EPILOGUE

588 12 1
                                        

Tatlong taon na ang nakalipas, graduate na ako ngayon sa college! Napagdesisyunan ko munang magpahinga bago maghanap ng trabaho.

Ang bilis ng taon, parang kailan lang ay tenant sya noon sa amin hanggang sa magtrabaho ako sa kanya at alagaan ko sya sa ospital pero ngayon ay wala na sya.

Grabe rin siguro ang mga araw na iniyakan ko sya noong mga time na umalis sya sa amin o kaya nung umamin ako sa kanya. Pero ngayon napapangiti na lang ako sa tuwing binabalikan ko iyon dahil isa siyang magandang alaala para sa akin.

Napapaisip tuloy ako kung ayos na ba sya ngayon? Masaya rin kaya sya ngayon?

Kasi ako masaya ako ngayon sa naabot ko, na nakatapos ako. Kahit noong mga panahong nanghihina ako ay lumaban ako. Sana ganoon ka rin. Huwag kang panghinaan ng loob.

"Besh, saan na si Ren? Kala ko lalabas tayo at third wheel ako." Nagulat naman ako kay Maychie na nasa loob na ng kuwarto ko.

"Hoy teh, kung aminin mo nalang kasi na sya lang naman talaga gusto mo makasama. Dinadamay mo pa ko e—"

"Hindi naman yun sasama kapag hindi ka kasama e." Pag-iinarte nya pa.

"Sasama yun, ano ka ba. Ako bahala sayo." Kaya naman pala hindi talaga ako magkagusto kay Ren, dahil si Maychie ang magkakagusto sa kanya.

Si Ren na ang pinakamatinong nagustuhan nyang lalaki kumpara sa mga naging ex boyfriend nyang mga kupal.

I texted Ren na hindi ako makakapunta dahil masama ang pakiramdam ko.

Ayos lang naman sigurong ilakad ko sa kanya ang kaibigan ko dahil single naman sya? Tinanong ko na rin naman sya dati kung gusto nya ako, and he answered, "Yes? I like you as a friend, pero hanggang dun lang. Wala pa kasi sa isip ko makipagrelasyon hangga't di pa ako successful sa buhay."

Si Rayzelle naman, eto parehas kaming sawi, charot. Parehas ba naman kaming iniwanan. Iniwanan kami nung magkapatid.

"Mall tayo, Lexie. Need ko ng outfit para sa themed party namin sa office e." Tumawag sa akin si Rayzelle at sumama naman ako dahil wala rin naman akong gagawin.

"Rayz, eto bagay sayo!" Inabot ko sa kanya ang dress na napili ko nang biglang may tumawag sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha nya.

"Hintayin mo nalang ako sa labas, Besh." Sabi nya sa kin. Sino kaya yung tumawag?

Ang tagal ni Rayzelle. Baka sa work nya iyon kaya siguro ang seryoso nya.

Naglakad-lakad muna ako hanggang sa may nakasalubong ako. No. Lagot, nakita ako ni Ren sa mall. Nagkunwari na lamang akong walang nakita, sana hindi nya ako namukhaan.

"Sinasabi ko na nga ba, Lexie. Siguro ayaw mo lang akong makasama." Nagtatampong saad nya. Agad ko naman syang hinabol.

"Wait, Ren. H-hindi sa ganun, niyakag kasi ako ni Rayzelle—"

"Pwede mo namang sabihin nalang sa akin, maiintindihan ko naman. Ang ayoko pa naman sa tao yung nagsisinungaling." Nakangiti sya sa akin. I feel guilty.

"I'm sorry, Ren. Babawi ako sayo, promise. Ililibre kita ng ice cream saka cake, kaya lang ngayon kailangan ko na bumalik."

"Promise yan ah."

"Oo nga, babye na muna!"

Bumalik ako sa department store kahit na ang sabi sa akin ni Rayzelle ay sa labas na ako maghintay.

Nakita kong tulalang pasakay ng elevator si Rayzelle, agad ko syang hinabol.

"Rayzelle!" Nilingon nya ako.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon