CHAPTER TWENTY ONE

418 9 0
                                        


Gusto ko syang yakapin sa una at huling pagkakataon. Baka kasi hindi ko na ‘to magawa pa.

Ako rin ang bumitiw at napatungo, hindi alam ang sasabihin sa kanya.

"Paano ba to? Uh, kamusta?" Ang awkward! Bakit ba ito yung sinabi ng bibig ko.

"I'm just fine, you don't have to worry about me."

"Bakit bigla ka nalang umalis? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa kin?" Pigilan mo ang sarili mo, Lexie. Pakiramdam ko unti-unting tutulo ang mga luha ko.

"Do I have to?" Takang tanong nya pa na nagpatawa sa akin upang mapigilan ko ang pag-iyak ko.

"S-sabi ko nga, wala lang ako sayo no?"

"Why are you telling me these things, Lexie?" Parang naiirita na sya.

"Hindi pa ba obvious yun? Matalino ka naman di ba?" Alam kong nararamdaman nya na may feelings ako para sa kanya, ayaw nya lang paniwalaan.

"You liked me?"

"No, gusto pa rin kita." Matapang kong pag-amin sa kanya.

"Stop kidding me, okay? I don't have time for jokes, and if you're fine now. I'm going." Hinawakan ko ang kamay nya upang pigilan syang umalis. Tinitigan ko sya, hindi ko talaga sya mabasa. Bakit ba kasi blanko palagi ang mga mata nya?

"Pakinggan mo muna ako." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa oras na to.

"You're still young, Lexie. You are 19 and I'm 25 now, your feelings for me, maybe it's just a puppy crush or puppy love, whatever it is. And one more thing, Chester likes you. I don't want to have a fight with him anymore, just because of a girl." Eto ba yung, the other way nya nang hindi nya ako gusto at wala lang ako sa kanya? Kasi kung oo, sige walang kaso. Pero parang biniyak na naman yung puso ko sa pangalawang pagkakataon e. Mas masakit nga lang ngayon.

Hindi naman problema ang edad namin ah, bakit kailangan nyang isama sa dahilan yun? We're both legal age na, isa pa hindi nya na ko estudyante pa at hindi ko na sya teacher para maging bawal ang pag-ibig namin.

Gusto ako ni Chester? Kaya ba nangungulit ang lalaking yun? At pinaubaya nalang ako ni Chance nang ganun sa kapatid nya?

Hindi ako makahinga sa mga sinabi nya. Gusto ko nalang sumabog. Gusto kong ilabas yung mga nararamdaman ko. Pero ano namang magagawa nun kung talagang one-sided love lang. Haha. Ayoko na syang makita pero sya ang may-ari ng cafe kung saan ako nagpa-part time job at boss din sya ni Papa.

Wala akong maisagot sa kanya kung kaya't iniwan ko nalang sya at tumakbo na lamang ako palayo sa kanya at palayo sa buhay nya. Hindi ko inalintana ang lakas ng ulan.

Ayoko na talaga syang makita pang muli. Siguro magre-resign nalang ako, bukas na bukas din.

***

Kinabukasan, iniwanan ko nalang ang resignation letter ko at nagpaalam na ako sa mga katrabaho kong itinuring ko na ring mga kaibigan ko. Mami-miss ko rin pala sila.

Pero kasi baka hindi ko na kayanin kung sakaling makita ko pa ulit sya.

Sinabi ko kina Mama ang naging desisyon kong sa pag-aaral ko nalang ulit ako magfo-focus. Susuportahan daw naman nila ako sa kung anong gusto ko, kaya walang naging problema.

Isang linggo muna akong nagpahinga, dahil pakiramdam ko'y magkakasakit ako sa pagod na sinamahan ng sakit at lungkot.

Ang tanging goal ko ngayon ay makapag move on at makakuha ng matataas na grado, lalo't nasa kolehiyo na ako ngayon.

Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto ko, nakatulala at pinag-iisipan ang mga plano ko sa buhay ko. Hanggang sa ma-bored ako at naisipan kong lumabas.

Akala ko'y nasa Sala si Mama pero ang nandoon lang ay ang notebook nya at ballpen. Hindi ko sinasadyang mabasa ang nakasulat doon, pero nakita ko na ang listahan ng mga gastusin namin doon. Kulang na kulang sa pambayad ng bills pati ng renta sa bahay, maging pang-araw-araw na pangangailangan namin.

Bigla tuloy akong nagdalawang-isip. Gipit na nga kami, lalo pa akong dumagdag maging ang tuition ko. Hindi ko pwedeng hayaan nalang to. Siguro, kailangan kong maghanap ulit ng trabaho.

Tinawagan ko si Maychie at tinanong ko kung baka may alam syang pwedeng pasukang trabaho. Nagta-trabaho na kasi sya sa call center ngayon, at balita ko malaki kahit papaano ang suweldo roon.

"Beh, hindi pa hiring sa kumpanya namin. Pero alam ko sa pinapasukan ni Tita, may bakante yata."

"Talaga? Kahit ano pa yan, Maychie. Tatanggapin ko na."

"Bakit ano bang nangyari sa trabaho mo sa cafe?"

"Basta, hayaan mo na. Pero salamat talaga ah. Babawi ako sayo, next time. Sa inyo ni Rayzelle."

"Ano ka ba, parang maliit na bagay. Saka naiintindihan namin na syempre naging busy na rin tayo dahil sa priorities natin pero magkakaibigan pa rin naman tayo." Napangiti nalang ako, mas nagmature na talaga sya. Parang noon, puro laro at dare lang kami. Ngayon mga working student na kami.

"Thank you talaga, Maychie."

"Text nalang kita beh kapag nakausap ko na si Tita."
***
"Good morning po, kayo po yung Tita ni Maychie?" Nagkita kami sa isang coffee shop na malapit daw sa pinagtatrabahuhan ng Tita nya.

"Hello, hija. Oo ako nga, tawagin mo nalang akong, Tita Lyn. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan kasi ng isa sa kataas-taasan sa kumpanya namin ng secretary, kaya mo ba hija?" Nanlaki naman ang mga mata ko, kahit ako napatanong sa sarili ko kung kaya ko dahil wala naman akong experience tapos biglang secretary na ko.

"Paano po yun? Wala naman po akong experience—"

"Hindi yun magiging problema, may training naman syempre saka mabait yung head ng department namin, hindi ka papahirapan nun." Alanganing napangiti nalang ako. Kinakabahan ako.

"Ready ka na ba hija? Kaya mo magsimula ngayon?"

"Ngayon na po agad?!" Gulat kong tanong.

"Hindi pa naman, isasama at ipapakilala palang naman kita roon. Tara na, baka mahuli tayo." Hayaan ko na nga kung ano man tong pasukin ko, dahil hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho sa panahong to. Sana mabilis kong matutuhan ang lahat.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon