Nagising nalang akong nakahiga sa lap ni... teka nakatulog ako rito sa may bench?! Buti hindi ako na-holdap or something T_T
Agad akong napatayo at nakita ko si Herald na nakangiti sa kin.
"Wala ka namang ibang ginawa sa kin di ba?" Tanong ko sa kanya habang nag-uunat.
"What are you thinking? Anyway, why are you sleeping here? Really, here in the park? Don't you know how dangerous it is—" Nagulat naman ako sa reaksyon nya. Agang-aga ay sermon ang inabot ko sa kanya.
"Well, ganito kasi yun, ayokong magstay sa bahay and then hindi ko namalayang nakatulog ako, okay? Sorry." Hindi ko naman talaga sinasadya, hindi ko to ginusto. I guess, nakatulog ako sa kakaisip at sa pagod.
"Sana umuwi ka nalang or nagstay ka sa hotel. I'm just worried." Parang nakaramdam ako ng lambot sa puso sa sinabi nya. Nakaka-touch na nag-aalala sya sa kin. Tipid akong ngumiti.
"Uhm, thank you. Paano ka pala napunta rito?" Nahihiyang tanong ko.
"I met someone here and then bigla kitang nakita rito." Sino naman kaya? Sa agang to? At bakit dito talaga sa park? Akala ko ba may gusto sya sa kin, e bakit may kasama na sya agad dito?
"Sinong kinita mo?" Nagulat na lamang ako ng lumabas yun sa bibig ko. Shuta, kala ko sa isip ko lang yun nasabi.
"Hmm, why are you interested?" Bigla syang napangisi at pinaningkitan ako ng mata.
"Wala lang, eto naman tinanong lang e." Sabay tawa para hindi mahalata. Muntikan na ko dun, ano ba. Baka akalain nyang interesado rin ako sa kanya.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"H-hindi na ano ka ba—"
"Hindi na kasi kita masasamahan, may pupuntahan pa ako, kaya iuuwi nalang kita sa inyo." Napatingin ako sa relo ko. Alas-nuwebe na rin naman ng umaga, sana'y nakauwi na ang lalaking yun.
"S-sige, thank you talaga!" Sabay nginitian ko sya, dahil talagang nagpapasalamat ako sa kanya.
"Thank you lang? Wala bang kiss dyan? Haha!" Napairap naman ako sa sinabi nya.
"Tss. Baliw!" Sigaw ko sa kanya at tinawanan nya lang ako.
---
Napaisip tuloy ako habang nasa biyahe, what if ganito si Chance? What if katulad sya ni Herald na marunong mag open up? Hindi sa talagang kilala ko na sya pero ayokong paniwalaan na masungit at malamig talaga syang makitungo sa tao. Paano kung may pinagdadaanan lang yung tao di ba? Kaso minsan, kahit anong pag-intindi natin sa tao, napapagod din tayong umintindi.
Namalayan ko nalang na nasa bahay na pala ako. Nagpaalam at nagpasalamat na ako kay Herald.
Ang swerte siguro ng babaeng makakatuluyan nya. Ang ideal nya kaso hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit hindi ko sya bet. Ji-nudge ko sya nung una, pero I didn't know na ganito pala sya.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bumukas ito at bumungad sa kin si Chance na paalis na. Dumaloy na naman ang kaba sa dibdib ko. Umiwas na nga ako, maaabutan ko pa rin pala sya rito. Iniwasan ko sya ng tingin at dire-diretso akong pumasok. Ngunit natigilan ako ng banggitin nya ang pangalan ko.
"Lexie." Lilingunin ko ba? Hindi ko sya nilingon at dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.
Success, hindi na ako marupok. ^_^
---
Nagbibihis na ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Wait lang po." Mahinanong sagot ko.
Agad ko rin iyong binuksan ng matapos ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita sya.
"I need to talk to you, Lexie." Bakit? Anong kailangan nya sa akin? Seryoso syang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomanceUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023
