CHAPTER FOUR

592 11 4
                                        

"Birthday gift po, Sir." Sagot ko sa kanya pero lalo lang nairita ang mukha nya. Kumunot naman ang noo nya saka muling nagtanong.

"Are you a pervert?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya.

"Ano?!" Hindi ko napigilang masigawan sya. Anong pervert ang pinagsasabi nya? Sya na nga itong binigyan ng regalo e. Pero saglit nga lang, ano nga bang binili ni Maychie para kay Sir? Hays!

"I said, are you a pervert?" At talagang inulit nya pa!

"Syempre hindi! Alam kong hinalikan kita noon pero kailangan lang talaga, I'm sorry hindi ko sinasadya pero hindi ibig sabihin nun pervert na ako! Saka isa pa hindi ko na yun uulitin no!" Nakatitig lang sya sa akin ng walang emosyon. Nanggigil ako ah. Dati crazy ang tawag nya sakin pero ngayon pervert?! Aba mas malala na to. Mas maayos pa yung crazy e.

"Then, why did you just gave me this?" Dama ko pa ang pandidiri nya sa regalo ng sabihin nya iyon.

"B-bakit ano bang laman nyan?" Tanong ko pa sa kanya. Nakita ko namang ngumisi sya at mahinang natawa. Hindi ko naman naiwasang mapatitig sa kanya dahil ito ang unang beses kong makitang ngumisi sya.

"You sure, you don't know? You're the one who gave me this, right?" Ano ba kasing laman nung paperbag? Hindi ko na sya sinagot at sa halip ay kinuha ko sa kamay nya ang paperbag at kinuha ang laman nun.

Nalaglag naman ang panga ko ng makita ang laman nun.

Ramdam ko ang pag-init at pamumula ng pisngi ko sa nakita ko. Pansin ko namang nakatitig sya sa akin kaya umiwas ako tingin.

Ano ba naman 'to Maychie! Bakit naman ito ang binili nya?! Sinasabi ko na nga ba e! Kaya pala hindi nya sinabi sa akin ang laman nito at ako naman si tanga binigay ko naman kay Sir edi ang ending ako ang napahiya!

Sa pangalawang pagkakataon ay hiniling ko na sana ay kainin nalang ako ng lupa.

Kung magreregalo man ako sa isang lalaki, hinding hindi ako magbibigay ng isang set ng boxer! 😭 Maychie, humanda ka talaga sakin bukas waahh!

"S-sorry hindi ko naman talaga alam kung anong laman nito e, pinabigay lang naman kasi--"

"I don't want to hear your excuses anymore--"

"Hindi nga kasi ako yung bumili nito para sayo!" Tumalas ang tingin nya sa akin ng mapataas ang boses ko. Oh no, teacher ko nga pala sya at sigurado akong iniisip nyang wala akong galang sa kanya.

Parehas naman kaming napatingin ni Sir ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita si Mama!

"Bakit narinig kong may nagsisigawan dito?" Tanong sa amin ni Mama. Kinabahan tuloy ako. Walang sumagoy sa amin ni Sir pero sya kalma lang ang itsura nya.

Umiwas ako ng tingin kay Mama pero saka ko nalang nalamayang nakatingin pala sya sa hawak ko. Sa hawak kong boxer!

Ibabalik ko na sana ito sa loob ng paperbag pero huli na.

"At ano naman yan, Lexie? Saka Chance ano palang ginagawa mo rito sa kwarto ng anak ko?" Napalunok tuloy ako. Uunahan ko sanang magsalita si Sir pero nauna na syang sumagot.

"Ibinalik ko lang po yung binigay sakin ng anak nyo." Napatingin naman ako sa kanya sa gulat ng marinig na magsalita sya sa tagalog. Nagtatagalog pala sya?! Sa tuwing nagsasalita kasi sya mapapansin mo talagang fluent sya sa english e saka ang ganda ng accent nya kaya hindi ko naiwasang ma-amaze ng magtagalog sya.

"Bakit ano bang binigay nya sayo?" Tanong pa ni Mama. Waahh! Hindi pwedeng malaman ni Mama!

"W-wala yun, Ma--"

"Binigyan nya po ako ng boxer." Magalang at mahinahong sagot pa ni Sir kay Mama. Kumunot naman ang noo ni Mama. Hoo! Wala na patay na ako!

"Paki-ulit nga Chance, anong binigay sayo ng anak ko?" Hinigit naman ni Sir mula sa kamay ko ang hawak kong paperbag at binigay nya yun kay Mama.

"Ito po." Argh! Ang sumbungero ni Sir! Siguradong pagagalitan ako ni Mama. Maiiyak na yata ako huhu. Napatingin naman ako kay Sir ng mapansin kong nakatitig sya sa akin at laking gulat ko ng makitang nakangisi sya sa akin at mahinang tumatawa. Aba! Kakaiba sya! Gusto nya pala talaga akong mapagalitan!

"Anak! Bakit mo naman binigyan ang teacher mo ng ganito?!" Hindi ko naman alam ang isasagot kay Mama. Paniguradong hindi rin sya maniniwala pag sinabi kong hindi ako ang bumili nito. Lagot na talaga ako! Paano ko ba 'to malulusutan?! Muli ko pang tinignan si Sir pero mukhang natutuwa talaga syang pinapagalitan ako ngayon ah! Napupuno na ako sa kanya! Hindi ako papayag na pagtawanan nalang nya ako ng ganito no!

"Mama, jowa ko po si Sir." Nakangiting sagot ko. Nadinig ko namang napamura si Sir at nanlaki ang mga mata ni Mama sa gulat.

"A-aray ko po!" Hinigit ako ni Mama palabas habang pingot pingot ang tenga ko.

"Susmiyo kang bata ka! Magno-nobyo ka na nga lang, talagang teacher mo pa?!" Sigaw sa akin ni Mama ng makalabas kami at bitiwan nya ako.

"Eh 'Ma ano pong magagawa ko kung mahal ko sya?" Oh my gash, nasusuka na ako sa mga pinagsasabi ko! Para akong nasa teleserye!

"Tigil-tigilan mo ko sa mahal-mahal na yan, ikaw bata ka! At bakit naroon talaga si Chance sa kwarto mo, sabihin mo ang totoo! Huwag mong sasabihin sa akin na may balak kayong mag ano!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mama.

"Ano pong mag-ano?" Muling piningot ni Mama ang tenga ko at napasigaw ako sa sakit.

"Aray 'Ma!"

"Wag kang magkunwaring inosente dyan! Kapag ikaw nabuntis ng maaga, itatakwil kitang babaita ka!"

"Aray ko, 'Ma! Tama na po, huhu! Hindi ako mabubuntis ng maaga." Hindi nga nakita ni Mama yung boxer pero mas malala naman ang inabot ko sa naisip kong palusot hays.

"Ano na naman 'yang ginagawa mo, Mahal?" Tanong ni Papa kay Mama? Mabuti nalang at dumating si Papa dahil kung hindi sa tingin ko ay tanggal na ang isang tenga ko.

"Itong anak mo, may lalaki sa kwarto nya! Dinidisiplina ko lang, aba baka ke-aga-aga mabuntis na hindi pa nakaka-graduate ng high school." Taka namang tinignan ako ni Papa.

"May nobyo ka na 'nak? Sino?"

"Aba'y iyong bagong tenant pala natin ang boyfriend nyang bata yang." Sagot pa ni Mama kay Papa. Nagulat naman si Papa pero mas nagulat ako sa reaksyon nito.

"Talaga anak? Si Chance ang maswerteng lalaking napili mo? Hindi ko inasahan 'to ah. Akala ko tatanda ka ng dalaga, Lexie! Aba Mahal hindi mo dapat pinapagalitan 'tong anak natin, dapat nga mag-celebrate tayo dahil sa wakas ay may nobyo na ang panganay natin."

"Ikaw Leonardo, kinokonsinti mo pa 'tong anak natin! Ginagaya mo pa sayo!" At nagsimula na ngang mag-away sina Mama at Papa.

"Mahal naman, dapat suportahan natin ang mga anak natin sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanila."

"So, pinapayagan mo ng mag-boyfriend 'to?! Ang kinakatakot ko lang naman ay ang mabuntis si Lexie ng maaga. Yun ang concern ko sa kanya. Sana maintindihan mo." Na-touch naman ako kay Mama, alam ko namang gusto lang din nya ang makakabuti sa akin pero sa totoo lang ay wala naman syang dapat ipag-alala dahil hindi ko naman talaga jowa si Sir.

"Mahal, magtiwala ka kay Lexie. Siguradong alam naman nya ang tama at mali."

"Bahala ka nga sa buhay mo, Leonardo! Magsama kayo ng anak mo!" Patay. Nagalit si Mama.

"Hayaan mo na muna yung Mama mo, anak. Ako nalang susuyo dun, saka isa pa hindi ka rin matitiis nun matatanggap din nya kayo ni Chance." Nahiya tuloy ako kay Papa. Masaya pa naman sya para sa amin at pinaglaban nya pa ako kay Mama kahit wala naman talagang kami ni Sir.

Paano pag nalaman nilang hindi naman talaga totoo ang sinabi ko?

Saka lagot din ako, tuturuan pa ako ni Sir mamaya sa math at... sinabi ko lang namang jowa ko sya sa harap ni Mama kaya paniguradong galit na naman sakin yun. Gosh! Ano ba 'tong mga kabaliwang ginawa ko?!

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon