CHAPTER TWENTY FIVE

389 8 0
                                    

"Kamusta ang pag-uusap nyo, 'Nak?" Napakagat labi naman ako sa tanong ni Papa.

"Pa, tanong ko lang. Dapat bang sumuko na ko kasi sa totoo lang napapagod na ko umasa sa wala. Kaso po kasi alam nyo yun ang gulo ng pinapakita nya. Kaya ayun kahit alam ko sa sarili kong walang pag-asa, umaasa ako na parang tanga." Nilabas ko na lahat ng bumabagabag sa isip ko ngayon, hindi ko na kasi kaya.

"Alam mo, Lexie, naalala ko tuloy ang sarili ko sayo noon. Dati kasi nung nililigawan ko pa ang Mama mo, hindi talaga sya nagpapakita ng interes sa akin. Pero tignan mo ngayon, hindi ba't kami pa rin ang nagkatuluyan, kasi hindi ko sya sinukuan. Ika nga nila, kapag gusto, may paraan. Huwag kang mawawala ng pag-asa. Huwag ka ring mag-alala dahil boto ako sa inyo ni Chance." Nakangiting saad sa akin ni Papa. Sa kuwento nya'y lumakas ang loob ko na muling ipaglaban ang nararamdaman ko, pero mayroon pa rin akong pangamba.

***

Kakatapos lang ng klase ko ay naisipan kong puntahan si Chance. Hindi ko man alam kung nasaan sya ngayon, ngunit dinala ako ng mga paa ko sa bahay nya. Sa tingin ko'y nandito na sya dahil madilim na. Tapos na ang oras ng trabaho.

Dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa kwarto nya. Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto nya upang hindi ako makalikha ng ingay.

Nakita ko syang nag-iinom habang may hawak na mga litrato. Ang saya nya dun sa picture, kasama nya ang Mama at Papa nya.

Ang tagal nyang nakatitig doon, hindi man nya ipinapakita sa iba na nalulungkot sya, pero ako nakikita ko yun parati sa mga mata nya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin ngayon.

Nagulat ako nang bigla syang lumingon sa likuran nya dahilan upang makita nya ako. Agad kong sinara ang pinto sa kaba ngunit mabilis din syang nakalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya sa akin. Hindi ko naman sya matignan ng diretso.

Ngayon lang talaga ako hindi nakasagot sa kanya, kaya naman nilapitan ko nalang sya't niyakap ng mahigpit. Gusto ko syang damayan.

Alam ko kung gaano kahirap mag-isa. Iniisip ko pa lang ang bagay na yun parang hindi ko na agad kinakaya.

Nanigas sya sa ginawa ko, hindi sya nakagalaw.

"Sana gumaan ang pakiramdam mo, kahit papano. Kung hindi man, pwede rin namang kiss, kung kulang 'tong hug." Biro ko pa. Nagulat ako nang suklian nya ang yakap ko't narinig kong mahina rin syang natawa.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang tawa nya. Ang sarap sa tenga, ang sarap sa pakiramdam na mapasaya sya.

"Ano nga ulit yung kapag kulang?" Nakiliti naman ako nang bumulong sya sa tenga ko.

"W-wala, joke lang yun!" Bawi ko naman at bumitaw sa yakap.

***

"Ang cute mo nung bata ka pa, lagi kang nakangiti sa mga pictures oh." Sabi ko pa habang nanggigil sa mga litrato nya noon.

"If I could just go back to the past, I'll go back." Kahit sino naman, gustong bumalik sa paraan kaso napaka-imoosibleng mangyari nun. Napalingon ako sa kanya nang mapansing nakatingin sya sa akin.

"Hindi man natin maibabalik ang nakaraan, pwede pa naman tayong bumawi ngayon, gawin mo yung mga bagay na makapagpapasaya sayo at magiging masaya rin sila para sayo." Yun lang ang tanging masasabi ko sa kanya.

"I don't know if I can be happy again." Walang emosyong saad nya habang nakatulala sa sahig.

"Hindi ako susuko na pasayahin ka. Lagi kitang pupuntahan para guluhin ka, Huwag kang mag-alala." Bulong ko sa kanya para muling mapunta ang atensyon nya sa akin.

"Really?" Tinitigan nya ako at tinignan ko rin sya sa mata ngunit hindi ako nakatagal, ako ang unang bumitaw.

"Oo, basta may libreng pagkain. Mas bet ko if homemade." Sagot ko sabay parinig. Naalala ko iyong mga luto nya noon, nakaka-miss na nakaka-inlababo lalo.

"Are you kidding me right now?" Naka-kunot noong tanong nya pa.

"No. Hindi. Ganito talaga ako magka-crush. Hindi ko tinitigilan." Maging ako'y nagulat sa sinabi ko pero sa huli'y napangiti nalang din ako sa sarili ko.

"So, ganyan ba yung ginawa mo dati kay Chester?" Sinamaan ko sya ng tingin nang marinig ko ang sinabi nya.

"So, bakit mo yan bini-bring up? Ayoko na yan marinig ha, alam mo namang ikaw na yung gusto ko e." Muli kong narinig ang tawa nya. Natutuwa rin yata syang asarin ako.

"Wow. How could you be so straightforward?" I smiled confidently and answered his question.

"It's because hindi ako torpe tulad ng mga lalaki." Sagot ko sabay flip hair pa. Hindi sya nakasagot palibhasa'y totoo naman kasi ang sinabi ko.

"Bilib ka na sa kin no? Ako lang to, okay? So, ano hindi mo pa ba ko crush?" Mukha man akong tangang demanding sa harap nya, ipu-push ko na lahat.

"I won't have a crush on you. I won't have a crush on someone who's younger than me." Seryoso nyang saad. Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Sus, kakainin mo rin yang mga sinabi mo, pustahan." Natawa nalang ako.

"I won't, I know myself." Napa-pout nalang ako. Bahala sya, kapag ako talaga napagod na habulin sya, hindi ko na talaga sya papansinin, ever.

"Hoy, wait. Sabi mo pala nung nakaraan, di ba na-inlove ka na? Hindi ba ako yun?" Naalala ko lang.

"Nope, she's my former schoolmate." Awts, akala ko talaga ako na, hays.

"Okay lang, I may not be your first, but I'll be your last, right?" Napabuntong hininga nalang sya at ako'y natawa naman sa itsura nya.

"It's already 10 o'clock, you should go home." Paalala nya.

"10 palang naman pala, eto naman."

"But you have classes tomorrow, right?" Wait, nakuwento ko ba sa kanya na pumapasok na ulit ako?

"Paano mo malaman?" Umiwas sya ng tingin sa akin.

"Uhm, well, your dad told me." Parang ang suspicious ng sagot nya pero baka nga nakuwento ni Papa, madaldal yun e.

"Hmm.. ihahatid mo ko?" Tanong ko pa.

"Oo, hindi kita pwede pabayaang mag-isa, lalo't gabi na." Biglang sumeryoso ang mukha nya. Tumayo sya't may kinuha sya sa cabinet nya. Kumuha sya ng jacket at nilapitan ako.

Halos hindi naman ako makahinga nang suotan nya ako ng jacket.

"It's cold outside, I don't want you to get sick."

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon