CHAPTER FIVE

606 13 8
                                        

"So, what happened? We're in a relationship now?" Sarkastikong tanong sa akin ni Sir ng magkasalubong kami.

"Uhm eh, sorry na Sir. Kayo kasi eh pinagtatawanan nyo ko, ayoko lang namang magmukha akong talunan 'no." Diretsong sagot ko sa kanya. Kulang nalang ay mapairap ako habang sinasabi yun.

"And so? Tss. You're really crazy." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Alam nyo nakaka-insulto na 'yang pagsabi nyo sa akin ng baliw ha! Saka teacher ka ba talaga? Bakit ganyan ka makapagsalita sa estudyante mo?" Dumilim ang mukha nya at tumalim ang tingin nya sa akin.

"Tss. Just go to my room if you're interested to learn, I'll teach you." Yun lang ang isinagot nya sa akin at bumalik na sya sa kwarto nya.

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Sa bagay, bakit ko pa nga ba tatanungin yun? Bahala sya. Kung hindi nya ako kayang tratuhin ng maayos dahil hindi parin sya maka-move on sa ginawa ko, edi don't! Hindi ko rin sya gagalangin tulad ng paggalang ko sa ibang teachers, hmph!

Ang arte nya argh! Tapos ngayon ako pa ang pinapapapunta nya sa kwarto nya? Heh! Tinatamad ako magpa-tutor sa kanya, lets* sya! Nakakatamad naman talaga yang math na yan. Sakit pa sa ulo. Dapat wala nalang subject na ganyan susmiyo.

Gabi na ng napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto para kumain ng hapunan.

At nagkataong sabay pa kaming lumabas ng kwarto. Ang galing talaga ng tadhana! Konti nalang mapapapalakpak na ako.

"You really didn't go, huh. Just study these topics by yourself if you don't want me to teach you. We'll have a quiz tomorrow." Inabot nya sa akin ang isang maliit na papel kung saan nakasulat ang mga topic na dapat ko raw review-hin. Hays!

Napansin ko lang ah, sya talaga nagfi-first move ba kausapin ako ha. Baka type nya ako? Charot. Ang harot mo, self!

"Sir, wait!" Habol ko rito. Nilingon naman nya ako.

"What?" Iritang tanong nya. Wala pa nga akong sinasabi naiirita na sya agad sa akin.

"Type nyo ba ko, Sir?" Napansin ko namang napairap lang sya at iniwan na ako. Natawa tuloy ako.

Confirmed! Pikon si Sir! Ang sarap tuloy tumawa ng malakas. Ang sarap nya asarin kasi ang bilis uminit ng ulo nya. Hay na ko, ang tanda na nya e pero parang bata parin kung mainis.

Sumunod na ako sa baba at naabutan ko naman sya sa kusina na nagpapainit ng tubig.

"Sir, wag nyong sabihin na cup noodles lang kakainin nyo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Tss." Lagi nalang ganyan ang sagot nya sa akin. Napairap tuloy ako.

"Tss ka ng tss dyan, ahas ba kayo?" Saad ko sa kanya at tinawanan pa sya. Tawa lang ako ng tawa habang sya ay masama na ang tingin sa akin.

"Make sure you'll pass the quiz tomorrow." Amp. Ang panira nya! Puro nalang yung quiz ang bukambibig nya. Mag-aaral naman ako e! Pag sinipag hihi.

"Bakit may reward ba akong makukuha sayo pag nakapasa ako?" Asar na tanong ko pa.

"What if I say yes? Just say what you want to me. Only if you can pass the quiz." Nakangisi pa sya ng sabihin nya yun sa akin. Argh, ang yabang nya! Parang alam nya ng hindi talaga ako makakapasa.

Pag ako nakapasa, aba susulitin ko 'yang reward na sinasabi nya hmph!

"Papasa ako! Ihanda nyo na ang sarili nyo para sa hihingin kong reward!" Sigaw ko pa sa kanya pero hindi nya na ako pinansin.

***

Alas-tres na ng makatulog ako dahil talagang nagpuyat ako sa pag-aaral. Ito na yata ang unang beses na nag-review ako ng sobra-sobra. Pag ako hindi pa nakapasa, ewan ko nalang. Saulo ko na kaya lahat ng formulas! Yehey!

Siguro ngayon naman ay kailangan ko ng magdasal para sure na pasado na ako sa quiz ni Sir!

Iniisip ko na rin kung ano kayang hihingin kong reward? Hmm. Kung mag-date kaya kami? What?!

Bakit ko naman naisip yun? Saka ano ka ba Lexie! Teacher mo yun e, ide-date mo? Hays, naloloka na yata ako. Sya kasi may kasalanan nito e. Magpapabili nalang ako ng kung ano.

"Oh ba't ganyan itsura mo?" Salubong na tanong sa akin ni Rayzelle. Napatingin naman ako sa salamin. Ang laki ng eye bags ko.

"Ah wala yan. Napuyat kasi ako sa pag-aaral e." Nanlaki naman ang mga mata nya.

"Ha? Nag-aral ka?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Grabe ka sa'kin 'no? Bawal ba akong mag-aral?"

"Nakakapanibago lang kasi."

"Feeling ko dahil 'yan kay Sir 'no? Ayieee!" Kakadating palang ni Maychie ay sumingit na agad ito sa kakaasar, hays.

"Nag-aral lang dahil sa kanya agad? Di ba pwedeng maging masipag kahit minsan lang?" Sagot ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

"Ayan na si Sir!" Sigaw ng isa naming kaklase.

Nagsipag-ayos at nagsitahimik naman ang lahat pagpasok nya.

Matapos namin syang batiin ng "good morning" ay agad nya ng pinamigay ang mga test papers. Grabe naman, super nakakakaba basta ang alam ko ay nag-review ako! Hindi ako babagsak dito!

Kaya ko 'to!

"Hoy Lexie! Kanina ka pa namin kinakausap ah bakit tulala ka diyan?" Nagulat naman ako kay Maychie at saka ko lang napansing nasa cafeteria pala kami.

"Sorry naman, iniisip ko lang kasi kung pasado kaya ako o hindi kanina sa quiz." Tumaas naman ang kilay nila ni Rayzelle.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa grades mo?" Takang tanong nila.

"Ngayon, bakit? May problema ba? Saka sayang naman ang sinabi sa akin ni Sir na reward kapag nakapasa ako--" saka lang ako natigilan ng mamalayan kong nasabi ko pala aish!

Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Close na kayo?" Tanong ni Rayzelle. Umiling naman ako. Nagkakausap kami ni Sir, oo pero sa tingin ko hindi pa kasi ako lang naman yunh feeling close.

"Teka, anong reward-reward yan ha?! Pumayag ka naman? Patay ka baka mamaya kapag bagsak ka may punishment ka! Lagot!" Sinamaan ko ng tingin si Maychie dahil nanakot pa talaga sya. Kinabahan naman tuloy ako.

"Alam mo kaysa palakasin mo loob ko, talagang tinakot mo pa ko 'no?" Tumawa lang sila sa sinabi ko.

"Sana naman kung sakaling may punishment, sa kama ka parusahan ni Sir haha!" Siraulo talaga 'tong si Maychie.

"Eh ano pala yung reward mo?" Natanong pa nila. Nagkibit balikat lang ako.

"Sabi nya sabihin ko raw kung anong gusto ko e, pero wala pa kong naiisip na hihilingin ko kung sakali." Nagkatinginan naman silang dalawa sa sinabi ko saka tumawa at nag-apir. Ano na naman ba ang naisip nilang dalawa?

"What if gawin mong jowa si Sir for 24 hours?" Ano raw?!

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon