CHAPTER SIXTEEN

413 9 0
                                    

"Chance uhm ayos ka lang?" Tahimik lang kami sa sasakyan habang pauwi. Kanina ko pa sya tinitignan habang nagmamaneho sya at ramdam kong iba ang awra nya.

"I'm sorry, if I dragged you to this mess." Hindi nya man sinagot ang tanong ko pero alam kong hindi sya okay. Hindi ko naman alam ang isasagot ko, dahil sa totoo lang hindi naman nya kailangang humingi ng sorry dahil pumayag naman akong sumama sa kanya.

Inalis ko muna ang tingin ko sa kanya at nabaling ang paningin ko sa nadaanan naming ice cream parlor.

"Stop mo muna yung sasakyan!" Sigaw ko habang nakadungaw sa bintana.

"Bakit? Uuwi na tayo." Mahinang sagot nya.

"Teka lang please!" Pagpapaawa ko pa.

"Bakit ba?" Nakukulitang tanong nya sa akin. Maging ako ay naiinis na rin kasi hindi nya ako mapagbigyan sa maliit na bagay na hinihiling ko.

"Akala ko ba masusunod muna ako ngayong araw?" Panunumbat ko pa. Pasabi sabi pa sya sa akin na magiging good boyfriend daw sya sa kin ngayong araw.

"When the hell did I say that?" Aba nagsisimula na naman ang kasungitan nya ah.

"Hay na ko, nag expired na agad ang kabaitan mo, wala na. Ayan na naman yung teacher kong bad trip palagi." Napairap nalang ako sa hangin.

"Hindi naman ako bad trip palagi, okay? It's just that ayoko sa makukulit." Tinignan ko sya at pinanlakihan sya ng mata.

"So, nakukulitan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya habang pilit na nakangiti at nagpipigil ng inis.

"Hindi pa ba obvious?" Sarkastikong sagot nya na lalong nagpainis sa kin.

"Hmph! Kainis ka naman e, wala na nalagpasan na tuloy natin yung tindahan ng ice cream!" Napabuntong hininga na lamang ako nang makitang malayo na kami mula roon.

"Tss. Para kang bata, parang yun lang." Dinig kong bulong pa nya.

Hindi ko na lang sya pinansin pa muli dahil mag-aaway lang kami hanggang sa makarating sa bahay. Saka isa pa, ayokong makadagdag pa ako sa mga iisipin nya. Alam kong marami syang problema, halata naman sa mukha nya kaya ang sungit sungit nya. Sana maging maayos din sya balang araw.

***

Maya maya pa ay nakarating na rin kami ng bahay. Hindi kami nagpapansinan kaya hinayaan ko nalang din sya dahil maging ako ay na-badtrip na rin.

Nauna na syang pumasok kaya naman lalo lang akong nainis. Imbes na pumasok na ako sa bahay ay muli akong lumabas at naglakad lakad.

Namalayan ko nalang na nasa park na pala ako malapit sa amin. Naupo ako sa duyan habang tulalang nag-iisip.

"Hay na ko, sa totoo lang pati sarili ko hindi ko na rin maintindihan. Oo lagi akong naiinis sa kanya at lagi ko rin syang iniinis pero iba talaga sa pakiramdam ko e. Huhu ayoko nito! Bakit ang saya sa pakiramdam sa tuwing kasama ko sya? Hindi pwede." Bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit kong sinasampal ang mukha ko.

Alam ko na 'tong pakiramdam na ito e, kaya ayoko nito. Masasaktan lang ako.

Natigilan lang ako sa pag-e-emote ko nang may humawak sa balikat ko. Sa gulat, ay agad ko naman itong nilingon.

"A-anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko kay Chester. Natawa naman sya sa tanong ko.

"Masama ba? Bawal ba ako rito? Hindi ba't tambayan natin 'to noon?" Napatitig lang ako sa kanya habang inaalala ang nakaraan.

Natandaan ko pa noon na ako ang nagpakilala sa kanya sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung bakit pero kasi bata palang ako mahilig na akong tumambay dito kasi gumagaan ang pakiramdam ko rito.

flashback :

"Chester, saan na naman ba yan galing at may sugat ka na naman?! Di ba sabi ko sayo umiwas ka na sa gulo?!" Sermon ko sa kanya habang higit higit sya pauwi. Tumigil muna kami sa may park para magamot ko ang mga sugat nya. Lagi akong may dalang kit, dahil kilala ko na sya, mabuti nang lagi akong handa.

"Ang sakit mo sa tenga, daig mo pa nanay ko." inis na sagot nya sa kin.

"Edi wow, ikaw na nga itong gagamutin e." Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya.

Kumuha na ako ng bulak at nilagyan iyon ng betadine saka ko idiniin sa mga tama nya. Hindi naman ako makahinga sa harap nya dahil mahihingahan ko sya. Gagstok, samantalang sya ramdam ko ang init nf hininga nya, maging ang titig nya.

Ano ba, naiilang ako sa ginagawa nya.

"Ikaw na nga dyan!" Inilagay ko ang bulak at gamot sa palad nya. Nagtataka naman ang itsura nya kung anong nangyari sakin pero hindi naman sya nagtanong.

Umupo nalang ako sa duyan at nagulat naman ako nang may tumulak sa akin ng malakas.

"AAAHHHH ano ba!" Sa lakas ay muntik ng umalis sa katawan ko ang kaluluwa ko. Buti nalang nabalanse ko sarili ko dahil kung hindi ay dumausdos na ang mukha ko sa lupa.

Narinig ko namang may tawang tawa sa likuran ko. Tinignan ko iyon at sinamaan sya ng tingin.

"Chester!" Inis na sigaw ko sa kanya pero tawa lang sya ng tawa. Ang saya nya ah kapag pinagti-trip-an nya ako. Ang galing nya talaga.

"Hmph! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Kunwaring tampo ko pa. Susuyuin nya ba ako kapag nagtampo ako? Nauna na akong maglakad at nakakainis nang hindi naman nya ako sinundan.

"Paanong bahala na ko? Hindi ba crush mo ko?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. Kunot noo ko syang nilingon at pasagot na sumigaw.

"Hindi ah!" Kinakabahang sagot ko. Bakit naman kasi nya nasabi yun? Nahahalata nya ba ako sa mga kilos ko?

"Ayos lang naman kung totoo." Gusto kong maniwala sa sinasabi nya pero alam kong binibiro nya lang ako.

"T-tigilan mo nga ako, Chester! Baka dagdagan ko yung bugbog mo ha!" Panakot ko pa sa kanya pero nakangisi lang sya sa akin.

"Kaya mo?"

"Oo!"

"Sige nga." Talagang hinahamon nya ako ah. Hindi porke magkaibigan kami at gusto ko sya ay hindi ko na sya papatulan.

Sinuntok ko sya sa mukha ngunit agad nya itong naiwasan kung kaya naman nawalan ako ng balanse. Maging sya ay nagulat sa nangyari, mabuti na lamang ay nasalo nya ako, pero parehas parin kaming bumagsak sa lupa.

Hindi naman ako makahinga nang bumagsak ako sa ibabaw nya. Napansin kong nakatitig sya sa akin at bigla syang natawa.

"Akala ko ikaw lang yung mahuhulog, bakit pati ako nadamay?"

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon