CHAPTER EIGHT

500 15 0
                                    

"Paano nakabalik yun? Di ba na-expell na sya?"

"Like duh, alam mo namang ma-impluwensiya ang pamilya nun."

"Mayaman na gwapo pa, oh em gee! Ito yung hinahanap ko."

"Sama mo na rin na magaling sa kama!"

"Lol girl, like paano mo naman nasabi? Na-experience mo na?"

"Di nyo nakita scandal nun?"

Hay nako, sa susunod talaga hindi na ako magbabanyo dito sa school. Wala ng ibang ginawa yung iba dito kundi magchismisan.

Naalala ko na naman tuloy sya. Sa una nagtaka rin akong nakabalik sya pero oo nga pala mayaman at makapangyarihan ang pamilya nya. Ibig sabihin ba nun ay bumalik na sya sa kanila? Sana nga ay ayos na sya, yun nalang ang hiling ko para sa kanya kahit di na kami magkaayos pa.

"Lexie, pinapatawag ka ni Sir!" Nagulat naman ako sa sigaw ni Maychie. Ano raw? Bakit naman? Hindi ba makapaghintay ang lalaking yun e magkikita rin naman kami sa bahay mamaya dahil uwian na rin naman.

"Bakit daw? E hayaan mo kamo sya." Binatukan naman ako ni Maychie.

"Sira! Teacher natin yun, ginaganyan mo saka mamaya ako pa mapagalitan 'no! Puntahan mo na bebe mo! Go!" Itinulak pa nga nya ako palabas ng classroom.

Wow. Super bait talaga nyang kaibigan. Wala na akong nagawa kundi ang puntahan sya sa faculty room. Hays.

"Good afternoon, Sir. Pinapatawag nyo raw po ako, bakit po ano pong kailangan nyo?" Tanong ko sa kanya habang todo-smile sa harapan nya pero wala ka paring makikitang emosyon sa mukha nya.

"Tss. Let's go." Ha? Anong let's go?! Saan kami pupunta?

"Sabay na tayong umuwi." Luh? Anong pinagsasabi nya? May nakain kaya syang kakaiba?

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Your mother told me that it is my responsibility to make sure that you get home safely." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. What?! Sinabi ni mama yun?!

"H-hindi mo na kailangang gawin yun--"

"Then tell them that we're not really in a relationship." Oh my golly, susmiyo ka, Lexie! Bakit ko naman kasi naisip ang kabaliwang yun e! Edi ayan tuloy dumagdag pa sa problema mo!

Sinabi ko nga palang jowa ko sya! Patay ako huhu.

"S-sige, sasabihin ko." Napapaisip na tuloy ako kung paano sasabihin yun kay mama ng hindi ako nasasabunutan ng dahil sa kalokohan ko.

"I'll take you home for now." Tinakot ba sya ni mama kaya ihahatid nya ako kahit walang kami? Or kaya naman may isa pang dahilan.

"Uy Sir, umamin nga kayo gusto nyo lang akong makasama 'no? Ayieee!" Sarili ko rin mismo ang natuwa sa pang-aasar ko sa kanya samatalang sya ay kumunot ang noo. Natatawa talaga ako pag naiinis sya. Feeling ko, nanalo na ako.

"I don't like you, ok?" Tinawanan ko lang sya kaya sumama ang tingin nya sa akin.

"In denial si Sir. Naku, siguraduhin nyo lang na single kayo ah bago nyo ako landiin." Nang dahil sa sinabi kong yun ay binilisan nya ang lakad dahilan para maiwan ako.

"Wait lang naman, Sir! Sabi nyo sabay tayo uuwi e!" Nakasakay na sya ng tricycle, mabuti na lamang ay nakahabol ako.

"Grabe kayo, may pa take you home, take you home pa kayo dyan tapos iiwan nyo rin ako? Hmph!" Inis na saad ko sa kanya. Napagod ako sa paghahabol sa kanya 'no!

"Stop teasing and flirting me. You'll never get me." And again, ang yabang na naman nya. Akala naman nya, nilalandi ko sya? Eh inaasar ko lang naman sya ah dahil pikon sya! Masarap mang-asar ng pikon, promise.

"Weh? Paano pag nakuha ko kayo? Naku, siguraduhin nyong hindi nyo kakainin 'yang sinabi nyo ah." Hindi nya na ako pinansin pa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Sige, iwasan nya ako kung kaya nya. May math lessons pa naman ako sa kanya mamaya.

Papasok pa lang ako sa kwarto ko ng makita kong paalis sya.

"Sir, saan ka pupunta?" Tinignan nya lang ako saka sinagot ng,

"You don't care." Oo nga naman, ano bang pakialam ko? Hindi naman nya kailangang sabihin sa akin kung saan sya pupunta.

Pero wait, hindi ba tuturuan nya pa ako mamaya?

"Eh Sir paano yung--"

"Tomorrow." Ok! Yey! Hindi na naman natuloy, yes! Pwede akong magliwaliw! Eh ano naman kayang pwede kong gawin?

Aha! Hindi naman ako mang-ii-stalk promise! Gusto ko lang namang malaman kung saan sya pupunta e.

Hala, sumakay si Sir ng taxi. Ano ba yan, wala akong pera bahala na nga.

"Manong, pasakay dali! Pakisundan po yung taxi na yun." Dali-dali naman akong sumakay sa isang tricycle kung saan yun lang ang kaya ng budget ko.

Tumigil ang sinasakyang taxi ni Sir sa isang subdivision na halatang pang mga sosyal. Dito kaya sya nakatira? Bibisitahin nya siguro ang pamilya nya? O kaya naman ay girlfriend nya?

Pero duda akong may girlfriend sya dahil walang babaeng tatagal sa ugali nya 'no.

Pumasok sya sa isang magarbo at malaking bahay, ngek edi hanggang dito nalang ako kasi syempre hindi naman ako makakapasok dyan unless magkasama kami huhu.

Napatingin naman ako sa may garden sa labas, wews ayun oh mababa lang ang bakod nila kayang kaya kong akyatin haha. Ano naman kayang mapapala ko sa pagbubuwis ng buhay ko sa pag-akyat? Sana naman may matuklasan akong sikreto ni Sir hihi.

Nang makababa ako sa bakod ay agad akong nagtago sa mga halaman. May kausap syang lalaki na sa tingin ko ay nasa 50's na. Siguro tatay nya yun. Kahit na tatay nya yun ay hindi man lang nya ito nginingitian. Talagang ganun ang mukha nya, walang kaemo-emosyon.

Pinapanood ko lang silang mag-usap sa malayo nang biglang may nagtakip sa bibig ko at hinigit ako papunta sa may madilim na garahe.

"Hmm! Hmm!" Ano ba?! Sino ba 'to?! Hindi ako makapagsalita bwiset. Hindi ko maalis ang pagkakahawak nya sakin dahil ang lakas nya.

Nang bitawan nya na ako ay agad ko syang hinarap at sinigawan.

"Ano ba--" natigilan ako ng makita kung sino ito. Hindi ko inaasahang dito pa talaga kami magkikita.

"A-anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.

"Ako dapat ang nagtatanong nyan sayo. Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Dito sya nakatira? Kaano-ano nya si Sir? Hindi tuloy ako nakasagot sa tanong nya sa sobrang gulat.

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong nya. Aba, ang taas naman ng tingin sa sarili ng Chester na 'to ah. Anong tingin nya sakin, hindi pa nakaka-move on?

"Hindi 'no!" Inis na sagot ko sa kanya saka sya inirapan.

"Eh bakit ka nandito?" Muling tanong nya pa habang palapit sya ng palapit sa akin.

"Ano ba! W-wag ka ngang lumapit!" Wala na akong maatrasan. Ramdam ko na ang lamig ng pader na sinasandalan ko. Napatungo nalang ako dahil ayaw ko syang tignan.

"Sagutin mo ko, Lexie. Bakit ka nandito?" No. Hindi nya pwedeng malaman. Baka mamaya sabihin nya kay Sir. Teka nga, magkaano-ano ba sila?

Omg, wait. Ang pangalan ni Chester ay Chester Eleazar Mateo at si Sir ay Chance Alexander Mateo. Magkapatid sila?!

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon