CHAPTER TWO

765 21 0
                                    

"Anong meron, Xie? Bakit naiiyak ka na dyan?" Salubong na tanong sa akin nila Maychie at Rayzelle.

"Kasalanan nyo to e! Huhu. Ano ng gagawin ko?!" Akala ko naman ico-comfort nila ako pero natatawa pa sila.

"Bakit ano bang ginawa namin? Wag mong sabihing tungkol parin yan dun sa kahapon e tapos naman na yun--"

"Anong tapos na? E alam nyo bang nagkita kami ulit? Tapos naalala nya parin ako at higit sa lahat tenant pa namin sya sa boarding house at nandito rin sya sa school natin huhu." Nanlaki naman ang mga mata nila a sinabi ko.

"Oh my gee, girl! Hindi kaya destiny yan? Pinagtatagpo kayo ng tadhana! Wow sana all bhie, mukhang nakita mo na ang the one mo!" Ano namang pinagsasabi ni Maychie? Hindi nakakatulong e.

"Natatakot kaya sya. Minsan na nga lang syang magsalita, ang sungit pa. Tapos mukha rin syang cold. Ayoko sa mga ganun, diko type." Sagot ko sa kanila pero nagkatinginan sila at mukhang hindi sila naniniwala sa sinabi ko.

"Pero aminin mo teh, nagagwapuhan ka sa kanya 'no? Ayieee!" Ang lakas din talaga nitong si Rayzelle e.

"Hays, malay ko sa inyong dalawa! Tigil-tigilan nyo ako please. Tinakbuhan ko nga lang sya kanina nung kinompronta nya ako." Naiinis tuloy ako. Paanong nakilala nya parin ako kahit nakasuot naman ako ng face mask? Ano yun napaka-maalalahanin naman nya. Or baka naman tumatak lang talaga sa kanya ang kagandahan ko kaya natandaan nya ako? Hmm. Pwede rin.

Saka napaisip din ako, may balak ba syang gantihan ako sa ginawa ko? I hope na wag naman sana dahil kiss lang naman yun! Hindi naman sya nasaktan dun sa ginawa ko diba? Ako pa nga ang naagrabyado dahil nung hinalikan ko sya, wala na ang nire-reserve kong first kiss!

Waaahhh grabe ayoko na talagang alalahanin pa!

"Hoy mga mare, nabalitaan nyo bang may bago raw tayong subject teacher! Bata raw e, tapos sabi nung mga napadaan sa may faculty, hottie raw!" Akala ko talaga late na ako pero tignan mo nga naman wala pa ang teacher namin at nagchi-chismisan pa itong mga kaklase ko. Ito namang mga kaibigan ko nakarinig lang ng gwapo, iniwanan na ako at nakichismis na rin dun hays.

Wapakels sa flash news nila ngayon, asa naman silang papatulan sila ng isang teacher.

Kaya naman tumungo nalang ako sa may upuan ko at natulog. Hanggang sa mamalayan ko ang pagtahimik nila senyales na nandyan na ang teacher namin.

"Talagang tinadhana nga." Dinig kong bulong sa akin ni Rayzelle. Ano bang pinagsasabi nya? Napatingin ako sa harapan at nahulog ang panga ko.

Susmiyo nga naman talaga oh!

Imposible, pinaglalaruan yata kami ng tadhana! O baka naman nanaginip pa ako?

"Hala ka, teacher pala natin yung hinalikan mo mare." Ako pa ang tinakot ni Maychie eh sila naman ang nagpagawa sa akin nito pero ano na ang gagawin ko?!

Kasama ko na nga sya sa bahay pati ba naman dito sa school?! At hindi lang yun, teacher ko pa sya? Oh my golly, di ko na kinakaya. 😭

Hindi naman siguro nya ako ibabagsak dahil sa ginawa ko 'no? Please, wag naman sana kundi lagot ako kina Mama. Huhu.

Nakita ko namang nagsulat sya sa blackboard at isinulat ang pangalan nya.

'Chance Alexander Mateo'

"I'm Chance Alexander Mateo, your new math teacher. Just call me, Sir Chance." Pakilala nito. Tahimik ang buong klase pero kitang kita ko naman kung gaano kinikilig yung mga babaeng kirengkeng dito.

Bahala nga sila dyan, di naman sila papansinin nyan si Sir. Saka wala rin akong pakialam.

"Lexie Claire Alcaraz." Nagulat naman ako ng tawagin nya ang pangalan ko. Nakatingin ito sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Uhm, bakit anong meron?

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon