This will be the last chapter 😭
Taehyung's POV
Nasuntok ko ang kinauupuan ko nang makita ang ginawa ni Jacob kay Shannon. Tinutukan nya ito ng baril.
"Tangina Andrew! Putangina! Sabihan mo sila na wag na sila magpatumpik-tumpik pa!" Sigaw ko.
Ayaw akong palabasin ni Andrew dahil baka makagulo lang ako. Humarang sya sa may bukana ng van para hindi ako makalabas. Shit!
Ang tanging nagagawa ko lang ay tumanaw dito sa bintana at mag-mura as if maliligtas si Shannon sa panggagalaiti ko.
"Alam nila ang gagawin bro, just calm the fuck down!" Mura ni Andrew. Inis akong napasabunot sa buhok ko.
"Palabasin mo na kasi ako!" Sigaw ko at akmang lalapit sa pinto nang itulak nya ulit ako paupo.
"Tangina ang kulit mo! Hindi ka pwedeng makielam dahil mapapaham—" Di ko na sya pinatapos dahil bigla ko syang sinapak. I'm sorry bro but I have to save my Shannon.
Napahawak sya sa pisngi nya kaya mabilis ko syang natulak para makalabas ako sa van.
Dali-dali akong tumawid ngunit napahinto ako sa likod ng isang kotse nang magsalita ang pulis.
"Hanggang dyan ka na lang Jacob Lim, napapaligiran ka na namin!"
Luminga-linga si Jacob sa paligid at ngumisi nang makita nyang napapaligiran sya ng mga pulis. "So what? hindi nyo ba 'to nakikita?" Itinaas nya ang baril at itinutok ulit sa tagiliran ni Shannon na ngayon ay iyak nang iyak at halatang natatakot na kay Jacob.
Tangina ka talaga Jacob!
Naikuyom ko ang kamao at tumakbo papunta sakanila. Nagulat pa si Jacob nang makita ako. "Oh anong ginagawa mo dito? hindi ba magkaka-anak ka na sa isang pokpok?" Humalakhak ito na parang baliw. Putangina mo!
"At sa tingin mo naman malilinlang mo kami sa pakulo mo? Jacob, please.." I tried my best not to shout at him pero kung hindi nya lang hawak si Shannon ay baka napatay ko na sya. "Pakawalan mo na si Shannon at pangako hindi ka nila huhulihin"
Tumawa nanaman si Jacob at matiim akong pinandilatan ng mata. "Anong akala mo sa akin tanga? si Shannon ang nagpapunta sa akin dito para sumama sa akin kaya aalis na kami babye!" He's fucking crazy!
Nang humakbang sila ay mas naalarma ang mga pulis pero huminto ulit si Jacob. "Ay wait kaya nga pala kayo nandito kasi gusto nyo akong hulihin diba? diba?!" Sigaw nya sa mga pulis. "Ibig sabihin kay Shannon pala dapat ako magalit kasi sya ang nang-uto sa akin" Baling nya kay Shannon at dahan-dahang tinututok ang baril sa sentido nito saka ulit tumawa na parang baliw.
"No Jacob, please..." Pagsusumamo ni Shannon. Shit! baby don't cry please!
"Alam mo dapat hinayaan nalang kita na mamatay noon e, remember I saved you? I saved your fucking life! and now you want me to be in jail? nah! you can't do that baby" Diniin nya ang baril sa sentido ni Shannon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo palapit sakanila pero tinutok nya naman sakin ang baril.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...