CHAPTER TWELVE

461 11 0
                                    

"Lexie." Napatingin ako kay Chester nang tawagin nya ako dahil kanina pa kami tahimik na kumakain.

"Bakit?" Pansin kong para bang nagdadalawang isip pa sya sa itatanong nya. Napatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nya.

"May boyfriend ka na ba?" Nasamid naman ako sa tanong nya.

"O-okay ka lang? Aish, sorry. Ito tubig." Binigyan nya ako ng tubig at agad ko naman iyong inabot para inumin.

Bakit naman kasi iyon pa ang itinanong nya? At isa pa, bakit naman sya interesado?

"Wala. Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yun ngayon." Diretsong sagot ko sa kanya. Tumango lang sya at muling bumalik sa pagkain.

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa sobrang awkward na katahimikan.

"Hindi na ba maibabalik yung dating closeness natin?" Napatigil ako sa pagkain sa tanong nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil maging ako ay hindi sigurado.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"I'm sorry kung kinukulit pa kita kahit na alam ko namang ako yung nang-iwan dati sayo. Hindi kita pinipilit na makipag-ayos sa 'kin, pero sana napatawad mo na ko, Lexie. Saka kung hindi ka rin komportable sa pangungulit ko sayo, sige lalayo na ako kung 'yun ang gusto mo. Maiwan na kita." Hindi nya na tinapos ang pagkain nya't tumayo na sya't agad akong iniwan. Ngumiti sya sa akin bago sya umalis pero ni hindi nya man lang ako hinayaang magsalita.

Ito na naman sya, ayaw nyang makinig. Hindi ko naman sya pinaalis pero... hays, bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Parang ako pa tuloy itong may kasalanan sa kanya ngayon. Hindi lang naman agad ako nakapagsalita, nang-iwan na sya agad?

So ano, kung gusto nyang makipag-ayos kukulitin nya ako ng kukulitin dapat, hindi ba? Hindi iyong susuko sya agad. Tsk. Bakit nga ba ako nagkagusto sa lalaking tulad nya noon?

Hindi pa rin sya nagbabago.

Muli na namang nasira ang araw ko.

"Psst, Lexie. Anong nangyari?" Nagitla naman ako ng sumulpot si Rayzelle sa likuran ko.

"Ayun matapos akong higitin para sabay daw kaming kumain, iniwan din ako." Nakakatawa, sobra.

"Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami boto sa kanya 'e. Hindi ka nya deserve. Bakit ka pa kasi sumabay sa kanya?" Napa-buntong hininga nalang ako.

"No choice kasi. Hindi naman sa napilitan ako pero parang ganun na nga." Sagot ko sa kanya. Tinignan ko si Rayzelle at may tinitignan sya sa likuran ko. Nginunguso nya pa ito, kumunot naman ang noo ko sa pagtataka.

"Sino ba--" napatigil ako nang makita kung sino ito.

"Hello, Sir! Ay may gagawin pa po pala ako hehe, maiwan ko na po kayo. Ba-bye po." Nagulat naman ako nang magmadali si Rayzelle na umalis at kinindatan pa ako. Para namang sira 'e, bakit nya ako iniwan? Ang awkward tuloy.

"Sir, ano yun? Uhm sasabayan nyo ba akong kumain--" as usual ay seryoso na naman ang mukha nya at hindi ako pinatapos sa sasabihin ko.

"I have a seminar today until six in the evening. I can't teach you math later again, I'm giving you these reviewers and I want you to study them." Inilapag nya ang mga dala nyang libro ng math sa lamesa. Hay, sa totoo lang may napapansin ako. Dapat ay masaya akong hindi natutuloy ang math lessons ko sa kanya pero nakakapagtaka lang na hindi ito lagi natutuloy.

May dahilan sya lagi, nagkakataon lang ba o ayaw nya talaga ako turuan?

"Why are you staring at me like that? Did you understand what I said?" Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya.

"Sir hindi naman sa nagde-demand akong turuan nya ako ah, pero kailan nyo ako itu-tutor? Para kasing iniiwasan nyo o ayaw nyo talaga akong turuan 'e." Napa-pout nalang tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit ba parang nakakaramdam ako ng tampo, maging ako naguguluhan sa nararamdaman ko.

"What are you saying? I just have a lot of work today." Saka lang pumasok sa isip ko kung ano ang maaaring dahilan nya.

"Iniiwasan nyo ba ako dahil kay Chester? Hindi nyo naman kailangang gawin 'yun 'e dahil wala namang kami, at saka teka nga, wag nyong sabihing nilalagyan nyo ng malisya ang paglapit ko sa inyo ah!" Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang mahina syang matawa.

"At anong nakakatawa sa sinabi ko? Malay ko ba kung 'yun talaga 'yung dahilan nyo, Sir."

"Don't deny to me that there's nothing going on between the two of you. I may be avoiding you but its for the better, I am your teacher and you are just my student. I don't want to have any issues or rumors spreading here in the school just because of you being close to me." Hindi naman ako nakapagsalita at hindi ko rin alam kung bakit nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko sa sinabi nya.

Ganun talaga nya ka-ayaw sa 'kin? Saka kapag ba naging close kami, iyon agad ang bagay na nasa isip nya? Na maaaring kumalat na may relasyon kami? Sa totoo lang, ang kitid ng utak nya.

Naiinis ako.

Namalayan ko nalang na iniwan nya na pala ako kanina pa. Hmph! Nakakainis 'tong araw na 'to. Nakakainis silang dalawa ni Chester! Argh!

So ganun, ayaw nyang nilalapitan ko sya? Hah, akala nya 'pag sinabihan nya ako ng ganun lalayo na ako ah. Pwes, magsisimula palang tayo.

Babawi ako 'no, hindi ko sya titigilan para mapikon sya! Ang saya pa namang mamikon hihi.

Pero napatingin ako sa mga librong nakalapag sa mesa, hays mag-aaral pa pala ako. Oo, nakakatamad pero kailangan kong mapatunayan na kaya ko mag-isa 'no. Saka rin baka mamroblema ako mababang grado ko kaya kailangan ko nang magsipag at mag-aral ng mabuti.

Tandaan mo self, aral bago mahal. Study first, saka na 'yang kalandian. Or baka naman pwedeng mag-multitask? Char.

Sige na nga, mag-aaral na muna ako. Hmph.

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon