CHAPTER FOURTEEN

485 11 2
                                        

"I never blame him even if that's what he says, we're just half brothers. But he's still my brother." Tama nga ako, kaya siguro hindi sila malapit sa isa't isa kahit na iisa lang ang apelyido nilang dalawa.

Sabi ko nga, dapat hindi na ako nagtanong. Lumungkot 'yung vibes 'e.

"I'm sorry, dapat talaga hindi ko na tinanong." Saad ko sa kanya habang naglalakad lakad kami sa mall.

Napadaan kami sa isang restaurant at nagyaya syang kumain muna kami. Tutal ay hindi pa kami nag-aagahan.

"Shall we eat first?"

"Oo, medyo tom-guts na rin kasi ako." Pag-amin ko sa kanya.

Habang hinihintay namin ang order namin ay biglang may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Chance." Tawag ko sa kanya kahit na naninibago ako.

Tinignan nya lang ako.

"May tanong ako sayo. Promise, 'di na 'to about sa personal life mo hehe." Kumunot lang ang noo nya at nanatiling seryoso ang mukha nya as usual.

"Number 8 ka ba?" Lalo namang nainis ang mukha nya sa tanong ko.

"What the."

"Sabihin mo kasi, bakit! Ulit nga, number 8 ka ba?"

"Why?"

"Kasi if you rotate it 90 degree, I will love you infinity. Yieee haha!" Kita ko namang napairap sya pero nakita kong tumawa sya na isang napakalaking himala!

"Woah tumawa ka! Ibig sabihin kinilig ka, yieee!" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"I'm not." Masungit na sagot nito saka umiwas ng tingin.

"Yieee tinatanggi pa nya!"

"I said I'm not, its just because your corny." Luh corny daw ako, pero kinilig sya. Ano kaya yun? Sayang 'di ko na-pictur-an ang pagtawa nya.

"Corny man, ang mahalaga napatawa kita 'di ba? Once in a lifetime ka lang yata tumawa 'e."

"Tao ako, tumatawa rin ako." Woah, napipikon na naman yata ang isang 'to.

"Weh? Patingin nga. Saka kung pwede, dalas-dalasan mo rin kaysa sa kasungitan mo."

"Inuutusan mo ba ako?" Sungit talaga amp.

"Oo, 'di ba girlfriend mo ako?" Sagot ko sa kanya. Hindi yata ako magpapatalo 'no.

Natigil lang kami nang dumating ang waiter na dala-dala ang order namin.

"Ma'am, Sir, mamaya na ho 'yang LQ nyo. Ito na po 'yung order nyo. Enjoy eating!" Natawa nalang ako kay Kuya waiter.

"What are you waiting for? Eat." Hindi ko pinansin ang sinabi nya.

"Nawalan ako nang gana." Pag-arte ko pa.

"What do you want then?" Mahinahong tanong nya?

"Subuan mo ko." Nakangiting sagot ko na nagpairita sa mukha nya.

"The f*ck."

"Minumura mo na naman ako 'e!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Your not a baby anymore, kaya mo na ang sarili mo."

"Oo, hindi na ko baby. Pero baby mo ako 'di ba?" Kumunot lalo ang noo nya't napairap ngunit napansin ko namang nagblush sya. Naku, naku.

"What the hell, just shut up and eat."

"KJ mo talaga, hmph! Siguro NGSB ka pa 'no? Wala ka kasi kahit katiting na sweetness sa katawan 'e." Parang 'yun lang naman kasi ang hinihiling ko, ayaw nya pa.

"And so what? You don't care."

"Edi totoo nga, hindi ka pa nagka-girlfriend noon? Kaya wala ka talagang kaalam-alam." Malamig nya akong tinitigan at hindi ko naman iyon kinaya kung kaya't napaiwas ako ng tingin.

"Can you please shut the f*ck up?" Pigil akong natawa sa sinabi nya. Napipikon na naman ang isang 'to sa akin.

"Napaka-pikon mo! Parang susubuan mo lang naman kasi ako, hindi mo pa magawa."

"Saka hindi ba girlfriend mo naman ako ngayong araw, why not subukan nating magpaka-sweet sa isa't isa 'di ba? Gawin nating practice 'to para sa mamaya." Dagdag ko pa.

Narinig kong napabuntong hininga sya't saka muling nagsalita.

"Fine, para tumigil ka na." Lihim akong nagpunyagi sa aking mission success.

***

"Open your mouth." Akmang ibubuka ko na ang bibig ko ng makitang punong-puno naman ang kutsara.

"Ang dami naman nyan!"

"You know, ang dami mong arte."

"Sorry ganito kasi 'pag maganda." Saad ko sabay flip hair pa pero hindi nya na ako pinansin.

"Tss. Isubo mo nalang 'to." Nakakainis naman, bakit ganun ako enjoy na enjoy tapos sya iritang irita lang sa 'kin? Ang unfair.

"Ayoko na, busog na ko. Tara na." Kinuha ko na ang bag ko saka nauna nang tumayo't lumabas ng restaurant sa kanya.

Na-bad trip na ko, oo napikon din ako sa kanya. Lagi nalang kasi syang napipilitan lang sa mga ginagawa nya.

Bakit pa kasi ako ang naisipan nyang gawin nyang fake girlfriend? Ha! Naiirita ako.

Nagpunta muna ako ng restroom para mag-ayos dahil baka na-haggard na ako. Saka ko lang naalalang hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya.

Dali-dali akong bumalik sa may restaurant, nagbabaka-sakaling makita sya roon pero wala! Naglibot nalang muna ako sa mall para makita sya.

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Agad ko naman syang hinarap.

"Lexie." Tawag nya sa akin. Napatingin naman ako sa hawak nyang bouquet of roses.

"I-i'm sorry." Halos pabulong na sabi nya. Naningkit naman ang mga mata ko sa pagtataka. Talaga bang nagso-sorry sya sa akin at ibinibigay nya sa 'kin 'tong bulaklak?

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Seryosong tanong ko.

"I'm sorry for being like this, this is my usual self. My patience is short and I easily get irritated at people. But I promise that I'll try to be good at you and I'll do the things you want just for this day." Napatitig lang ako sa maamo nyang mukha. Ilang minutong walang nagsalita sa amin, nakatayo lang kami rito sa gitna ng mall.

Alam kong hinihintay nya akong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi rin ako makapaniwala sa sinabi nya, kahit na ngayong araw lamang ang validity nito.

Naramdaman ko namang hindi labag sa loob nya ang mga sinabi nya kung kaya ay kinuha ko na ang bouquet na binibigay nya't ngumiti.

"Bakit bumili ka pa nito? Hindi naman kailangan." Pagbasag ko sa namuong katahimikan sa aming dalawa.

"When I was looking for you a while ago, napadaan ako sa isang flower shop. I just remembered that guys give flowers to their girlfriends, right?"

"Hmm, pero hindi naman 'yun required." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong nya pa. Agad naman akong napailing.

"Nagustuhan ko, ano ba! Saka ano rin kaya--" ikaw pa lang ang unang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak, kaya napaka-memorable nito for me.

"Kaya?" Takang tanong nya sa hindi ko natuloy na pangungusap ko.

"Saka ang ganda ganda kaya! At isa pa, sweet din kaya ang pagbibigay ng flowers!" Nakita kong ngumiti sya, saglit lang iyon pero sana lagi nalang syang ganito.

"But I think something is missing." Ha? Ano namang kulang? Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Should I buy you chocolates or a teddy bear--"

"H-hindi na kailangan 'nun ano ba! Sobra sobra na nga itong flowers 'e."

"I'm glad that you appreciated it. I'll try to be a good boyfriend, I promise."

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon