Chapter 4

20 2 0
                                    

Kyle POV

"Hey, Kyle! Sabay ka na sakin!" Sigaw ni babaeng nerd ay este Jheuna. Kakatapos lang namin kumain at ngayon ay papunta na kaming school.

Umiling nalang ako. Nakakahiya naman kasi. Hinusgahan ko siya tapos may utang pala ako sa babaeng to. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakapagaral sa private school. Tsk!

Maglalakad na sana ako papuntang highway ngunit bago ko pa magawa yon ay naramdaman ko na ang kamay niya sa tenga ko saka naglakad habang hila hila ang tenga ko. "Tsk! Ang daming arte!" Narinig kong bulong niya.

"Ahhh... Hey! Ok fine! Aww bitawan mo ang tenga ko masakit!" Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakahawak sa kamay niyang nakahawak din sa tenga ko.

Binitawan niya ang tenga ko sabay irap. "Tsk! Sasama naman pala eh." Inis na sabi niya bago maglakad papunta sa kotse niya. "Sa back sit ka umupo. Dito ako sa passenger's sit." Dagdag pa niya.

"Good morning Maam Jheunaaa!" Sigaw ng driver niya na ngiting ngiti na nakatingin sa kanya.

"Masyado pang maaga para magingay Rudolfo!" Sagot naman ni Jheuna.

Teka yan si Rudolfo? Tsk! Hindi halata sa kanya. Masculadong lalaki kasi siya. Mala Ion Perez ang datingan.

"Lintik na pagibig~~" Kanta ko na sinabayan pa ng dance move ni Ion.

"Hoy! Bakit sumasayaw kapa jan? Malalate na tayo!" Galit na sigaw ni Jheuna. Napakamot nalang ako sa ulo ko bago pumasok sa kotse niya.

"Hi sugarpie! How was your sleep? Effective ba ang goodnight kiss ko?" Masayang sabi ni Rudolfo sakin.

Wtf! Sugarpie? Wait did he just said that he kissed me? Wtf wtf wtf! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jheuna kaya tinignan ko siya mula sa rare mirror. Pero teka... Yong eye glass niya. Iba yong eyeglass na suot niya sa suot niya kahapon. Kahapon kasi violet ngayon naman pink. Tsk! Ibang klase.

Hindi nalang ako umimik at nagtingin tingin nalang sa labas. Maya maya pa ay nakarating na kami sa school. Nauna siyang bumaba ng kotse saka mabilis na naglakad palayo. Binuksan ko ang backseat saka nagpasalamat kay Rudolfo na panay ang pa cute sa akin. Tsk! Bakla ba tong lalaking to?

Pero teka ambilis naman mawala ng babaeng yon? Multo ba yon o may lahing super sayan? Tsk!

"Uy pare!" Rodrick said sabay suntok ng braso ko.

"Oh Rod!" Sabi ko sabay ganti ng suntok. Ganito kami magbatian sa isa't isa.

"Nakasalubong ko yong Nerd na chix kanina. Hanep ang cute talaga niya." Natatawang sabi niya.

"Tsk! Saang banda?" Inis na tugon ko.

Natawa naman siya ule sabay akbay sakin. "Haha wala. Selos ka naman agad eh!"

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Mandiri ka nga tol. Nababakla ka na ata." Singhal ko saka nagunang maglakad patungong classroom at iniwan siya doon sa gate.

Jheuna POV

"Andyan na siya!" Sigaw ng mga kaklase ko na ang tinutukoy ang teacher namin sa Basic Calculus.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka hinilot ang sintido ko. Geez ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit kasi nakipaginoman pa ako kagabi. Ang sakit ng ulo ko damn!

"Miss Mauriz are you with us?" Sigaw ni Maam.

Iminulat ko ang mga mata ko saka tumingin kay maam. "Ye-yes maam!" Mahinang tugon ko.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon