*TOK TOK TOK*
Alas-syete na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko. Tutok ako sa pagbabasa ng mga librong ibinigay ni Sir para aralin ko kaya hindi ako papayag na may mang-distract sa akin.
Mamaya na 'yang kumakatok na 'yan tatapusin ko lang 'tong binabasa ko.
*TOK TOK TOK*
Ang kulit, siguro ay si Leyzie na naman ito. Kasi kung si Mama 'to, panigurado kanina pa ako pinagsisigawan nun pero ito hindi.
"Hay na ko, Leyzie bakit na naman ba--" Natigilan ang bibig ko nang makita kung sino ito.
"Sir?"
"Ano bang ginagawa mo? Kanina pa ako kumakatok sa kwarto mo." Para syang si Mama 'e. Saka teka nga, bakit ba sya nandito at tinatanong kung anong ginagawa ko? Like, ano bang paki nya?
"Inaaral ko 'yung bigay nyo, Sir. Wala nga sana akong balak buksan 'yung pinto kasi ayokong ma-distract 'e." Bahagya syang sumilip sa may kwarto ko saka nya inabot ang dala nya sa akin. Napaisip naman ako kung ano iyon.
"Your mom said you haven't eaten yet." Lalo naman akong nagtaka.
"Eh ano 'to?" Pagkain 'to? Bakit dinalhan nya pa ako?
"Just eat." Nakakainis, bakit nya ba 'to ginagawa.
"I'm doing this because you said to them that I am your boyfriend, right?" Natampal ko naman ang noo ko. Waahh, hindi ko pa nga rin pala nasasabi ang totoo kila Mama. Patay, naaabala ko pa tuloy sya.
"Just get this. Your father is looking at us." Napatingin ako sa may hagdanan at nakita ko nga roon si Papa. Agad kong kinuha ang binibigay ni Sir sa akin at hinalikan sya sa pisngi.
"Thank you, nag-effort ka pa talaga." Sabay lintanya ko habang nakangiti.
Napaiwas naman sya ng tingin at kita kong napalunok sya sa ginawa ko. Paniguradong, naiinis na 'to sa 'kin.
"Eatwell." Iyon ang huli nyang sinabi sa akin saka sya dumiretso na sa kwarto nya.
Naiwan akong parang baliw na nakangiti sa labas ng kwarto ko habang nakatingin sa hawak kong bigay nya. Hays, ano kaya 'to? Mukhang soshaling food, ah.
Sulit naman pala yung pagsusunog ko ng kilay sa pag-aaral, may bonus agad oh.
Naubos ko na 'yung pagkaing bigay nya pero hindi pa rin maalis yung ngiti sa labi ko, shutagres. Mukha na yata akong t*nga.
Huwag mong gawing big deal 'yun, self. Dinalhan ka lang nya ng food dahil kunwaring boyfriend mo lang sya, okay?
Oo na, okay! Back to aral na!
Pero hindi na ako maka-focus! Si Sir kasi 'e ang epal. Kanina pa nakatambay sa utak ko, amp pwede bang lumayas ka na dyan? Please.
***
"Hey, wake up."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita kung sino iyong gumigising sa akin.
"S-sir?! Bakit ka nandito--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.
"I need you today. Be my girlfriend." Nagulat naman ako sa sinabi nya at naiwan pang nakabuka ang bibig ko.
"I-i mean be my fake girlfriend for now. I just need someone to-- I just need you, please." Napatitig naman ako sa kanya habang hindi pa rin ako maka-recover sa sinabi nya.
Alam mo yun kakagising mo lang tapos sya agad ang bubungad sayo at tinatanong ka kung pwede ka ba raw nyang maging girlfriend ngayong araw?! Fake girlfriend nga lang.
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomantikUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023