"Hoy ano kayang regalo magugustuhan ni Sir 'no?"
"Bakit? Anong meron?"
"Nahanap namin fb ni Sir Chance tas ayun nalaman naming birthday nya pala bukas."
"Talaga?! Arat na dali anong bibilhin nyo?"
Kakalabas ko lang sa banyo ng marinig ko ang pinagkukwentuhan ng mga babae rito. Pero tama nga kaya ang dinig ko? Birthday ni Sir bukas? Saka nagulat din ako sa narinig kong may facebook pala sya ah. Nag-fa-facebook pala ang taong yun. Matignan nga mamaya.
Awasan na ng makabalik ako sa room dahil hindi talaga ako makaalis ng cr kanina dahil sa pagsakit ng tyan ko.
"Hala ayos ka lang ba, Lexie?" Agad na tanong sa akin ni Maychie.
"Medyo ayos na. Sa susunod talaga hindi na ako kakain ng marami saka talaga namang dito pa ako sa school inabot. Bakit naman huhu." Sagot ko sa kanya. Nagtaka naman ako ng makitang mag-isa lang sya at hindi nya kasama si Rayzelle.
"Nasaan pala si--"
"Lexie, buti nakabalik ka na pala! Tawag ka ni Ma'am Stella!" Parehas kaming napatingin ni Maychie sa dumating na si Rayzelle.
"Ha? Pinapatawag ako ni Ma'am? Bakit daw?" Takang tanong ko pa sa kanya.
"Hindi sinabi e. Pero mukhang seryoso yung pag-uusapan nyo." Kinabahan naman ako. Bakit kaya? Anong kailangan sabihin sa akin ni Ma'am?
Naglakad ako papunta sa faculty para kausapin si Ma'am at damang dama ko ang kaba.
"Good afternoon po!" Bati ko kay Ma'am Stella. Nakangiti naman ito sa akin.
"Hi Lexie, may gusto lang sana akong sabihin sayo pero sana hindi mo masamain ah. Gusto ko lang na matulungan ka." Tumango tango naman ako at ngumiti kay Ma'am kahit nagtataka.
"Didiretsuhin na kita, maayos naman ang grades mo anak except lang sa math mo, itatanong ko lang sana kung nahihirapan ka ba talaga sa math?" Oof. Wala eh sa subject na yan talaga ako mahina huhu. Bakit ano na naman bang grade ko sa math? Kasi nung first grading naka-83 naman ako tapos nung second grading 79 hehe.
"Ma'am aaminin ko na talaga sa inyo na kung pwede lang po wala nalang math kasi pwede nyo naman pong ipagawa sa akin lahat wag lang math dahil kahinaan ko po talaga yan." Ngumiti lang sa akin si Ma'am.
"Hindi naman pwedeng mawala yun pero naisip ko lang na bakit hindi ka magpa-tutor, para sana matutukan ka at ma-improve mo ang grade mo. Nanghihinayang kasi talaga ako sa grades mo, sayang talaga nasa honor ka na sana kung wala kang isang bagsak." Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Naku Ma'am, hindi po pagsasayangan nila Mama ng pera ang tutor--"
"Speaking sa tutor, nakausap ko na si Sir Chance mo. Tinanong ko sya kung pwede ka nyang turuan tutal ay sya naman ang teacher mo. Hindi naman sya humindi so sa tingin ko ay pumayag sya. Saka totoo bang sa boarding house nyo rin sya nakatira?" A-ano sya ang magtututo sa kin? Saka teka paano nalaman ni Ma'am na nakatira samin si Sir?
"Ah opo."
"Mas mabuti kung ganun, may magtuturo naman na pala sayo. Wag mong kalimutang teacher mo sya, you can always ask him." You can always ask him pa nga eh mainit ang ulo nun sa akin dahil sa ginawa ko. Paano kaya yun?
"Sa susunod ay dapat may progress ka na, Lexie. Also, tatanungin ko rin si Sir kung may improvement ka na ba. So, ayun lang naman. You may go na."
"T-thank you po, Ma'am. Sige po."
Patay ako! As if naman na tuturuan ako nung lalaking yun e galit yun sakin huhu. Saka paano kapag natanong sa akin si Ma'am ng improvement ko? I'm dead na talaga. x_x
![](https://img.wattpad.com/cover/269235694-288-k382683.jpg)
BINABASA MO ANG
Quit Making Me Fall
RomanceUnexpected fate slash threads of destiny. Date Started: May 8, 2021 Date Finished: March 9, 2023