CHAPTER TWENTY TWO

395 7 2
                                    

Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko ngayon, pero nahihiya ako kay Tita Lyn. Nasa loob lang naman kami ng Pristine Company, kung saan nagta-trabaho si Papa, na syang pagma-may-ari nila Chance.

Napakaliit talaga ng mundo, nagresign nga ako sa cafe nya, dito naman ako lilipat. Sa kung nasaan pa rin pala sya, ako babagsak. Anong silbi ng pag-alis ko?

Ilang saglit pa matapos may kausapin si Tita Lyn ay sumakay na kami ng elevator, at tumigil ito sa 11th floor.

"Sumunod ka lang sa kin ha." Sabay ngiti ni Tita Lyn sa akin.

"Alam mo, ganyan din ako nung unang araw ko dito. Kabado at hindi mapakali, pero dahil mababait naman ang mga tao dito, nasanay din ako agad." Kanina pa ako pinapakalma ni Tita Lyn, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

Pagpasok namin sa may 11th floor, tahimik at walang katao-tao.

"Lunch na nga pala ano? Kaya walang tao. Hayaan mo na muna, kay Sir tayo dumiretso." Gulat akong napatingin kay Tita.

"P-po?"

"Sumunod ka lang sakin, hija. Mabait yun, wag kang kabahan." May tiwala naman ako kay Tita.

***

Herald Cervantes
Head of Sales Department

Nakalagay sa may pinto, bakit parang masungit naman ang dating ng pangalan nya.

Kumatok si Tita, at may nagsalita naman ng, "Come in."

Parang ang gwapo ng boses, omg or hay na ko ilusyon. Hindi naman siguro mapatitig sa kanya no. Napagtanto ko nalang na natulala ako sa lalaking magiging boss ko.

"Uh, good afternoon po!" Biglang bati ko. Ngumiti lang sya. Sa nakikita ko palang ngayon, feeling ko makaka-move on na ko. Aaahhh, ang gwapo ng boss ko. Parang anghel 😭.

Ang gaan ng awra, mali pala yung sa tingin kong masungit sya.

"Nice to meet you, Miss uh, what's your name?" Kinabahan naman ako. Bakit nga ba hindi ako nagpakilala. Nakalimutan ko na ata pati ang pangalan ko.

"I'm Lexie Alcaraz po."

"Nice to meet you, Miss Alcaraz."

***

Weeks passed, sobrang bilis ng mga araw. Hindi ko man lang sya nakira rito, simula nung magtrabaho ako. Siguro, it's a blessing from God for me to move on?

Saka hindi naman sya ang ipinunta ko rito e, trabaho ang dahilan kung bakit ako naririto.

"Kanina ka pa nakatingin sa kin ha, inaakit mo ko 'no?" Isa pa itong boss ko, uhm mabait naman sya kaso sobrang kulit at ang landi nya sobra.

"FYI, Sir hindi ko kayo tinitignan. Nakatingin po ako sa pinipirmahan nyo. Ang tagal nyo po kasi, hehe." Sagot ko habang nagkukunwaring nakangiti kahit ang totoo'y nanggigil na ako sa inis.

"You don't need to deny it, alam kong magandang lalaki talaga ako kaya hindi ko kayo mapipigilang mapatitig sa kagwapuhan ko." At nagsimula na nga humangin ng malakas. Oo na, gwapo na sya. Pero hindi ko alam kung saan nya nakuha ang lakas ng loob nyang bumanat ng ganyan kahit sa mga meeting.

"Tss. Alam nyo, Sir, bilisan nyo nalang po dyan kasi hinihintay na po yan ni Mam Laurel." Hindi ko kasi alam kung sinasadya nyang tagalan ang pag pirma sa mga dokumento.

"Teka nga, inuutusan mo ba ako?" Tanong nya sabay kunot ng noo sa akin. Muntikan na akong mapairap sa tanong nya.

"Kayo nagsabi nyan ah, wala po akong sinasabi." Sambit ko habang pilit na nakangiti.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon