SPECIAL CHAPTER

477 14 2
                                    

"Pangarap mo talagang maging teacher?" Tanong ko sa kanya dala ng aking kuryosidad. Nakakapagtaka lang kasi, malayo sa itsura nya ang maging teacher pati sa personality nyang cold at masungit noon.

"Yes? My mom is a teacher and I'm a big fan of her, that's why I guess, I took education." Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapangiti. Ang saya sa pakiramdam na nakikita ko syang masaya.

Nagbago na talaga sya. He changed for the better. Lagi na syang nakangiti. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.

"Bakit mo pala natanong?"

"Naalala ko lang kasi kung gaano kabilis yung mga pangyayari noon, nung bigla ka nalang nawala tapos bigla ka nalang naging CEO." Bigla syang naging seryoso. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya at inabala ko nalang ang sarili kong pagmasdan ang ganda ng tanawin sa park kung saan kami nagpi-picnic.

"I'm sorry for not telling you, I don't want to burden you with my problems."

"It's all in the past naman na, besides you've already changed. I'm so proud of you, Chance. Nalagpasan mo lahat ng pagsubok mo, you didn't give up." Pinaalala ko kung gaano sya katatag. Pero kailangan nya na rin maka-move on sa nakaraan, kaya nga muli kaming nagsimulang dalawa.

"I'm so thankful to have you, you never gave up on me. Hindi mo ako iniwanan, hindi mo ako sinukuan." Namalayan ko nalang na parehas na kaming nakangiti habang nakatitig sa isa't isa.

"Can I do something?" Napakunot naman ako ng noo.

"Uhm ano yun?"

"Can I do the thing you did to me when we first met?"

Bago pa ako makasagot sa tanong nya ay mabilis nya akong hinalikan sa labi. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay natulala ako, hinalikan nya talaga ako?! O nananaginip ba ako?

"I love you so much, Lexie." Hindi nya na ako hinayaan pang makapagsalita, sa halip ay muli nya akong hinalikan pero sa pagkakataong ito ay mas matagal, hindi kagaya noong una na agad nya akong binitawan, ngayon ay wala nang bibitaw pa dahil wala nang hahadlang sa aming dalawa.

---

Author's note:

The new readers made me wrote this special chapter for them, thank you for those who recommended this story even though this has still a lot of errors. Thank you for the readers who supported Lexie and Chance until the end. I love you all, I hope you can support my other stories too.

– deintakagi

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon