"I finally found you." Nakangiting sambit sa akin ni Chester sabay abot ng sorbetes.
Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng tuwa o ano. Nakatitig lamang ako sa ice cream.
"Lexie, hindi mo man lang ba ako lilingunin?" Seryoso akong tumingin sa kanya.
"K-kailangan ko nang bumalik sa trabaho." Pagdadahilan ko sabay tayo mula sa upuan. Hinawakan nya ang kamay ko upang pigilan ako.
"Wait, Lexie. I have something to say, tagal na nating di nag-usap at yung huli nating pag-uusap, hindi pa maayos."
"Chester, sorry. Pero wala ako sa mood ngayon, tungkol sa mga bagay na yan. At isa pa, gusto ko nang magsimula ng bagong buhay dito. Layuan mo na ko." Mahinahon kong paliwanag.
"Lexie, bakit? Bakit ayaw mo kong pakinggan? Ayaw mo akong bigyan ng pagkakataong maipaliwanag ang sarili ko sayo, pati ang mapatunayan ang sarili ko sayo." Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Hindi pa nga ako handang makausap siya e! Tapos ganyan pa sya, lalo nyang pinapainit ang ulo ko.
"Alam mo, Chester. Kung nagustuhan man kita noon, puwes hinding-hindi na mangyayari pa ulit yun. Yang ugali mong yan, ang pinaka-kinaiinisan ko. Hindi ka ba marunong umintindi? O talagang sarili mo lang yang iniisip no? Ha! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo dahil sa mga inaasta mo." Sigaw ko sa mukha nya sabay walk out at dali-daling bumalik sa trabaho.
***
"It's nice seeing you together. I hope your both happy."
Napatingin na naman ako sa may freedom wall, may bago na namang sticky note roon. Hindi talaga mawala sa isip ko yung handwriting nya. Pero ang talagang nakakainis, ay iyong utak ko na iniisip na sya tong nagsulat nito.
Bigla kong naisip na buksan ang cellphone ko, at nakita ko sa gallery ko na narito parin pala yung picture nya. Yung kuha ko sa kanya habang may yakap-yakap syang human-sized teddy bear. Ang cute nya talaga rito. Ewan ko ba, hindi ko kayang burahin. Eto nalang yung alaala ko sa kanya e.
"Wow, sino yan Lexie? Aminin mo, bf mo no?" Nagulat naman ako nang tumabi sa akin si Raya, katrabaho ko.
"H-hoy hindi ah, di ba wala nga akong bf? NBSB pa nga ako e."
"Sus, edi sino yan? Crush lang? Teka nga, pwede tignan? Parang familiar e—"
"Sorry bawal hehe, uy tawag ka ni Kei oh, lumapit ka na roon sa kitchen." Hoo! Nanlamig pawis ko roon ah, paano kung may nakakakilala sa kanya. Edi na-issue pa. At isa pa, kilala pala ang pamilya nila kaya hindi ako maaaring magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanila.
"Lexieee!" Nagulat naman ako sa patiling tawag ni Raya sa akin.
"Oh bakit?"
"Hindi ‘to pwede huhu, kakasimula palang ng cafe natin tapos nilalangaw na agad tayo dahil sa bagong cafe na katabi natin teh."
"Huh? Hindi naman ah—"
"Anong hindi? Tignan mo nga, oo may customers parin tayo. Pero kung ikukumpara mo sa dati, hindi na katulad noon, na busy tayong laht dhil dumog na dumog tayo noon." Napaisip nalang ako. Paano kung ma-bankrupt ang cafe? Saan ako pupulutin at makakahanap ng bagong trabaho?
"Anong dapat nating gawin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko nga rin alam e, hindi rin alam ng boss natin ang nangyayari ngayon. Last week pa yung huling bisita nya rito. Kailangan natin syang makausap." Napatingin ako sa paligid, tatlo lang ang customers namin ngayon at ang lungkot pa ng awra sa cafe namin.
The whole day, hindi nga kami gaanong napagod pero lungkot ang nagpabigat sa mga damdamin namin.
Nang sumapit ang alas-syete ng gabi ay nagligpit na kami upang magsara na. Natigil kaming lahat sa pag-aayos nang may lalaking naka-all black na pumasok.
"G-good evening, Sir!" Takang-taka kaming lahat na napatingin kay Maddie, branch manager namin.
Sabay-sabay din kaming napasunod ng bati ng, "Good evening, Sir." Kahit na wala kaming kaalam-alam.
Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.
Ibinaba nya ang hood nya at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala.
Hindi ko masabi kung inasahan ko na ba to, or sign na talaga yung mga nabasa ko sa freedom wall ng cafe.
Teka, baka nananaginip lang akong nasa harap ko si Chance?! Hindi pwede ‘to!
"Raya, sampalin mo nga ako." Bulong ko sa kanya.
"Teh ano ba, nakatingin sa atin si Sir." Napatingin ako muli kay Chance sabay iwas ulit. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakakita ko lang kay Chester kaya nai-i-stress ako tapos ngayon sya naman ang makikita ko?
"Do you have any ideas or suggestions? Na sa tingin nyong pwedeng makapag-paangat sa cafe natin than others. Yung sa tingin nyong tatangkilikin agad ng tao. In business, kapag hinayaan mong mawalan ka ng customers, it will be a loss for you. Kaya habang maaga pa, we need to solve this problem, ASAP." Muli akong napatitig sa kanya habang pinakikinggan sya. Parang may mga nagbago sa kanya, mas sanay akong nag-e-english sya pati hindi ganyang kahaba ang mga sinasabi nya unless nagdidiscuss sya sa school. Pero nalimutan kong marami nga palang nangyari. Marami nang nagbago.
Kilala nya pa ba ako? Bigla rin syang tumingin sa akin, naramdaman nya siguro ako.
"How about you, Miss Lexie? Any idea?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaba. Ako ang tinatanong nya? Alam naman nyang bobita ako tapos ako pa talaga? T_T
Napatingin din sa akin ang lahat kaya lalo akong na-pressure.
Tinignan ko lang si Chance at naalala ko yung araw na lumabas kaming dalawa nung ayain nya akong maging fake girlfriend nya for a day. Ang amo nya sa akin that time, lumabas yung soft side nya pati hindi ko malilimutan yung itsura nung yakapin nya yung human sized teddy bear. Pinigilan kong ngumiti sa alaalang yun, na nagbigay sa akin ng ideya upang masagot ko ang tanong nya.
"Something soft and fluffy, Sir. What if maglagay tayo ng pillows and stuff toys or things na cute sa paningin ng tao that can make them comfortable sa cafe natin. Then, may isang mag-ma-mascot ng bear na magbibigay ng flyers sa labas." Kahit ako hindi makapaniwala sa mga nasabi ko, napangiti ang mga katrabaho ko sa idea ko pero si Chance, wala syang reaksyon. Cold since birth yan? Anyway, sanay na ako sa kanya. Hindi naman ako nag-e-expect ng kahit ano.
"Pwede, how about others? Baka may naiisip pa kayo." Okay. So, ayun na talaga yun, Chance? Oo, hindi ko sya tatawaging sir, kasi naiinis ako sa kanya! Parang balewala lang ako. Nanggigil ako rito, pigilan nyo ko.
Natapos ang meeting at nakapagsara na rin kami, tumulong pa sya sa amin pero agad na rin syang umalis. Tuwang-tuwa yung mga katrabaho ko sa kanya, samantalang ako, eto nalulungkot. Gusto ko kasi syang makausap, pero hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan.
Magulo man ang isip, agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo ng mabilis upang hanapin sya. Baka sakaling, hindi pa sya nakakalayo kasi naglakad lang naman sya.
Kung saan-saan na ako nagpunta, nakakapagod na tumakbo. Narating ko ang park, malapit na mall hanggang sa kumpanya nila. Nakaalis na raw sya. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang gusto ko syang makausap.
Bigla namang umulan ng malakas na nagpatakbo sa akin sa pinakamalapit na masisilungan. Mabuti nalang at may waiting shed dito, kasi kung hindi, basang-basa na ako. Pinanood kong lumakas at humina ang ulan, lalakas at hihina, paulit-ulit na serye. Hanggang sa may magpatong ng jacket sa balikat ko. Agad akong napalingon dito at laking gulat ng makita sya.
"C-chance. . ."
"Bakit mo ako hinahanap?"
Hindi ko alam kung anong sumapi sa katawan ko na lakas ng loob upang yakapin sya imbes na sagutin ko ang tanong nya.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
Любовные романыUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023