CHAPTER SIX

539 15 2
                                    

"Sir, dinaya nyo yan 'no?! Imposible namang hindi ako makapasa dyan--"

"Paano ka naman nakakasigurong makakapasa ka?" Seryosong tanong nya. Muli na naman akong natulala sa kanya dahil nagtagalog na naman sya. Hindi ko mapigilang hindi ma-amaze.

"E-eh syempre n-nag review t-talaga ako e!" Sagot ko sa kanya. Binalik nya na sa akin ang test paper kong 39/50 ang score.

Ang daya talaga! Sa ibang teacher nga, 35 pa ang passing e tapos sa kanya 40 raw! Mataas na nga 'tong score ko e. Isa nalang, hindi pa ako pinagbigyan!

"That means I need to tutor you." Sabi nya na nagpabagsak sa mukha ko. Ano ba yan! Pagkatapos ng klase, may tutor pa?! Grabeng torture naman 'to sa utak ko.

"Paano pag ayoko?" Pabalang na sagot ko, tinignan naman nya ako.

"Then, sasabihin ko sa magulang mong hinalikan mo ako." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Hindi pwede yun! Grabe sya ha, gustong gusto nyang ipahiya ako! At isa pa, lagot ako kay Mama pag nalaman nya yun huhu.

"Ano?! Hindi ka parin ba maka-move on dun?! Ang tagal na nun e--"

"We'll start tomorrow. End of conversation." At iniwan nya na ako. Grabeng nilalang 'tong Chance na 'to, I mean si Sir pala hehe. Ayaw nya ba akong kausap? Ang seryoso nya talaga. Kainis.

***

"Lexie, ayos ka lang girl?" Salubong na tanong sa akin ni Maychie pagpasok ko ng classroom.

"Oo naman, bakit mukha ba akong may problema?" Badtrip na sagot ko. Nakakainis naman kasi may math pa after ng klase. Hays.

"Hindi naman pero kasi baka ano-- magulat ka or baka malungkot ka na naman pag ano--" badtrip na nga ako tapos dadagdag pa itong si Maychie. Ano bang gusto nyang sabihin? Puro sya ano, hindi na tinuloy yung gusto nyang sabihin. Pabitin.

"Anong ano ba yan?" Tanong ko sa kanya. Napatungo naman sya. Hindi na sya muling nagsalita at bumalik nalang sya sa upuan nya. Anong problema nya?

Napatingin naman ako sa may pinto nang syang dating naman ni Rayzelle.

"Lexie, nakita mo na si Chester?" A-anong sinabi nya? P-parang nabingi yata ako sa pangalang binanggit nya.

"Dito na raw ulit mag-aaral si Chester, Lexie." Natigilan ako at hindi na nakapagsalita pa. Ito siguro yung hindi masabi sa akin ni Maychie kanina.

Kinakabahan akong makita sya ulit.  Hanggang ngayon naalala ko parin yung nangyari, two years ago. Bigla tuloy hindi ako mapakali at dumagdag pa sya sa isipin ko!

"Ayos ka naman na, Lexie diba? Matagal na yun. Masaya ka na kaya saka may Sir Chance ka na, ayieeee!" Hindi ko nalang pinansin si Maychie sa sinabi nya.

"Basta ayokong makita sya. H-hindi naman natin sya kaklase diba?" Kabadong tanong ko sa kanila.

"Wag kang mag-alala, hindi natin sya kaklase!"

"Pero katabi natin yung room nya." Napalunok ako sa kaba sa sinabi ni Rayzelle.

Ano ba, Lexie! Wala na yun! Ok? Pero bakit naman kasi kailangan nya pang bumalik? Pagkatapos ng lahat ng nangyari akala ko nakamove on na ko pero ng mabalitaan kong bumalik sya, bumalik lahat sa isipan ko ang nakaraan.

Basta kailangan ko lang sigurong kumalma. Pag nagkasalubong kami, edi dedmahin lang ang isa't isa! Ang dali diba! Ang daling isipin pero ang hirap gawin. Dapat hindi ko sya tignan man lang kasi baka isipin nyang hindi parin ako nakaka-move on! Naka get over na kaya ako 'no!

"Hi! Tulala ka na naman dyang babae ka!" Nagulat naman ako sa sigaw nina Maychie at Rayzelle.

"Sorry naman. Ang dami ko lang kasing iniisip, ok?" Sagot ko.

"Kung ako sayo, yung new love life mo nalang asikasuhin mo. What if gawa tayo ng challenge for you to move on?" Sinamaan ko agad ng tingin si Maychie. Ano na namang plano nya? Mamaya kung anong kabaliwan na naman yan e. Lalo pang makagulo kaysa makatulong.

"Anong challenge naman 'yang naisip mo?" Curious na tanong ni Rayzelle kay Maychie.

"Edi, Oplan: Paibigin si Sir Chance! Oh diba may love life ka na, bonus pang gwapo at may magtuturo sayo sa math! Ayiee!" Ang kulit nya e. Lagi nyang shiniship sa akin si Sir.

"Hindi mo ba alam na bawal magkaroon ng relasyon ang teacher at estudyante?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at nag-flip hair pa. Ano na naman ba?

"Alam ko. Pero alam mo rin bang mas masarap ang bawal? Try mo lang naman e. Walang pilitan promise. Support kita sa bagong bebe mo!" Napa-cringe naman ako sa sinabi nyang "bebe". Alam ko gwapo si Sir pero hindi ko iniisip na, yung may pag-asa kami kasi bukod sa teacher ko sya, di ko sya type lalo na ugali nya. Masyado kasing seryoso e.

"Bebe mo mukha mo, wala kaming pag-asa. Wala kaming interes sa isa't isa, ok?" Natawa naman sila sa akin. Hindi naman ako nagbibiro ah, anong nakakatawa?

"Wag mong kakainin 'yang sinabi mo ah. Pag ikaw nagkagusto kay Sir, lilibre mo kami ng isang buwan." Ako naman ang natawa sa sinabi ni Maychie.

"Wow, sige ba. Di naman ako magkakagusto sa kanya e. Sus."

"Walang bawian, Lexie. Saka ni-record ko 'yang sinabi mo hihi." Sabi naman ni Rayzelle na kaya naman pala tahimik.

"Buti nalang ni-record mo para may proof tayo! Hay, can't wait sa libre ng isang buwan." Ha! Excited sila dyan ah. As if namang magkagusto ako kay Sir 'no duh!

"Aish! Bahala kayo dyan. Basta ako pupunta na sa cafeteria kasi nagugutom na ako." Nagtatawanan pa sila sa mga upuan nila kaya naman iniwanan ko na sila. Nakakainis silang mga kaibigan.

***

Bumili lang ako ng isang sandwich at isang orange juice. Wala kasi akong ganang kumain ngayon pati nag-iingat na rin. Baka mamaya samain na naman ang tiyan ko at abutin na naman ako rito sa school. Hays, nakakahiya kaya.

Dala-dala ko ang binili ko pabalik sa classroom dahil wala akong makainan sa cafeteria, kainis puno.

Maingat akong naglalakad dahil puno ng juice ang baso ko, nang matapon ito nang madali ako ng mga bwisit na nagtatakbuhan. 'Pag nga naman minamalas oh!

Natapunan tuloy yung uniform ko argh! Lagot ako kay Mama! At isa pa, kitang kita tuloy ang suot kong bra sa loob dahil sa basang blouse ko. Wala pa naman akong dalang pamalit.

Napapatingin sa akin ang iba dahil sa basang basa kong uniform pero hindi ko na sila pinansin at nagpunta nalang ako sa restroom para magpunas ng katawan.

Ano kayang gagawin ko? Kanina ko pa tinititigan ang sarili ko sa salamin.

Nagulat naman ako ng may kumulbit sa aking babae. May tao pala sa restroom.

"Ate, may nagpapabigay sa labas." Napatingin naman ako sa iniaabot nyang hoodie na kulay blue.

"S-sinong nagpapabigay?" Takang tanong ko naman ng tanggapin ko iyon. Hulog ng langit ang taong yun dahil may susuotin na ako kahit papaano.

"Ano e, wag ko raw sabihin. Bye!" Tumakbo na rin agad palabas yung babae. Luh? Sinong nagbigay nito? Hindi man lang tuloy ako nakapagpasalamat.

Agad ko ng isinuot iyong hoodie at bumalik na sa room.

"Bakit ka naman naka-ganyan? Ang init init kaya." Sabi sa akin ni Maychie.

"Trip ko e, may problema ba?"

"Wala naman. Ang weird mo." Hinayaan ko nalang sya. Hanggang ngayon tuloy napapaisip ako kung kanino 'to galing. Saka eksaktong kailangan ko talaga ng susuotin, di kaya nakita nyang natapunan ako ng juice at naawa sya sa akin? Siguro nga.

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon