit nakapam-bahay lang siya ang gwapo niya parin tignan, kahit yata anong isuot niya eh or much better kung wag na siyang magdamit hihi!

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni V pero wala manlang sumagot kaya dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at dahan-dahan na pumasok. Sinilip ko kung natutulog ba talaga siya at halata namang ang himbing ng tulog niya dahil humihilik pa siya. Kumuha ako ng ballpen at maliit na papel sa study table niya pagkatapos ay naupo ako sa sofa saka ko ito sinimulang sulatan.

Birthday mo pala kahapon di mo manlang sinabi, pabebe ka rin eh noh? pagpasensyahan mo na tong regalo ko yan lang ang kaya ko eh, saka wag ka nang choosy naka 900 din ako diyan! Belated Happy Birthday! I wish you all the best and more birthdays to come :) -Shannon

Binasa ko muna yung sinulat ko bago ko ito ilagay sa loob ng paper bag. Dahan-dahan akong tumayo saka lumapit papunta sa study table niya at nilapag ko doon yung regalo ko, Dahan-dahan din akong naglakad palabas pero--

"Hoy!" nagulat ako kaya unti-unti akong lumingon. "Anong ginagawa mo dito? balak mo siguro akong gahasain noh? sige tara dito tutulungan pa kita" nakangisi niyang sabi sabay kindat.

"Tutal new year na mamaya edi magpaputok na tayo!" dagdag pa niya. Nag-init naman ang pisngi ko sa mga sinabi niya. How can this jerk be an alien and a pervert at the same time?.

I just raised my middle finger pagkatapos ay dali-dali akong lumabas, mahirap na!

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon