"WAAAAHHHHH! DAPAT PALA DI NA TAYO SUMAKAY DITO!" ang sakit sa tenga ng sigaw ni Herald, sya 'tong nagyaya na sumakay kami ng roller coaster pero takot naman pala sya.
Natatawa nalang ako sa kanya kasi dinaig nya pa akong umirit sa rides.
"I'm sorry, hindi ko na kaya, Lexie." Mahina akong natawa at napailing.
"Hindi naman kita pinilit sumakay dyan, sana sinabi mo nalang na—"
"No, gusto ko lang kasing i-try— blurgh!" Nagulat ako nang masuka sya buti nalang ay napaiwas ako.
"Okay ka lang?" Tanong ko pa sa kanya pero tumakbo na sya papuntang CR. Gosh, hindi ko inasahang ganto si Herald. Mahina ang sikmura nya sa rides? T_T
Hinintay ko syang mahimasmasan dahil pinagpapawisan sya at mukhang nawalan sya ng energy.
"Gusto mong pumunta tayong clinic?" Para kasing nanghihina na sya. What if may sakit sya? Lagot ako 😭 dahil ako ang kasama nya.
"What? No. I'm fine, okay? I just need some rest."
"Pero namumutla ka kasi—" Natigilan ako nang humiga sya sa lap ko habang nakaupo kami sa bench. Hindi talaga ako comfortable but he looks tired kaya hinayaan ko nalang sya.
"You know, I remember my sister in you. She's always mad at me because of my pranks at her, pero never pa rin nawala yung care at sweetness nya sa kin. It's just so sad na, wala na sya rito. But she will be always in my heart." Tinignan ko sya and nakangiti sya habang nagkukwento. Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin to comfort him. Marahan ko nalang na tinapik tapik ang ulo nya.
"It's the reason why I'm liking you, forgive me. I'm sorry." Tumayo sya at muling umayos ng pagkakaupo saka nya ako hinarap ulit.
"H-hindi mo kailangan magsorry, a-ano ka ba." Ngumiti ako sa kanya.
"P-pwede mo naman akong ituring bilang kapatid." Dagdag ko pa, hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob nya.
"Are you hurting me? Seriously?" Bigla syang tumawa.
"I like you, I don't want you to be my sister. I like you but I can't, I know you're in love with someone else." Natahimik ako and at the same time nabibilib ako sa kanya. Dahil sa lakas ng loob nyang sabihin sa akin ito nang nakangiti. Hindi ko makita ang sakit sa kanya, paano nya 'to nagagawa?
"P-paano mo naman nasabi? Saka ganoon ka pala? Kapag may iba ng gusto, ang gusto mo, susuko ka na?" Umiling sya.
"No, it's not like that. I just have a gut feeling that I don't have any chance. Hindi ko lang gusto na umasa ako, sa alam kong wala talaga akong pag-asa, para hindi ako masyadong masaktan." Naiiyak ako sa mga sinasabi nya, nakakainis sya. Tumpak ganern kasi ang mga sinasabi nya e. Kapag walang pag-asa, wag na nga naman umasa. Ang tanga ko talaga, if ganito lang yung mindset ko nung nahulog ako kay Chance, siguro naka moved on na ako agad.
"I hope hindi masayang ang pagpapaubaya ko sayo, sana maging maayos na ang lahat." ngumiti sya at kumindat sa akin dahilan para mapangiti rin ako. Sana nga'y dumating na ang panahon kung saan mawawala na rin ang mga problema.
***
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Alam kong narito na sila Mama at Papa pero bakit mukhang wala pa ring tao.
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Mama sa kusina na may dala dalang maliit na palanggana at tuwalya.
"Para saan po yan—"
"Ikaw na nga ang maghatid sa kwarto mo nito, Lexie." Sagot ni Mama, nagtaka naman ako.
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil itinulak na ako ni Mama papunta sa kwarto ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas si Papa na mukhang nakainom.
"Lexie anak, ikaw na muna ang mag-alaga kay Chance. Daming nainom e, ayan bagsak." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Teka, what the!
"P-po? Anong ibig nyong sabihin?" N-nandito sya ngayon at nasa kuwarto ko pa syaa?!
"Ikaw na ang bahala sa kanya, anak. Sakit din talaga ng ulo ko e, buti nalang nandito ang Mama mo. Sige anak, good luck." Sabay kindat pa ni Papa sa akin. Ano bang meron sa araw na to?! Napatitig ako sa hawak kong plangganang may lamang tubig at tuwalya.
Bahala na nga!
Sumilip muna ako sa kwarto ko saka binuksan ang ilaw. Nakita kong wala naman syang malay, kaya wala naman siguro akong ipag-alala.
"Iinom inom pa kasi mahina naman pala, hays." Sambit ko habang pinupunasan sya. Hindi ko naman mapigilan na hindi titigan ang maamo nyang mukha habang natutulog sya.
"Alam mo para kang anghel pag tulog, wag ka na nga lang gumising. No, dapat pala gumising ka na kasi mamahalin mo pa ako, diba? Charot. Hoy, FYI, moved on na ako ha." Totoo ba, Lexie? I think, ang sinungaling ko sa part na to.
"Awayin mo na nga lang ako, para hindi ako ma-bored. Para akong tangang nagsasalita kahit wala namang kausap." Wait nga, kailangan ko rin ba syang palitan ng damit? Basa kasi sya ng pawis—ayoko!
"Hoy, di kita sisilipan ah, papalitan lang kita ng damit. May iniwan na dito damit si Papa." Papikit pikit ako habang binibihisan sya pero natapos din agad ako. Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin dahil mukhang komportable naman na sya pero nanatili pa rin ako sa tabi nya.
"Tulog ka man o hindi, sasabihin ko pa rin sayo yung mga gusto kong sabihin sayo."
"Yung kanina? I can explain kahit na alam kong wala ka namang pakialam, basta sinasabi ko lang na walang kami ni Herald, okay? Nag-jo-joke lang sya, nagta-trabaho lang ako sa kumpanya nyo bilang secretary nya. Worker lang nya ako, hindi lover, okay. Saka kanina, bakit parang ikaw pa yung galit nung makita mo ko ha? Ang kapal naman ng face mo! Ako nga 'tong hindi mo pinakinggan at binalewala mo yung pag-amin ko sayo ng feelings ko tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit sa kin?!" Grabe ngayon ko lang narealize na talagang sinisigawan ko ang isang tulog? Malapit na yata akong mabaliw sa ginagawa ko.
"Saka isa pa, bakit pala kasama mo si Papa? Wala ka bang ibang makasama at dito ka pa tuloy nya inuwi? Sobrang hirap magmove on, alam mo ba yun? Tapos kahit anong iwas ko, pinagtatagpo pa rin tayo ng tadhana. Napapagod na ako e, kasi ang sakit. Napapagod na akong mahalin ka, sa totoo lang, pero hindi ko magawang sukuan ka, kahit na never mo namang masusuklian yung nararamdaman ko para sayo." Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ko na maawat ang pagpatak ng mga luha ko, nakakainis.
"Nakakainis ka, alam kong hindi mo naman kasalanan na ikaw yung ginusto ng puso ko, pero sana kasi hindi nalang kita nakilala." Masyado mo na akong binabaliw. Pesteng pagmamahal to.
Tatayo na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Nagsalita sya pero hindi ko iyon gaanong naintindihan.
Ang tanging narinig ko lang ay "ay ri". Binitawan ko ang kamay nya saka ako tuluyang lumabas sa kwarto.
Hindi ko yata sya kayang makita rito bukas sa bahay kaya minabuti ko nalang na muling umalis, at bahala na kung saan nalang ako pulutin.
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomanceUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023