CHAPTER TWENTY SIX

386 9 0
                                    

"Gusto mo munang pumasok?" Alok ko pa sa kanya nang maihatid ako sa amin.

"Hindi na. Sige, aalis na ko." Pasakay na sya ng sasakyan nya ngunit agad ko syang pinigilan. Hinigit ko ang kamay nya't tumiad upang maabot at mahalikan sya sa pisngi.

Natigilan sya't natulala sa ginawa ko.

"Ingat ka and good night!" Paalam ko saka dali-daling tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.

Grabe ang saya ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit ko nga ba iyon ginawa. Dala lang ng bugso ng damdamin? Whaaatt.

Hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Panay din ang dasal kong maging maayos na sya at maging maayos na ang lahat.

Kinabukasan, naisip kong hindi pumasok. Oo na, tamad na talaga ako. Gusto kong makasama sya ulit ngayon at masigurong ayos sya. May pangamba pa rin kasi ako na baka may gawin syang bagay na hindi maganda. Hindi ko kakayaning mawala sya.

Maaga akong umalis at pumunta sa bahay nya.

Tahimik ang paligid, mukhang natutulog pa sya. Pumunta ako sa kwarto nya at pinagmasdan ko syang matulog.

Hay, makita lang kita, ibang iba yung saya na dinudulot mo sa kin. Para bang nahihibang yung puso't isipan ko sayo. Ni hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.

Maya-maya'y naalimpungatan sya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang nakangiti. Gusto kong ako ang bumungad sa kanya sa umaga.

"B-bakit ka nandito?" Gulat nyang tanong pagmulat nya.

"Sa tingin mo ba bakit?"

"I don't know."

"Tumayo ka na dyan, tara labas tayo!" hinigit ko ang kamay nya ngunit patuloy syang bumabalik sa kama.

"What, it's still early-" angal nya pa.

"Early, early ka pa dyan. Tayo na, or else ako magpapaligo sayo." Tinignan nya ako at ngumisi sya.

"Are you sure about that?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Joke lang! Bangon ka na kasi please." Sabay pout ko pa pero mukhang walang effect dahil muli syang natulog.

Humiga nalang din ako sa kama't tumabi sa kanya.

Aba, wala lang sa kanya ha. Lumapit pa ako at saka inilagay ang isa kong braso ko paikot sa kanya upang yakapin sya. Dedma pa rin?!

Tinignan ko sya, yun pala tulog na.

Hinayaan ko nalang ang pwesto namin at hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako roon.

Nagising akong nakaharap na sya sa akin at nakatitig sa akin.

Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko'y matutunaw ako sa titig nya.

"Gising ka na pala? Bakit di mo ko ginising?" Tanong ko sa kanya.

"Mahimbing na kasi ang tulog mo kaya hinayaan na kita." Sagot nya saka bumangon na sa kama.

"Kain tayo sa labas?" Paanyaya ko pa.

"Or magluluto ka?"

"What do you want?"

"Hmm.. gusto ko sana ng luto mo kaso ayokong mapagod ka e, tara labas nalang tayo!"

Habang hinihintay ko syang mag-ayos ay muli akong napaisip. Bakit ko nga ba ginagawa to? Dahil gusto ko sya? Pero ano namang mapapala ko kung hindi naman nya ako gusto? Magugustuhan nya ba ako kapag pinagpatuloy ko tong ginagawa ko?

Namalayan ko nalang na may tumulo nang luha sa mata ko. Ang iyakin ko talaga, hays.

"Are you okay?" Nagulat ako sa pagsulpot nya mula sa likod ko.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon