CHAPTER TEN

549 11 4
                                    

"Puro nalang stop ang naririnig ko sayo, bakit mo ba ako pinapatigil? Aminin mo nga, nahuhulog ka na ba sa 'kin?" Natigilan ang sya at napaiwas sya ng tingin sa akin. Anong ibig sabihin nito?

"I'm not and I will never fall for a girl like you. I just don't want my brother to get the wrong idea if he see us like this. You're his girlfriend, right? You're Chester's girlfriend?" Grabe naman makapagsalita 'tong hindi sya mafa-fall sa akin tss. Sabi ko na nga ba iyon ang akala nya, akala nya kami ni Chester.

"Hindi 'no! Walang kami, magkaibigan lang kami dati." Agad na sagot ko.

"Dati? Bakit ano na kayo ngayon?" Takang tanong nya.

"Hindi ko alam. Basta nalang syang nawala ng parang bula di ba tapos bigla syang babalik kaya hindi ko na alam kung magkaibigan pa rin ba kami." Sandali syang natahimik saka nya ako sinagot.

"But I saw that he's happy with you. I hope you give him another chance." Napangiti ako sa sinabi nya. May care pala sya sa kapatid nya. Pero tama ba talagang binigyan ko ng chance si Chester? Hays. Ok lang yun, nakamove on naman na ako e.

"Hmm.. sige. Malakas ka sa 'kin, Sir e." Napansin ko namang napairap nalang sya. Ang sungit sungit at taray talaga nito. Dinaig pa ang babae.

"Parang yun lang naman sinabi ko e, naiinis na kayo. By the way, ang galing nyong umirap ah." Natawa nalang ako sa itsura nyang halatang walang pakialam sa mga sinasabi ko. May mga binabasa syang libro, siguro mga lesson.

"Lumabas ka na sa kwarto ko." Nagulat naman ako sa narinig ko.

"Hala. Wow, nagtagalog ulit kayo ah. Mas bagay sayo 'yan promise." Tinignan nya ako at sinamaan ng tingin.

"Labas." Matigas na sabi nya pero tinawanan ko lang.

"Hindi ba pwedeng magstay muna? Ang lamig dito e, nagpakabit ka pala ng aircon. Patambay muna, Sir." Sumandal ako sa may pader habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako ng tumayo sya mula sa kinauupuan nya at lumapit sa akin.

"Ano--" naramdaman ko nalang ang biglang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko ng hawakan nya ang kanay ko at higitin palabas ng kwarto nya.

"Sir naman--"

"Itutulak kita 'pag hindi ka lumabas--" hindi ko na sya pinatapos pa dahil hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kamay namin.

"Pwedeng bitiwan nyo na yung kamay ko?" Agad nya iyong binitawan saka sya mabilis na napaiwas ng tingin sa akin.

Nagulat nalang ako ng saraduhan nya ako ng pinto. Aba grabe talaga sya. Napaisip tuloy ako kung may kaibigan man lang kaya sya? Masyado kasi syang ma-attitude eh.

***

Maaga akong nagising dahil bwisit iyong alarm ko, may sira yata. Ala-sais pa ang in-alarm ko roon pero ala-singko palang ay tumunog na. Hindi na ako nakatulog pa kaya gumising na ako at nag-ayos.

Palabas palang ako ng kwarto ay amoy ko na ang mabangong aroma ng pagkain na nagmumula sa kusina. Nagluluto na agad ng agahan si Mama?

Nagulat ako ng makitang walang tao sa kusina pero may nakasalang doong kawali at may nilulutong sinangag. Ang sarap naman, kumuha na agad ako ng tinidor at tumusok ng isang hotdog sa nakahain sa mesa.

Anubayan, wala pa yung fried rice pero sa tingin ko baka maubos ko agad 'tong mga hotdog dito sa sarap ng pagkakaluto.

"Why the hell are you eating my food?" Akmang tutusok pa uli ako ng isang hotdog ng malaglag ko ang tinidor na hawak ko sa gulat nang may magsalita.

"H-ha? I-ikaw nagluto nito--"

"Obviously, yes." Inilayo nya ang plato sa akin saka iyon tinakpan.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon