CHAPTER ONE

1K 22 1
                                    

"Woohoo! Congrats kay birthday girl, Lexie! Sa wakas, may first kiss na sya yieeee!" Kanina pa nila ako kinukulit pero hindi ko sila pinapansin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakaka-get over sa nangyari.

Saka hindi ko rin alam kung bakit ramdam ko parin ang lambot ng labi ng lalaking yun-- aish! Kailangan mo na syang makalimutan! Sana rin ay hindi na kami muling magkita pa dahil kung nagkataon ay lagot ako! Wala na akong mukha na ihaharap pa sa kanya.

Nakauwi na ako pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari.

Nakakainis talaga sila Maychie at Rayzelle! Argh! Makakaganti rin ako sa kanila sa susunod!

"Ate, ayusin mo na raw po yung isang kwarto sa second floor. May bago raw po tayong tenant." Napatingin ako sa nakababatang pinsan kong si Leyzie.

"Sige sige, gagawin ko na agad. Pakisabi nalang kina Mama na nakauwi na ako ah."

Grabe naman ang gabok dito sa kwartong 'to! Isang buwan palang naman nung umalis yung nangupahan dito ah! Hays, bakit ba kasi ako ang naka-toka sa paglilinis ng buong boarding house namin!

Ito ang negosyo nila Mama at Papa. Naisipan nilang gawin nalang na boarding house ang bahay namin dahil nanghihinayang sila sa laki nito.

Sana maayos ang bago naming tenant, minsan kasi may mga mahirap pakisamahan. Ma-attitude kumbaga.

Yung iba minsan ang taray at kung makautos wagas! Hindi man ako ang landlady at landlord pero baka nakakalimutan nilang anak ako aba!

Sana rin hindi makalat dahil napakahirap maglinis 'no!

"Anak, tapos ka na ba? Nandito na yung bagong tenant natin!" Napamadali tuloy ako sa pag-aayos saka agad na lumabas ng matapos.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng hagdan ng makita ko ang kausap ni Mama at Papa na sa tingin ko ang bago naming tenant.

Halos atakihin ako sa gulat ng makilala ko ito. No! Hindi!

Totoo ba 'to?!

Dito na maninirahan sa boarding house namin ang lalaking nasa waiting shed kanina na hinalikan ko?!

Owsh*t! Paano na 'to? Anong gagawin ko? Hindi nya ako dapat makita rito!

***

Habang kinakausap pa nila yung lalaki ay agad na akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Kapag pinalabas nila ako ay sasabihin ko nalang na masama ang pakiramdam ko.

At isa pa palang ideya ang pumasok sa isip ko! Natawa nalang tuloy ako. Sana ay gumana ang plano ko.

Kinagabihan, grabe naman nagugutom na ako. Gusto ko ng lumabas kaya lang paano kung kumakain yun ngayon dun sa ibaba.

TOK TOK TOK!

Nagulat naman ako ng makarinig ng mga katok. Umubo-ubo naman ako ng malakas para marinig ng taong nasa labas.

"P-pasok! Ehem! Ehem!"

Nakita ko namang pumasok si Leyzie sa kwarto ko.

"Oh bakit? Pinapatawag ba ako nila Mama?" Tanong ko sa pinsan ko.

"Hindi naman, Ate. Pero hindi ka pa ba kakain? Saka sabi ni Tita, ikaw na rin daw yung tumawag dun sa bagong dating." Ha? Ano?!

"Paki ulit nga ng sinabi mo, Leyzie."

"Nauna na kasi kaming kumain nila Mama, tinawag ko kanina yung lalaking bagong tenant natin pero sabi nya may ginagawa raw sya e, mamaya nalang daw sya. Kaya sabi ni Mama, sabayan mo nalang daw." No! Hindi pwede! Saka paano kapag naalala nya parin yung ginawa ko?! At makilala nya ako?!

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon