CHAPTER FIFTEEN

481 9 0
                                        

"Ito ayos na ba ’to--" natigilan ako nang hindi ko makita sa tabi ko ang kasama ko. Kasalukuyan kaming nasa department store at namimili ng damit na susuotin namin.

Kung kailan may napili na ako saka naman sya nawala. Saan naman kaya sya nagpunta?

Dala-dala ang dress na napili ko ay nilibot ko ang department store, hanggang sa mamataan ko sya sa may toy section-- teka, hindi ba ako namamalik mata?

Nakatayo sya sa harap ng isang napalaking teddy bear, na halos katumbas ng dalawang tao ang laki.

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako. Ang cute nya kasi tignan habang pinagmamasdan ito.

Nagulat ako nang yakapin nya ito, tuluyan na akong natawa at agad na kinuha ang cellphone ko para kuhanan sya ng litrato.

Ang cute talaga, mabuti nalang na-pictu-ran ko agad!

Natatawa akong nilapitan sya at tinanong.

"Hmm, anong ginagawa mo rito? Saka pala nakapili na ako ng damit oh!" Sabay turo ko pa sa dala-dala ko.

"It looks nice. Uhm, I have something to ask you." Ano naman kaya ’yun? Bakit para syang batang nahihiya sa itsura nya ngayon? Hindi rin sya makatingin sa akin.

"Do you want this?" Nanlaki naman ang mga mata ko’t napanganga sa sinabi nya at nang ituro nya ang higanteng teddy bear.

"It's cute, right?" Dagdag pa nya. Lihim akong napangiti. Kaya nya ba ito ginagawa dahil sa promise nyang susubukan nyang maging isang good boyfriend sa ’kin?

"Sobrang cute nga kaso masyadong malaki e. Saka, ano ka ba ikaw lang sapat na ’no." Mahina akong natawa dahil sa banat ko na hindi ko pinarinig sa kanya. Napakunot naman ang noo nya nang tignan nya ako.

"You don't like it?" Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Teka, gusto nya talaga ’tong bilhin sa ’kin? OMG.

"Eh hehe ano uhm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko naman talaga kaso, hindi naman talaga kami tapos kung anu-ano ang pinabibili ko sa kanya. Hindi ko naman sya sugar daddy ’no. 😭

Gusto kong sabihin sa kanya na, hindi naman lahat nadadaan sa materyal na bagay. Isa pa, masaya na akong makasama sya. Kuntento na ako na sinusubukan nyang maging mabait sa ’kin pati ang pagtrato nya sa ’kin na para bang ang bait-bait at ang sweet sweet nya’ng boyfriend.

"Hindi naman ako materialistic, sa totoo lang masaya na akong makasama ka ngayon. Wala pang tumrato sa ’kin ng ganito, syempre kasi no boyfriend since birth pa naman ako. Kumbaga, kuntento na ko sa pagpaparanas mo sa ’king ma-feel kong special ako sa isang tao kahit na isang araw lang ’to." Kung pwedeng i-extend, why not di ’ba? Charot only.

Dahil sa sinabi ko ay naging seryoso ang awra ng paligid.

"I'm sorry. I really don't know people, I thought that its what make them happy." Napaiwas sya sa akin nang tingin ng sabihin nya iyon.

"Weird. Sa ’ting dalawa, ako yung mas matanda, I'm also a teacher pero ikaw ang nagsasabi sa ’kin nang mga bagay na ’to. I thought you're just this naughty student, but you also have this side." Kumurba ang ngiti sa labi nya at tinignan nya ako sa mata. Susuklian ko sana sya nang ngiti pero hindi ko natagalan ang titig nya kaya’t ang napakakinis na sahig nalang ang pinagtuunan ko ng pansin.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, alam ko na ’to. Kilala ko ang sarili ko, dahil dati ko na itong naramdaman sa kapatid nya. Masama ’to, hindi ako dapat mahulog. Hindi maganda ang kahihinatnan nito, isa pa, hindi kami pwede at wala kaming pag-asa.

Kaya habang maaga pa at hindi pa malalim ang nararamdaman ko, kailangan ko nang maputol ang koneksyong nabuo sa aming dalawa.

Puputulin ko agad, pagkatapos nang araw na ’to.

"Hey, are you okay? We're here." Kanina pa pala ako tulala sa biyahe. Kung hindi nya ako kinausap ay hindi ko mamamalayang nakarating na pala kami sa kanila.

"Okay lang ako." Sagot ko sa kanya habang nakangiti ng pilit. Hindi pa ako lumalabas sa sasakyan nya pero kinakabahan na ako. Paano kung katulad ito ng isang teleserye na hindi tanggap ng magulang ang babaeng ipapakilala ng anak nila?

Huminga ako nang malalim saka lumabas ng pagbuksan nya ako ng pinto.

"You don't have to worry anything, I promise." Bulong nya sa akin saka hinawakan ang malamig kong kamay. Naramdaman ko naman ang pagdaloy ng bolta-boltaheng kuryente sa kamay ko nang hawakan nya ito.

Tipid syang ngumiti sa akin saka ako'y tinitigan na para bang sinasabi nyang magtiwala lang ako sa kanya.

Muntikan na akong malunod sa titig nya kaya agad akong nag-iba ng tingin.

***

Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay nila. Ang tahimik, mukhang walang tao pero may nakasalubong kaming isang kasambahay na nasa 50's na ang edad. Nakangiti itong binati kami at sinabing kasalukuyang kumakain ng hapunan ang papa nya.

"You're his girlfriend, I guess?" Agad na tanong ng papa nya pagkakita palang sa aming dalawa. Napalunok naman ako sa kaba.

"O-opo, good evening po pala." Kabadong sagot ko sabay ngiti. Hindi na ako pinansin pa ng papa nya at agad na nilipat nito ang atensyon sa anak.

"Akala ko tatanda ka ng binata, Chance. Mabuti naman at nagka-nobya ka na." Sarkastikong saad nito sa kanya. Tinignan ko naman si Chance at blanko lang mukha nya. Walang pinapakitang emosyon.

"Umupo na kayo at sabayan nyo na akong kumain." Paanyaya pa nito sa amin. Agad naman akong pinaghila ng mauupuan ni Chance. Ang gentleman naman ng boyfriend ko. ♡(> ਊ <)♡ Fake boyfriend lang pala. (-_-)

Namayani ang katahimikan habang kumakain kami ngunit ang papa nya rin ang bumasag dito.

"So, you don't really want to marry Annika? Is that the reason why you brought her here?" Napatigil ako sa pagkain nang tumingin sa gawi ko ang papa nya nang magtanong ito kay Chance. 

"Could you please respect my girlfriend? Don't fvcking mention that someone I don't even know. The reason why I brought Lexie here, is for you to meet the person I love." Nagulat ako sa sagot nya. Ramdan kong nanggigigil sya pero nanatili parin syang kalmado.

Ang sarap palang makarinig ng ganun. Ang sarap marinig ang bagay na ’yun mula sa kanya, ang kaso nga lang ay hindi naman talaga totoong mahal nya ako at may relasyon kami.

"Okay then, may plano na ba kayong magpakasal? Magkaanak? Just tell me so that I can prepare for everything." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong juice sa sinabi ng papa nya. Kasal at anak agad?! What the hell, di ’ba?

"I'm not going to say anything to you. And did you just said, "prepare"? Or you mean destroy everything?" Nakangising sagot nito sa sarkastikong paraan. Sa totoo lang, pati ako natakot sa kanya. Kanina kasi ay kalmado lang sya, bigla nalang syang naging ganito.

Noon pa lang nung sundan ko sya rito sa bahay nila at makita ko silang magkausap ng papa nya, nahalata ko na. Nahalata ko nang hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama.

"You think I'm that bad to that to my own son?"

"Well, I don't trust you. Anyway, we're going. Thanks for the dinner." Nagulat nalang ako nang tumayo na si Chance kaya agad din akong napatayo kahit na hindi pa ako tapos kumain.

Muli nyang hinawakan ang kamay ko at dali-dali kaming umalis sa bahay nila.

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon