"Nasaan ka? Nasaan na kayo ng pamilya mo? Tell me. Gusto lang kitang makita, Lexie." Naalala ko pa ang mga linya ni Chester sa akin nang huli ko syang makausap sa telepono. Hindi ko sya sinagot, dahil sa totoo lang gusto ko na magsimula ng bagong buhay. Gusto kong mawala sa isipan kong nakilala ko sila.
Kila Maychie at Rayzelle lang ako nagpaalam. Nagkaiyakan pa kasi ng tawagan ko sila, may tampo rin sila sa akin dahil hindi ko raw sinabing aalis na ako. Pero nakalipas na yun, dahil kahit malayo na ako sa kanila, tuwing day off ko sa trabaho at wala akong pasok sa school ay nagkikita kami.
Dalawang buwan na rin ang nakalipas at magaan naman kahit papaano ang buhay namin. Medyo nahihirapan nga lang akong i-manage ang time ko dahil sa trabaho at pag-aaral pero choice ko naman to. Hindi naman sinabi sa akin nila Mama na magtrabaho ako. Ginusto ko to dahil gusto kong makatulong sa kanila.
May maliit na karinderya si Mama sa labas ng bahay namin at si Papa naman ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya.
Parehas silang busy dahil marami kaming kailangang bayaran kaya naman naisip kong kahit papaano ay makatulong sa kanila. Naalala ko pa, pagod na pagod na ako kakahanap ng papasukan hanggang sa may lalaking nag-abot sa akin ng flyer ng isang cafe.
Napatitig ako roon sa lalaki pero hindi ko naman nakita ang mukha nito. Ang haba kasi ng bangs nya pero ang gwapo ng dating, para kasing katulad nya yung mga lalaki sa pinterest. Aesthetic, kung tawagin nila. Naka-hoodie pa syang black.
Tinignan ko ang cafe na nagngangalang, "Second Chance". May naalala na naman ako.
Chance, nasaan ka na kaya? Kilala mo pa kaya ako?
Eww, Lexie ano ka ba! Kadiri ka self! Akala ko ba moved on na yan.
Hanggang sa mahanap ko yung cafe na sinasabi sa flyer, na naghahanap sila ng mga tao roon. Kakabukas lang din pala kasi nito kaya kulang sa trabahador.
Sinuwerte ako, dahil agad naman akong natanggap kahit na wala akong experience at first time ko lang. Mababait din ang mga naging katrabaho ko at tinuruan nila ako sa lahat.
"Nakita nyo na si Sir? Bumisita sya kanina rito ah."
"Yung owner?""Yes yes yup!"
"Never ko pa nakita si Sir! Pa-mysterious ba sya? Hahaha."
"Hindi, busy kasi syang tao kaya bihira lang sya bumisita rito."
Pagdating ko sa trabaho ay bumungad sa akin ang usapan nila tungkol sa boss namin, na kailanman ay hindi ko parin nakikita.
Balita ko kasi, si branch manager lang namin ang kinakausap nito kaya sya lang ang nakakakita at nakakakilala sa kanya. Well, parang nakaka-curious. Tama sila e, masyado kasing pa-mysterious.
Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila at nagfocus nalang ako sa nakatoka sa akin.
Maya-maya pa ay nagbreak muna kami ng wala ng customer. Lumabas muna ako para magpahangin para naman makahinga.
At sa two months ko rito sa cafe, ngayon ko lang napansin na may freedom wall pala kami rito. Magsusulat na sana ako ng may makita akong pamilyar na hand writing. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, habang binabasa ko ang nakasulat sa wall.
[ I don't think I can make it. Cause I can't even show myself. ]
[ It's not what I want, I just don't have a choice. ]
Naalala ko ang handwriting nya dahil sa reviewer na ginawa nya sa kin. Sinulat nya lang kasi yun lahat. Pero imposible, bakit naman sya mapapadpad dito. Siguro kahawig lang ng sulat nya. Hindi ko sya pwedeng makita rito, baka hindi ko kayanin.
***
Sabado ng umaga, day off ko kaya naman sumama ako kay Mama na dalhan ng lunch si Papa sa trabaho nito. Laking tuwa ko talaga ng makitang nagbati rin sila agad matapos ng mga nangyari.
Napatingala ako nang makita kung gaano kalaki ang kumpanya ng pinagtatrabahuhan ni Papa. Parang naging pangarap ko rin tuloy mag-opisina.
"Nak, halika na." Nagitla ako sa pagkulbit sa akin ni Mama. Papasok na pala sya at nakita na namin si Papa malapit sa may elevator.
Habang magkausap sila Mama at Papa ay pagala-gala ang mga mata ko sa buong building. Grabe ang gara tignan ng pagkakagawa rito. Halatang sobrang yayaman ng mga may-ari.
"Lexie, anak, may sasabihin ako sayo." Napatingin naman ako kay Papa na dala-dala ang lunchbox na bigay namin.
"Ano yun, Pa?"
"Alam mo ang pamilya pala nila Chance ang nagmamay-ari nito, nakakapagtaka tuloy na sobrang yaman pala nya pero pinili nya lang na tumira sa apartment natin." Naiwang nakabuka ang bibig ko sa gulat at ni hindi ko nagawang sagutin si Papa dahil hindi ako makapaniwala. Alam kong mayaman sya pero wala akong kahit isang alam sa background nya.
"Kaya rin siguro sya umalis dahil sya na ang vice president ng kumpanyang to. Nagulat pa ako nang batiin nya ako, at itanong sa akin kung kamusta ka na raw at kung masipag ka na raw bang mag-aral. Napatingin tuloy sa akin mga katrabaho ko dahil bakit kakilala ko daw si Sir." Nakangiti si Papa habang nagkukwento habang ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.
Totoo bang kinamusta nya ako? O gawa-gawa lang yun ni Papa? Bakit nya naman ako kakamustahin? Ah! Alam ko na kasi syempre kapag teacher ka dapat concern ka sa estudyante mo. Yun lang yun, Lexie. Yun lang, wag ka ng mag-expect.
Maya-maya pa ay umuwi na kami at inihatid ko na si Mama pauwi. Habang ako ay muling umalis para makapag-isip isip. Akala ko talaga wala na akong pakialam sa kanya. Pero bakit ba kasi ganito, nararamdaman ko! Ayoko na.
Nakaupo ako sa isang waiting shed at nagulat ako sa lalaking tumabi sa kin sabay abot ng isang ice cream sa kin.
"I finally found you."
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomanceUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023