Chapter 19

4 1 0
                                    

Jheuna POV

Malapit nang gumabi nang makarating kami sa lugar namin. Tulala lang ako habang nakahawak sa labi ko. Naalala ko kasi kung paano kami nahulog ni Kyle sa burol at kung paano nagdikit ang mga labi namin. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi. Kaloka!

Nabalik ako sa realidad nang magtanong si Mark kung saan ang address ni Kyle dahil ihahatid namin siya. Nag alanganin pa siya dahil ayaw niya sigurong ireveal ang real identity niya pero kinalaunan ay ibinigay din niya.

Nakarating kami sa isang lugar na madaming bahay. Tinuro ni Kyle ang isang simple na bahay kaya inihinto ni Mark ang kotse doon. Tinignan ko ang bahay, sementado ito pero walang kulay ang dingding. Sakto lang ang laki nito. Hmm... Wala naman akong problema sa bahay niya. Maayos naman ang pagkakagawa. Bakit niya ba ikinakahiya ang estado niya sa buhay? Eh lahat naman ng tao ay dumaan sa hirap.

"Sa-salamat sa paghatid..." Bumaba siya ng kotse saka siya tumango. Hinintay muna namin siyang makapasok sa bahay nila bago kami umalis.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakauwi na kami sa hotel. Actually, ihahatid lang ako ni Mark dito dahil may tirahan naman siya. May sari sariling tirahan ang mga blacky ko. Ang iba sa kanila ay may pamilya na. Pero itong si Mark... Single to. Irereto ko pa ito kay Lady Mae hehehe.

Bumaba ako ng kotse saka ako nag thank you. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan ang principal para ibalita ang lakad namin. She is thankful kasi nagawa ko ng maayos ang task. Wew! Buti naman at iyon lang ang task na ipapagawa niya at wala ng iba.

Matapos makipag tawagan kay ma'am ay dumaan muna ako sa restaurant. Gutom na ako eh. Sana pala kumain muna ako sa labas bago umuwi. Ang layo kasi ng nilakbay namin. Kaya nakakagutom at nakakapagod.

Pagkapasok ko sa loob ng resto ay nakita ko si Rudolfo na nakaupo kasama ang isang babaeng buntis at isang batang lalaki. Wait... What? Sino ang babaeng ito? Ngayon ko lang kasi siya nakita. Napatingin ako sa tiyan niyang maumbok. Hindi kaya...

Lumapit ako sa kanila. "Nakabalik ka na pala Rudolfo?" Tanong ko para kunin ang attention niya. Sabay silang lumingon ng babae. Ngumiti si Rudolfo sakin habang ang babae ay napayuko.

Tumayo si Rudolfo at lumapit sakin. Hindi siya mapakali at panay ang kamot niya sa ulo niya. "Yes po ma'am!" Lumingon siya sa babae saka niya ito nilapitan at dinala sa harap ko. "Ma'am kapatid ko po pala. Si Rhea! Hehe at anak naman po niya itong gwapong bata na si Ryle. Rhea, siya naman ang amo ko. Si Ma'am Jheuna." Owz? Kala ko anak niya. Pft...

Nginitian ko si Rhea at ang anak niya. Akward itong ngumiti saka nag hello sakin. Mahiyain yata. Sa tingin ko ay magka edad lang kami. She is beautiful too. Tinignan ko naman ang anak niya. Blonde ang buhok nito. Parang may lahi.

"Uhm ma'am..." Nilingon ko si Rudolfo saka binigyan ng nagtatanong na tingin. Nag alanganin pa siyang ngumiti habang pabalik balik ang tingin sakin at sa kapatid niya. "Ma'am pwede po ba silang makituloy dito sa hotel? May nangyari lang po kasi kaya kailangan nilang magpakalayo layo muna." Nahihiyang pakiusap niya.

Tinignan ko ang mag ina. Kahit hindi sabihin ni Rudolfo ang rason. Mukhang alam ko na kung ano. Tumango ako. Wala namang problema yon sakin. "Sure! Ihanap mo nalang sila ng bakante na kwarto for guest." I will not let them stay in my house. It's not that I don't trust them but hindi lang talaga ako tumatanggap ng bisita sa itaas.

"Maraming salamat po Ma'am Jhe!" Sabi niya  bago niya sinamahan ang kanyang kapatid patungo sa lobby kung nasaan ang reception para kunin ang susi. Hmp! Aayain ko sana silang magdinner muna. Pero nakaalis na sila. Ako nalang mag isa.

Umorder lang ako ng usual meal ko at pinadala sa itaas. May staff dito sa restaurant  na pinapayagan kong makapasok sa itaas para may magdala ng pagkain ko.

Im so tired, I want to sleep now. Pero kakain muna ako. Umakyat na ako sa itaas para magbihis at mag half bath. Matapos kong gawain ang mga routine ko ay eksakto namang dating ng pagkain na inorder ko. Kinain ko lang ito ng mag isa. Wala si Rudolfo dahil mukhang sa baba siya matutulog para samahan ang kapatid niya.

Matapos kumain ay tumambay muna ako sa terrace para magpatunaw nang kinain ko. Habang nakatingin sa mga ilaw sa buong syudad, biglang nagflashback sakin ang nangyari kanina. Hinawakan ko ang labi ko.

Bakit ba kasi nangyari yon? Bakit kami nagkiss? Aisht! Jhe! Kalimutan mo na yon... Okay? Accident lang yon! Jusmeyo! Pahamak na burol iyon.

I guess I need to sleep now. Baka bukas makakalimutan ko na yon. Humiga ako sa kama ko. Pero pagkapikit palang ng mata ko ay mukha ni Kyle ang bumungad sakin. Nagtakip ako ng unan sa mukha saka nagsisigaw.

"Shooo! Alis! Alis!" Muli akong pumikit. Bahala na kung mukha ni Kyle ang makikita ko. Pft! Natatawa nalang ako! Ang sungit kasi nun minsan. Parang tatay kung magalit. Mahangin nga lang!

---

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pero ang mahalaga, mahimbing ang tulog ko at hindi bitin. Ang sarap tuloy ng gising ko. Kasi hindi sumasakit ang ulo ko.

Today is saturday! Walang pasok... Kaya wala akong magawa. Lilibot nalang ako sa hotel para kumustahin ang mga staff ko. But first thing first... Kakain muna ako at maliligo.

Matapos kong gawin ang mga dapat gawin ay nagtungo ako sa lobby at nilapitan ang receptionist. Nagbow siya sakin bilang pag galang. Binati ko rin siya. "Ilan ang guest natin this week miss?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ang computer niya. Doon kasi nakalagay ang list of guest ng hotel. "100 persons po ma'am." Sagot niya. Napatango tango naman ako. Not bad! May pasok din naman kasi ang karamihan kaya konti lang ang makapag isip na mag relax ngayon. Kapag holidays naman, aabot ng 1000 ang guest dito sa hotel, pati na rin sa ibang branch. Next time ko na bisitahin ang ibang branch or maybe tatawagan ko nalang sila. May assignments kasi ako sa school na gagawin this weekend.

Nagulat ako nang may isang foreigner na pumasok sa hotel at nagsisigaw. May dala siyang baril kaya magkahalong takot at gulat ang reaction ng mga tao. Naglakad ako papalapit sa lalaki. Pero hinarangan ako ng mga staff ko.

"Excuse me sir. What's your problem?" Tanong ng isang empleyado ko. Tinawag ko ang mga security guards para hulihin ang lalaki pero tinutokan ng lalaki ang mga guards kaya napatigil sila.

"Where did you hide my wife and my kid? Someone told me that they are here. Where are they?" Pasigaw na tanong niya. I guess he is referring to Rudolfo's sister. Tsk! Lakas niyang magalit eh siya naman ang rason kung bakit siya iniwan ng mga ito.

"Hagrid!" Narinig kong sigaw ni Rhea. Lol! Bakit siya lumabas. Gusto ko sanang makitang magwala itong lalaking ito at magmakaawa na ilabas ang asawa niya. Gusto ko kasing makita kung mahal ba niya o hindi si Rhea.

"Babe!" Tumakbo siya papalapit kay Rhea saka niya ito niyakap. "I am so sorry for what I have did. I'll promise I will not do it again. I realized that I don't wanna lose you. I'll promise that I don't wanna fool you again. Please come back to me..." Niyakap niya si Rhea saka siya humagulgol ng iyak. Tsk! Ang corny ng mga banat niya!

Ang rupok din ni Rhea. Aba! Niyakap niya rin kasi ang lalaki saka niya sinabing tinatanggap niya nang muli ito sa buhay niya. Mas lalong hinigpitan ng lalaki ang yakap niya at hinalikan pa niya si Rhea sa harap naming lahat. So cringe! Nakita kong tumakbo palapit si Rudolfo sa mag asawa. Huli na siya. Bati na ang dalawang marupok!

"Hey you! Will you promise that you won't hurt my sister again?" He asked the guy.

Tumango si Hagrid sa kanya. "I will not be tired of repeating the answer. Yes! I promise. I realized that I love my wife so much after she left me. So... I will not do it again. I will try my best to make her the happiest woman in town!" Nakangiting tugon niya. Ang mga tao naman ay nagsipalakpakan. Parang hindi nakaramdam ng takot kanina. Yuck! Corny kaya! Bakit sila kinikilig?

Lumapit ako sa kanila at tinapik pareho ang kanilang mga balikat. "Let's have a lunch together. Icelebrate natin ang pagbabalikan ninyo." Syempre hindi naman ako ganoon ka bitter. Masaya rin ako na nagbalikan sila. Aba! Dapat lang no! Hindi na sila teenager na nagsusuyuan pa. Hello! May mga anak na kaya sila! Kaya dapat lang na magbalikan sila. Kasi kawawa rin ang mga anak nila.

"Thank you ma'am!" Nakangiting saad ni Rhea. Nakaakbay pa siya sa asawa niya na nakangiti rin sakin.

I guess I need to cancel my appointment today.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon