"Sagutin mo ko, Lexie. Bakit ka nandito?" No. Hindi nya pwedeng malaman. Baka mamaya sabihin nya kay Sir. Teka nga, magkaano-ano ba sila?
Omg, wait. Ang pangalan ni Chester ay Chester Eleazar Mateo at si Sir ay Chance Alexander Mateo. Magkapatid sila?!
Nalunok ko tuloy ang dila ko sa gulat.
"Wag mong sabihing gusto mo pa rin ako?" Nakangising tanong nya pa.
"Anong akala mo sa 'kin hindi marunong mag-move on?" Mataray na sagot ko sa kanya.
Bigla nyang inilapit ang mukha nya sa akin dahilan para mapapikit ako. Dama ko na ang init ng hininga nya.
"Bakit nakapikit ka? Bakit hindi mo ko kayang tignan?" Tanong pa nya. Amp. Sobrang lapit nya. Sus ginoo, tulong.
"Alam mo masasapak kita kung hindi mo ilalayo 'yang pagmumukha mo." Pagbabanta ko sa kanya habang nakapikit parin ako.
"Tumapang ka na ah." Dinig kong sabi nya. Minulat ko ang mga mata ko at agad kong hinanda ang kamao ko. Ayaw nyang makinig ah.
Sinapak ko sya sa mukha pero wala lang syang reaksyon samantalang ako... ang sakit ng kamay ko. Ang tigas ng mukha nya! Aray! Huhu.
Hindi man lang sya nasaktan. Bakit ganun? Ang daya.
"Hindi ka parin marunong. Tss." Napairap nalang ako.
"Ok. Edi ikaw na mas magaling. Ang yabang mo parin talaga kahit kailan." Napakunot naman ang noo ko ng mapansin kong nakatitig lang sya sa 'kin. Nakakailang. Napatingin nalang tuloy ako sa sahig habang ramdam ko parin ang titig nya.
"Sorry." Tama ba ang narinig kong sinabi nya? At bakit naman sya nagso-sorry?
"Sorry, dahil hindi naging maayos yung huli nating pag-uusap. Hindi man lang din ako nakapagpaalam sayo ng maayos." Hindi naman kailangan yun. Tutal wala naman kaming dalawa. Wala kaming relasyon.
"O-okay lang. Tapos na yun, nangyari na. Sana maayos at masaya ka na rin sa buhay mo ngayon. Uhm, aalis na ako." Agad ko na syang tinalikuran. Alam ko sa sarili kong matagal na akong naka move on sa feelings ko sa kanya pero sa tingin ko hindi ko pa kayang pag-usapan pa ulit ang tungkol sa bagay na yun. Ayaw ko ng ma-bring up pa ulit yun.
"Lexie." Nagulat ako ng habulin nya ako palabas at hawakan ang kamay ko.
"Mas magiging masaya ako kung magkakaayos tayo ulit." Hindi ko naman alam ang masasabi ko.
"Please. Maging magkaibigan tayo ulit." Tipid akong ngumiti at tumango kahit na hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.
"Thank you." Nagulat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit.
Napansin ko namang may nakatingin sa amin, at nagkatinginan kami ni Sir. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin pero agad na ring naglakad palayo.
Nagtataka siguro sya kung anong ginagawa ko dito. Hehe nahuli nya ako rito, lagot.
"Ihahatid na kita, Lexie." Tinanguan ko nalang si Chester habang nag-iisip ng isasagot kay Sir kung sakaling tanungin man nya ako kung bakit ako napadpad dito sa kanila.
***
"Ah sige papasok na ko, salamat sa paghatid." Mabuti at hindi nya na ako ulit tinanong pa kung bakit ako napadpad sa bahay nila.
Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat naman ako sa bumungad sa akin. Nakatingin sa akin sina Mama at Papa.
"Uh, h-hello po. Aakyat na po ako sa kwarto ko--"
"Kakauwi mo lang kanina, tapos umalis ka uli. Saan ka naman nagpunta at sino yung naghatid sayo pauwi? Akala ko ba si Chance ang nobyo mo?" Agad namang sumakit ang ulo ko sa sangkatutak na tanong ni Mama. Omg, paano ko ba 'to lulusutan?
"Ano 'Ma, may group activity po sa bahay ng kaklase ko kanina. Kaklase ko po yung naghatid sa akin." Hindi naman kumbinsido ang mga mukha nila sa sagot ko.
"Anak, wag mong sabihing may gusto rin ang lalaking yun sayo? Naku, dalaga ka na talaga. Pinag-aagawan ka ng mga lalaki dahil manang mana ka sa kagandahan ng Mama mo." Tumawa nalang ako dahil si Mama ay natahimik saka ako gumawa ng paraan para makaalis.
"Sige po, aakyat na po ako hehe." Dali-dali akong umakyat sa hagdanan saka lang namalayan ni Mama na nakaalis na ako. Narinig kong isinigaw pa ni Mama ang pangalan ko pero agad na akong tumakbo papasok sa loob ng kwarto ko.
Nakalusot ako ngayon, e paano naman kaya sa susunod? Anong gagawin ko?! Paano ko sasabihin sa kanilang wala naman kaming relasyon ni Sir ng hindi ako pinapagalitan dahil sa kalokohan ko huhu.
"Ate!" Nagulat naman ako sa pumasok sa kwarto ko. Si Leyzie pala.
"Oh bakit?" Hinigit nya ako patayo mula sa kama ko.
"Bakit ba?" Ang kulit nya. Hinihigit nya ako palabas ng kwarto.
"Basta Ate, lumabas ka dyan. Pinapatawag ka nya." Ha? Sinong sinasabi nya? Si Mama ba?
"Leyzie naman!"
"Ate naman!" Aish! Dahil mabait akong pinsan ay nagpaubaya nalang ako. Nagpahigit ako sa kanya hanggang sa nanlaki nalang ang mga mata ko kung saan nya ako dinala.
"Sir, nandito na po si Ate!" What?! Inutusan nya ang pinsan ko?! At teka nga, nakauwi na rin sya?
"Thank you, Leyzie." Kailan pa sila naging close? Bakit ang bait ni Sir sa kapatid ko? Nginitian nya pa 'to. Huwaw. Ang gwapo nya kapag nakangiti. Artistahin ang dating.
Napatingin ako sa tabi ko at namalayan ko nalang na wala na ang kapatid ko't nakalabas na ito ng kwarto ni Sir kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.
"Ano palang kailangan nyo?" Kabadong tanong ko. Seryoso kasi ang awra nya at kinakabahan ako lalo na't kaming dalawa lang ang nandito.
"I want you to stop being close to me." Ha? Ano raw? And bakit? Dahil ba 'to dun sa nakita nya?
"So, gusto nyong maging open nalang tayo?" Biro ko pa para naman kahit papaano gumaan ang atmosphere. Masyado kasi syang seryoso e.
"Stop kidding. Stop being so friendly. Stop flirting with me for fuck's sake." Bahagya pang tumaas ang boses nya kaya nagulat ako. Ano bang problema nya?
"FYI lang, yes medyo friendly type talaga ako pero hindi kita nilalandi. Palabiro lang talaga ako--"
"I don't need your explanations, I just want you to stop." Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nya.
"Puro nalang stop ang naririnig ko sayo, bakit mo ba ako pinapatigil? Aminin mo nga, nahuhulog ka na ba sa 'kin?"
---
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomanceUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023