CHAPTER ELEVEN

547 13 0
                                        

"Aba't anong meron inday? Bakit ngiting ngiti ka yata dyan? Don't tell us na naka-score ka kay Sir?" Sinamaan ko naman ng tingin si Maychie.

"Anong naka-score ka dyan? Saka porke masaya lang ako, si Sir agad yung dahilan?" Nagkatinginan naman silang dalawa ni Rayzelle.

"Bakit sino pa ba? Posible bang kung hindi si Sir ay si Chester ang dahilan?" Agad naman akong napailing sa sinabi ni Rayzelle.

"Hala hindi. Basta ano super sarap kasi ng agahan ko. Ayun lang, kaya ang ganda ng umaga ko." Paliwanag ko sa kanila para magtigil na sila.

"Bakit ano bang agahan mo? si Sir?" Amp napakakulit ni Maychie.

"Sabing hindi nga e. Puro nalang si Sir 'yang bukambibig mo baka mamaya ikaw talaga ang may gusto sa kanya." Inis na saad ko sa kanya.

"Eto naman binibiro lang e, kalma mare. Peace lang hehe." Napairap nalang ako sa inis.

"May sasabihin pala ako sa inyo. Baka mamaya sabihin nyo naglilihim na naman ako sa inyo e." Napatingin sila sa akin.

"Ano?" Takang tanong nila.

"Nakipag-ayos na sa akin si Chester." Direstong sabi ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"So it means na friends na ulit kayo?" Usisa ni Rayzelle.

Napa-kibit balikat nalang ako.

"Alam kong ayos na kaming dalawa pero hindi ko masasabing magkaibigan na ulit kami kasi... alam nyo naman yung nangyari dati hindi ba?" Hindi ko naman maintindihan ang mga itsura nila. Bigla kasing nagseryoso ang mukha nilang dalawa.

"Heh basta malalagot na talaga sa 'min 'yang Chester na 'yan, once na saktan ka nya ulit. Kami ang makakalaban nya." Gigil na saad ni Maychie. Nakakuyom pa ang isang kamao nya.

Natawa tuloy ako sa itsura nya.

"Hay nako, ikaw ang kumalma. Nakamove on na ako dun at isa pa hindi ko na hahayaang saktan nya pa ako uli 'no." At nginitian ko sila para kumalma sila.

"Basta kahit na maging magkaibigan pa kayo ulit, hanggang doon nalang ah. Dahil Team Sir Chance kami! Hindi kami makakapayag kapag naging kayo ni Chester dahil si Sir lang ang nakatadhana sayo." Ako naman ang nagulat sa sinabi ni Rayzelle.

"Tama yan, girl. Team Sir Chance for the win lang!" Sigaw pa ni Maychie. Hahayaan ko na nga lang 'tong dalawang 'to. Wala na akong magagawa e. Kapag kasi nasimulan na nila, hindi ko na sila mapipigilan pa. Ang kailangan ko nalang gawin ay sanayin ang sarili ko sa mga pang-aasar nila.

"Psst Maychie, may nagpapabigay." Nagkatinginan kami ni Rayzelle sa gulat ng bigyan ng kaklase naming si Hayden ng bulaklak si Maychie.

"Naku ikaw 'tong hindi nagsasabi sa amin ah!" Pabirong sabi ko kay Maychie. Tahimik lang sya at nakakunot ang noo habang nakatitig sa bulaklak na ibinigay ni Hayden.

"Hoy Hayden! Siguraduhin mo lang na talagang may nagpapabigay nito sakin o baka naman ikaw talaga ang..." Sa bilis ng pangyayari ay nakita nalang namin na sinugod na ni Maychie si Hayden sa upuan nito.

"Ako pa ang pagsususpetsahan mo? Sa tingin mo, ako magkakagusto sayo? Hay Maychie, mangarap ka nalang." Natawa naman ang buong klase sa isinagot ni Hayden sa kanya. Kitang kita ko naman kung paano uminit ang ulo ni Maychie.

"Ang kapal ng face mo ah, akala mo naman gwapo. Kapag ikaw nagkagusto sakin, hinding hindi kita bibigyan ng chance hmph! At eto ibalik mo na rin dun sa nagpapabigay tseh!" Sigaw ni Maychie sabay padabog na inilapag iyong bouquet of flowers sa lamesa ni Hayden.

"Asa ka namang magkakagusto ako sayo, tss." Sagot pa ni Hayden kaya lalong nairita si Maychie at patuloy na silang nagbangayan doon.

"Pag sila nagkatuluyan, ewan ko nalang." Natawa naman ako sa sinabi ni Rayzelle.

"Basta support nalang natin."

***

Kanina pang umaga ay sobrang ingay ng klase. Wala kasi ang mga teacher namin dahil may mga meeting. Kung ganun pala, edi sana hindi na nila kami pinapasok.

"Uy tara sa cafeteria nalang tayo tumambay."

"Ge arat mga pre!"

Dinig ko sa usapan ng mga kaklase kong lalaki. Lumabas na sila at maya maya pa ay nagka-ideya naman si Maychie dahil sa narinig.

"Kung sila lumabas, so tayo rin pwede? Ano let's go?" Yakag nya sa amin ni Rayzelle.

Habang naglalakad kami palabas ay nagdadaldalan sila, samantalang ako ay pinili kong manahimik. Hindi kasi ako mapalagay, parang may nakatingin sa akin at nakasunod. Tinitignan ko naman ang likuran ko kanina pa, wala naman akong makita.

Kinakabahan tuloy ako.

Nagulat nalang ako ng may humigit sa akin mula sa hallway.

"Chester?" Nanlaki ang mga mata ko at halos atakihin ako sa gulat sa kanya. Bakit ba naman kasi kailangan nya pa akong higitin patago.

"Tara lunch?" Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya o hindi. Alam kong nagkaayos naman na kami pero naninibago akong kasama ko na naman sya ngayon.

Matagal syang nawala, nasanay na akong wala sya sa dalawang taong lumipas.

"Uhm ayos lang ba?" Nakakapanibago lang din na sya na ang nagyayakag sa akin. Dati kasi ako ang laging nangugulit sa kanya dahil noon ay gusto ko sya.

"S-sige." Pilit ko syang nginitian at ngumiti rin sya pabalik sa akin.

Habang sabay kaming naglalakad papuntang cafeteria ay pansin kong marami ang nakatingin sa amin. Hinayaan ko nalang iyon at natuon ko ang pansin ko sa likuran ko nang makita ko si Sir na naglalakad palapit na rin sa kinaroroonan namin.

"Chester, wait lang ah." Hindi pa sya nakakapagsalita pero iniwan ko na muna sya roon at nilapitan ko si Sir Chance.

"Sir!" Tawag ko rito habang palapit ako sa kanya. Nilingon nya ako at kinunutan ng noo.

"What do you need?" Masungit na tanong nito sa akin. Hay na ko, parati nalang galit ang itsura nya, sana hindi sya agad na tumanda.

"Sabay na kayo sa 'min ni Chester kumain." Yakag ko rito. Tinitigan nya lang ako.

"That's not a good idea." Ako naman ang nagtaka sa sinabi nya.

"Ha? Bakit?" Hindi ba magkapatid sila? Anong masama roon?

Bago pa sya makasagot ay napatingin kami kay Chester na sumunod din sa akin.

"Lexie, tara na." Seryosong sabi sa akin nito. Nilingon ko si Sir at naglakad na ito agad palayo nang wala man lang pasabi.

Nakapagtataka naman silang dalawa. Halatang may problema.

"Di ba kapatid mo si Sir?" Tanong ko kay Chester.

"Hindi at hindi ko sya magiging kapatid. Huwag na nating pag-usapan 'yun. Tara na?" Napalunok naman ako dahil sa tono ng pananalita nya. Ramdam kong may hinanakit sa boses nya.

"Sorry. Ah sige, tara na."

Sumama nalang ako sa kanya kahit na hindi ako mapalagay dahil sa kanilang dalawa ni Sir. Mukhang hindi yata maayos ang relasyon nila o posible rin bang wala naman talaga silang koneksyon sa isa't isa? Pero bakit naman sila magkaapelyido? Nakakasakit ng ulo ha, mamaya ko na nga lang iisipin. Kakain na muna kami.

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon