CHAPTER TWENTY SEVEN

375 6 0
                                    

Unang araw ng panibagong semester ay bumuhos ang ulan. Ang init-init nung umaga tapos ngayong hapon, hay na ko hindi tuloy ako nakapagdala ng payong dahil hindi ko naman ito inaasahan. Wala akong nagawa kundi ang sumugod sa ulan dahil hindi ako makakauwi.

Pagbaba ko ng jeep nagulat ako nang may sumabay sa akin maglakad at pinayungan ako. Napatingin naman ako rito.

"Okay ka lang ba, Miss?" Wait. Siya yung lalaking nagtanong sa akin nung isang araw?! Naalala nya ba ako?

"H-hello, Miss." Sya naman ngayon etong kumaway sa harap ko dahil natulala pala ako sa kanya.

"A-ah okay lang ako, p-pwede bang sumabay? Hindi kasi ako nakapagdala ng payong." Ngayon lang ako nahiya ng ganito. Shems, ang gwapo kasi nginitian nya pa ako.

"Sige lang, ikaw pa ba tinulungan mo rin naman ako nung nakaraan. Saan ka pala dadaan?" Sinamahan nya ako at laking gulat ko nang malamang magkalapit bahay lang pala kami. Bakit hindi ko sya nakikita rito?!

"Sa inyo pala tong carinderia rito? Ang sarap ng Dinuguan at Sinigang nyo." Sabi nya nang tumigil na kami sa tapat ng bahay. Nagulat naman ako. Ibig sabihin ay kumakain sya palagi rito?! What is happening?! Napangiti na lamang ako.

"T-thank you... Saka thank you rin pala sa paghatid hehe."

"Walang anuman. Ako nga pala si Ren, ano nga palang pangalan mo, Miss?" Napakapormal naman ng lalaking to, anyway kinikilig ako ha, type nya ba ako? Like, bakit nya gustong malaman ang pangalan ko? Chariz.

"I'm Lexie, nice to meet you Ren."

"Nice to meet you too, Lexie. Mauna na nga pala ako, kita nalang tayo sa school, I guess?"

"S-sige see you! Bye!"

***

Two months passed. . .

"Kapag nga ba may bago, makakalimutan mo na yung luma?" Bungad sa akin ni Maychie nang muli kaming magkita.

"Ano namang ibig mong sabihin ha?" pinanliitan ko sya ng mata.

"Wala lang teh, oh bakit affected ka?" Napairap na lamang ako. Hindi ko maintindihan tong tao na to.

"Oh eh bakit ka ba nakipagkita sa akin ngayon?" Oo nga pala, ano nga ba iyong sasabihin ko sa kanya?

"So, ganito kasi yun uhm di ba kilala mo na si Ren?" Tumango naman sya.

"Wait, kayo na?!"

"Baliw! Hindi!"

"Okay, okay. Go tuloy mo, kwento mo."

"So, ayun nga diba kakakilala lang namin few months ago, parang nararamdaman ko na ano na may ano sya sa kin-"

"Na may gusto sya sayo?"

"Oo parang ganun, hindi sa nag-a-assume ako pero iba talaga dating ng mga ginagawa nya sa kin, masyadong caring and bla bla. Kaso the problem is natatakot akong baka umasa lang sya kasi-"

"Si Chance pa rin ba, Lexie?" Hindi ako nakasagot kay Maychie.

"Hindi ko alam, Bes. Parang nakalimutan ko naman sya kaso baka bumigay na naman ako sa oras na makita ko sya ulit. Ayoko namang gawing panakip butas si Ren, hindi ko kaya."

"Hindi pa naman umaamin sayo si Ren, Bes. What if assuming ka lang talagang babaita ka."

"Okay, fine! Basta naguguluhan lang talaga ako sa mga kilos nya. Basta wag lang sana syang magkagusto sa kin dahil masasaktan lang sya. Hindi ko masusuklian ang feelings nya if ever na-hays."

"Bessy ko, kalma lang girl ha. Kung ako sayo, wag mo munang intindihin ang love problems na yarn ha. What if magstudy first ka muna?"

"Beh edi lalo akong nastress." Sagot ko sa kanya at natawa naman kaming dalawa.

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon