Jheuna POV
"Aisht!" Nalukot ko ang papel na sinulatan ko. Kanina pa ako umiisip ng isusulat ko sa gagawin kong tula pero wala akong maisip.
Damn! I don't have a crush. I don't have any idea on what to write for the poem. This is driving me crazy. Kahit anong pagpumilit ko kay Lady na huwag akong bigyan ng parusa ay hindi siya nakinig sa akin. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Parang hindi siya nakiusap sa akin noon para ilakad ko siya kay Mark.
Tsk! Walang utang na loob!
Tuwang tuwa pa ang gaga habang isinisulat ang pangalan ko na para bang may inaabangan siyang nakakakilig na serye sa tv. Tsk! Ano na naman kaya ang iniimagine niya?
"Kalma malayo pa ang culmination ng buwan ng wika. Chill sis!" Bulong ng katabi kong bakla na si Rico pero Rica raw ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
Tinignan ko siya. Nagsalita siya ng english pero wala naman siyang pake kung mahuli siya.
"Opps! I know that look! Alam kong lumabag ako sa patakaran. But I don't care! I want to give my crush a poem anyway. Kahit na wala akong parusa o meron. Buong puso ko siyang handogan ng isang tula na naglalaman ng mga salitang hinugot ko mula sa ka sulok sulokan ng aking puso na tumitibok lamang sa kanya." Nakangiti niyang sabi habang nakahawak pa sa puso niya.
Napangiwi nalang ako. Corny masyado! Ews!
"Alam mo sis help nalang kita. O kahit ako nalang mismo ang gumawa ng tula para sayo. Pero kanino mo ba ibibigay?" Tanong niya habang nakatitig sa mukha ko. Nakataas pa ang kilay niyang alaga sa lapis. Edi siya na may magandang kilay!
Napahinga ako ng malalim. "Hindi ko rin alam. Wala akong mapagbigyan." Tugon ko. Totoo namang wala eh. Hindi naman pwedeng isa sa mga blacky ang bigyan ko kasi aside sa wala akong gusto sa kanila eh baka gagawan pa ako ng issue ng mga itim na iyon. Baka ang sabihin nila ay may favoritism ako.
Napakamot si Rico sa noo niya at pumikit na para bang stress na stress siya. "Hay naku sis! Ang dami mo ngang pera pero wala namang ka kulay kulay ang love life mo." Aba! Nagawa pang ibring out ang usapang yaman. Siya rin kaya, mayaman. May negosyo silang beauty products na binebenta sa buong bansa, pati na rin sa ibang bansa. Aside from that, eh designer din ng damit itong si Rico or Rica. Madalas ibida sa fashion shows ang mga designs niya. Oh diba ang bongga?
"Nakakahiya naman sayo."
"Hmm..." Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Eh kung kay daddy Kyle mo nalang kaya ibigay?"
Whut? Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Why him?" I whispered.
Inirapan niya ako. "Dzuh!" Hinawi niya ang imaginary niyang buhok. Maikli lang kasi ang buhok niya. Syempre sinusunod pa rin niya ang haircut policy ng school dahil ayaw niyang ma kick out siya. Strict kasi ang school namin. "You look good together naman sis. May issues pa nga kayo na para kayong may something eh."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Hayan na naman tayo sa issues na yan. "Dibali na nga! Sa bahay ko nalang ipagpatuloy ang pag iisip ko tungkol sa tula. Magfocus na muna tayo sa klase. Ay teka nga! Ilang minuto na ang nakalipas pero bakit wala pa si maam?" Kanina pa ako nagtataka. Ayaw kasi ni maam ang malate siya sa klase pero bakit wala siya ngayon?
"Ay hindi mo knows? May meeting kaya ang mga teachers ngayon para sa buwan ng wika. So wala tayong pasok sa first subject ngayong araw." Sagot niya. Napatango naman ako. Ahhh kaya pala.
Nagreview pa naman ako kagabi kasi akala ko may quiz ngayon. Kaya ang ending puyat na naman ako.
"Alam mo sis! Tara muna sa canteen. Bili tayo ng foods. Nagutom ang pretty mong katabi eh." Aya niya sakin. Tumayo siya at sinenyasan akong tumayo rin at samahan siya. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. In fairness ang ganda ng barong tagalog na suot niya. Siya mismo ang nagdesign ng sinuot niya ngayon. Bagay na bagay sa kanya. Lalaki siya tignan kung hindi nga lang naka trim ang kilay niya at may manipis na blush sa mukha.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.