CHAPTER EIGHTEEN

401 8 0
                                    


LEXIE'S POV

Alam kong nagalit ako sa kanya, kaya hindi ko sya pinapansin pero bakit hindi nya rin ako pinapansin?! Kaysa ibigay nya sa akin yung reviewer na ginawa nya, sinilid nya lang sa may pintuan ng kwarto ko. Yung totoo, galit din ba sya sakin at hindi nya ako kinakausap?!

Hindi na to normal, isang linggo nya na akong iniiwasan. Oo, iniiwasan dahil sa tuwing magkakasalubong pa lang kami nakikita kong nag-iiba sya agad ng daraanan. Pansin na pansin ko talaga ang pag-iwas nya at ngayo'y dinadamdam ko iyon.

Kaysa magalit ako sa kanya, nalulungkot ako sa ginagawa nya. Parang wala lang talagang nangyari. Parang wala kaming pinagsamahan, so ano ganun nalang yun ha?!

"Beh, anong nangyari bakit mangiyak-ngiyak ka na dyan?" Hindi ko napansing paluha na pala ako nang lapitan ako ni Rayzelle.

"Wala to sis, tears of joy lang kasi nakapasa ako sa quiz sa math di ba?" Pagdadahilan ko.

"Ay shems oo nga pala no! Talagang nag-aral ka na ah! Congrats ulit, Lexie!" Nginitian ko na lang sya at pinasalamatan.

***

Habang naglalakad ako pauwi ay iniisip ko kung paano ko makakausap si Chance kung iniiwasan nya ako. Bigla naman akong nagulat sa malakas na ulan na naging dahilan para maging basang sisiw ako. Hays, bakit nga ba kasi hindi ako nagdala ng payong? Katangahan is real talaga, Lexie.

Hinayaan ko na lamang ang ulan at nagpatuloy akong maglakad dahil basa naman na ako. Napatingala naman ako ng makitang may nagpayong sa akin sa gitna ng malakas na ulan. Tinignan ko kung sinong may hawak nito at nakita ko si Chester.

Seryoso syang nakatitig sa akin kaya't napababa na lamang ako ng tingin.

"Bakit ka naman naligo sa ulan? Parang dati naman, lagi kang handa ah."

"Uy, hindi mo ba ko papansinin?" Muli akong napalingon sa kanya.

"Ano bang dinadrama mo--" napatigil na lamang sya ng bigla ko syang yakapin at nabitawan nya ang payong.

Niyakap ko sya sa gitna ng ulan dahil sa labis na lungkot na aking nadarama. Hindi ko alam ang gagawin ko. Walang kahit anong lumabas na salita sa bibig ko maging sa kanya, hinayaan nya lang akong yakapin sya kasabay ng luha kong hindi maawat sa pagdaloy.

Nang bumitaw ako sa kanya, ay hinawakan nya naman ang kamay ko.

"Lexie, nandito na ko. Hindi na kita iiwan pa ulit." Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi nya, dahil nasanay na akong wala sya sa tabi ko.

"Sana nga, Chester. Kasi nahulog na ako sa kanya e, hindi ko alam ang gagawin ko. Tulungan mo akong makaahon, please." Pagmamakaawa ko, akala ko tapos na ang pagluha ko pero may natira pa pala. Akala ko'y naiyak ko na lahat.

"Tutulungan kita, Lexie. Dahil sa kin ka lang pwede mahulog."

Nakalipas na ang ilang araw ganun pa rin ang mga naging senaryo hanggang sa nagulat nalang ako sa nalaman ko.

"Balita ko 'nak, nag-resign na si Chance sa school nyo kasabay ng pag-alis nya kanina rito. May nangyari ba sa kanya?" Hindi ko alam kung gaano katagal ako napanganga sa sinabi sa kin ni Papa.

"P-po?! Umalis na sya rito at nag-resign na rin?!"

"Hindi mo alam, Lexie? Hindi ba't malapit kayo?" Naging malapit ba kami? Siguro para sa kin, oo. Pero sa para sa kanya, wala lang lahat yun.

"Dinala nya na po mga gamit nya? As in lumayas na po sya rito?" Nagpalinga-linga pa ako sa bahay pero wala ni isang bakas nya ang nakita ko rito.

"Oo 'nak, nagpaalam na sya e."

Agad nalang akong napatakbo sa labas nang hindi man lang alam ang gagawin. Ni hindi man lang kami nakapag-usap sa huling pagkakataon. Napaupo nalang ako sa kalsada dahil sa panghihina.

Naiinis ako sa kanya, hindi sya nagpaalam sa akin! Ganun nalang ba talaga yun? Ayun na yun ha! Hindi na talaga ako nadala. Sinasabi ko na nga ba e, bakit lahat ng taong nagugustuhan ko iniiwan din ako sa ere? Ano bang kamalasan ang meron sa akin? Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya, pero siguro mas mabuti nga na hindi nya nalaman dahil wala rin naman akong pag-asa sa kanya.

Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman akong iniwan. At talagang nagkataon pang kapatid nya rin ang gumawa sa kin nun.

Grabe ka sa kin tadhana, wala naman akong ginagawa sayo ah? Bakit nananakit ka ng ganito?

Walang ibang paraan para mawala ang sakit kundi ang makalimot.

Nang matauhan ako sa itsura ko sa labas ay agad kong inayos ang sarili ko at agad nang bumalik sa bahay. Lexie, isipin mo na wala lang yun, na walang nangyari. Kaya ko to.

Nagulat na lamang ako nang pagpasok ko sa bahay ay nadatnan kong nagtatalo sina Mama at Papa. Ngayon ko lamang sila nakitang ganito.

Napatingin sila sa akin kaya natigil sila sa sigawan. Pero bakas pa rin ang galit sa mukha ni Mama kay Papa kaya naman naglakas loon akong itanong kung ano ang nangyayari.

"Ma, Pa, bakit po? Anong pinagtatalunan ninyo?" Akala ko masakit na nang iwanan ako ng taong gusto ko pero mas masakit pala iyong makita mong nag-aaway ang magulang mo na noo'y akala mong masaya kayong pamilya.

"Lexie, anak. Aalis na tayo ngayon din, iiwan na natin ang Papa mo. Itanong mo sa kanya kung bakit, kung bakit biglang nagkaganito." Sabay pahid ni Mama sa tumulong luha nya.

Napatingin ako kay Papa na hindi maitago ang dalang problema sa mukha nya. Hindi ko kayang iwan si Mama pero hindi ko rin kaya na malayo kay Mama. Hindi ako makahinga dulot ng pangyayaring ito. Ang bigat sa dibdib. At wala akong mainitindihan sa mga sinasabi nila.

"Anak, hindi naman 'to ginusto ni Papa, nak. H-hindi ko sinasadya. Akala ko kasi aangat na tayo, hindi ko alam na matatalo ako. Ang iniisip ko lang kasi mapapalago ko yung pera natin, dahil ang bahay at lupa ang nakasalalay dito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Alam ko noong maliit palang ako, nalulong noon si Papa sa sugal ngunit matagal na syang tumigil dito pero hindi rin namin alam na bumalik na naman pala sya rito.

At ang masakit pa ay, mawawala na pala sa amin ang bahay na ito. Kung saan narito lahat ng mga memories namin simula nang maisilang ako sa mundong ito.

Nakakaiyak isipin na mawawala na ito, pero mas masakit isipin na dahil lang dito ay masisira ang pamilya namin.

"Pa, di ba hindi nyo na po 'to mauulit pa? Saka Ma, bakit naman po tayo lang ang aalis? Paano na po si Papa?" Parehas lang silang natahimik.

"Di ba po, pwede naman po tayong magsimula ulit? Alam ko po na hindi madali na mawala lahat ng pinaghirapan natin pero hahayaan nyo pong masira ng isang pagsubok lang ang pamilya natin? Ma? Pa?"

"Sabihan nyo na yung mga tenant na magkakaroon na ng bagong may ari itong bahay. Magligpit na rin kayo." Sabi ni Mama saka umalis sa kinauupuan nya. Base sa sinabi nya na kayo, ibig sabihin ba naliwanagan na rin sya sa sinabi ko? Na buo pa rin kami?

"Lexie, salamat talaga anak. Promise, hindi na to uulitin pa ni Papa. Salamat, nak, na kahit na ang laki ng kasalanan ko sa inyo ng Mama mo, inintindi mo pa rin ako." Malungkot kong tinignan si Papa.

"Ang hirap po nito para sa kin, Papa. Pero mas lalo na po kay Mama, dahil pinaghirapan nyo pong dalawa na maipundar ang bahay na ito. Sentimental pa naman po si Mama. Hayaan nyo po muna siguro syang magpalamig, bago kayo ulit mag-usap."

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon