CHAPTER SEVEN

566 14 2
                                        

*TWO YEARS AGO. . . FLASHBACK*

"Yun talaga crush mo, Xie? Mukha namang bulakbol saka barumbado 'yang si Chester e, wag na yan." Agad kong nilayasan si Maychie dahil sa sinabi nya. Wala syang karapatan para sabihin yun. Hindi naman nya kilala si Chester, kaya hindi nya dapat husgahan si Chester.

Simula ng sabihin yun ni Maychie ay lumayo muna ako sa kanila ni Rayzelle. Hindi ko kasi maintindihan bakit hindi nila matanggap si Chester. Nang layuan ko sila, nagsimula namang mapalapit ako kay Chester.

Aaminin kong may parte sa aking natatakot sa kanya gawa ng itsura nya. Mukha syang cold at masungit pero ng makilala ko sya, wala na... tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.

"Hindi mo ba nami-miss yung mga kaibigan mo? Bakit kailangan mo silang layuan para lang sa 'kin?" Tanong nya. Hindi ko naman alam ang isasagot. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na... gusto ko sya.

"A-ayaw kasi nila sayo. Kung ano ang tingin ng iba sayo, ganun din sila. Ayoko sa mga taong mahilig manghusga." Sagot ko sa kanya. Tumawa lang sya.

"Tama naman sila. Mukha naman talagang walang patutunguhan 'tong buhay ko." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"H-hindi totoo 'yan. Paano mo naman nasabi yun? Saka isa pa, hindi ba bumabawi ka na ngayon? Nagbabago ka na? Mas masipag ka na nga sa 'king mag-aral e." Napangiti naman ako ng ngumiti sya at guluhin ang buhok ko.

"Oo nga pala 'no, mas masipag na ko sayo. Ang baba mo sa math e." At tinawanan nya ako ng malakas. Aba sira pala sya e.

"Yabang mo ah. Eh kung tinuturuan mo kaya ako 'no?" Napairap tuloy ako.

"Tinuturuan naman kita ah, kaya lang wala ka namang naiintindihan." Muli syang tumawa. Dapat ay naiinis na ako sa pang-aasar nya pero natutuwa akong nakikitang ngumingiti at tumatawa sya.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan? Sinong iniisip mo? Ako ba?" Nakangising tanong nya. Ang yabang. Pero totoo naman.

"Ayos ka lang ba, Chester?" Alam ko naiinis sya sa tuwing tinatanong ko 'to sa kanya pero araw-araw ko parin itong tinatanong.

"Ang kulit mo talagang babae ka, hindi ba't oo naman ang lagi kong sagot? Ayos na ayos ako lalo na sa tuwing kasama kita." Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinagot nya. Lihim akong napangiti.

Kaya ko lang naman 'to laging tinatanong sa kanya dahil nag-aalala ako sa kanya. Hindi kasi sya yung tipo ng tao na mahilig mag-open up. Hindi mo mababasa sa kanya kung may problema ba sya.

Pero minsan na syang nagsabi sa akin. Ang problema nya sa pamilya nila na hindi nya nakayanan kaya lumayas sya sa kanila hanggang sa magulo ang buhay nya. Hindi nya na in-elaborate at hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam kong mahirap sa kanya ang magsabi sa ibang tao ng problema nya.

"Ngiti ka nga dali, isa lang. Yung hindi pilit ah. Picture tayo hehe." Ayaw nya sa picture pero lagi ko syang napipilit.

"Isa lang ah. Saka wag mong ipo-post." Ano ba yan, gusto ko pa namang i-flex ang picture ko with my crush hihi. Pero oo nga wag na rin baka mamaya may mga magka-crush pa sa kanya.

"Oo di ko ipo-post pero iwa-wallpaper ko hihi." Pabulong na sagot ko, napakunot naman ang noo nya dahil hindi nya narinig ang sinabi ko.

"Uwi na tayo. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi nya pa habang nanalamin ako. Wait lang naman huhu, ang haggard ko na e. Baka mamaya mapangitan sya sa akin.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon