Jheuna POV
"Shh tahan na Jhe."
Napailing iling ako. Hindi ko alam kung paano pahintuin ang mga luha ko sa pagpatak. Ayaw na nilang tumigil. Iyak lang ako nang iyak matapos kong mapanaginipan ang masalimuot kong nakaraan. Bakit ba kasi napanaginipan ko iyon?
Bakit hindi nalang naibaon sa limot yon?
"Jhe ano ba kasing napanaginipan mo?" Tanong ni Kyle habang hinahagod ang likod ko.
Umiling lang ako. Ayokong sabihin sa kanya. Mas lalo lang akong maiiyak.
Huminga siya ng malalim. "Sabihin mo nalang sakin kung ano ang makapagpagaan ng loob mo."
"Gusto ko ng liempo..." Bulong ko. Naalala ko kung gaano kalapad ang ngiti ni lolo habang sinasabi niya na bibili siya ng liempo para sa haponan namin. Hindi natuloy iyon dahil nagamit ni lolo ang pera niya para sa pagpaopera sa akin.
Kasalanan iyon ng walang hiya kong ama.
Napabuntong hininga si Kyle. Binitawan niya ako saka siya tumayo. "Okay! Mag oorder muna ako sa baba." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Lumingon siya sakin nang nakakunot noo. "Why?"
"Dito ka lang. Wag mokong iwan." Pakiusap ko. Ayokong maiwan magisa. Nakakalungkot. "Tawagan mo nalang." Ininguso ko ang telephone na nakapatong sa mesa.
Tinignan niya iyon saka siya tumango. Kinuha niya iyon at tinipa ang numbers na dinekta ko. Nang sagotin ang tawag niya ay sinabi niya ang order ko saka niya pinatay ang tawag.
"Okay paakyat na yong magdadala ng pagkain mo. Napakabilis ah!" Namamanghang saad niya.
"Magiging empleyado ko ba sila kung hindi sila magaling?" Tugon ko.
Napakamot siya sa ulo niya. "Sabi ko nga." Natawa siya. "Sungit mo naman pag may lagnat."
Hindi ko nalang siya sinagot. Wala ako sa mood makipagsagotan. Bukod sa masakit ang ulo at masama ang pakiramdam ko, okupado pa rin ang utak ko dahil sa napanaginipan ko.
Hayp talaga! Bakit pa siya nagpakita?
Alam ko namang sinusundan niya ako. Nagkukunwari lang akong hindi ko siya nakikita. Pero yong kanina... Nakaharap ko talaga siya.
"Narito na ang pagkain mo." Sabi ni Kyle na nakapagbalik sakin sa realidad.
Matamlay akong tumingin sa kanya at sa liempo na hawak niya. Mukhang umalis na yong staff ko. Sa sobrang lutang ko, hindi ko napansin.
"Ang putla putla mo." Hinipo ni Kyle ang noo ko. "Mas lalo kang uminit." Nagaalalang sabi niya saka ibinaba ang kamay niya at inasikaso ang pagkain. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot." Inabot niya sakin ang plato sakin. Kompleto na ito, may ulam at kanin.
Tumango ako saka kinuha ang kutsara at plato saka nagsimulang kumain. Si Kyle naman ay nakatingin lang sakin, pinapanuod niya ata ang paglunok ko ng pagkain. Nang magtama ang mata namin ay umiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa ibang bagay.
"Kyle... Why are you so concern to me?" Bigla kong tanong sa kanya.
Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Tumikhim siya. "Uhm syempre dahil ikaw ang nagpaaral sakin." Sagot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Iyon lang ba?" I wanna hear something different.
Muli siyang tumikhim. "Bukod doon... Kaibigan din kita. Saka mahalaga ka sa lola ko. Kaya mahalaga ka rin sakin."
Tumango ako saka tipid na ngumiti. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko. Masaya ako na may mga tao pa ring ganoon ang trato sakin. May ibang mga tao na wala nang ibang iniisip kundi ang burahin ang existence ko sa mundong ito.
"Thank you." Mas lumawak ang ngiti ko. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Nawawalan ako ng lakas dahil sa lagnat na ito.
"Para saan?"
"Sa pagiging mabait mo sakin." Para akong kiniliti dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko kaya napayuko ako.
"Asus!" Tumawa siya saka ginulo ang buhok ko. "Uminom ka na ng gamot." May kinuha siya sa lamesa at inalapag niya iyon sa kamay ko. Isa iyong tabletas na pampawala ng lagnat.
Tumango ako saka ininom ang gamot na ibinigay niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya mabilis ko itong naibaba sa kama para ipahinga. Huminga ako ng malalim saka humiga sa kama ko.
"Tulog ka na. Nandito lang ako para bantayan ka." Mahinang sabi ni Kyle. Hinila niya ang kumot hanggang sa umabot ito sa aking leeg. "Para hindi ka lamigin." Sabi niya saka siya ngumiti.
Napatitig ako sa kanya saka ngumiti. Ewan ko ba kung bakit naging maalaga sakin ang isang to. But I felt so happy because of what he did. Tinanguan ko siya saka ako pumikit.
I feel warm now. Thanks to Kyle. Kanina kasi, ginaw na ginaw ako kahit nakapatay yong aircon. Buti nalang at nandyan siya. Iba ang pakiramdam ko kung nandiyan siya. Ramdam ko ang payapa palagi.
"Goodnight Jheuna!" He whispered. Nagulat ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa noo ko. Naghatid ito ng kilabot sakin, dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko.
"Goodnight Kyle." Bulong ko pabalik sa kanya.
"Nandito lang ako Jhe." Huling narinig ko sa kanya bago ako makatulog.
Nagising ako kinabukasan, mataas na iyong sikat ng araw. Masama pa rin yong pakiramdam ko pero hindi na gaano kasama katulad kagabi.
Dumapo ang paningin ko sa upuan na nasa tabi ng kama ko. Napangiti ako ng matamis habang iniimagine na nakaupo si Kyle. Diyan kasi siya nakaupo kagabi. Bigla akong naalimpungatan kagabi at nakita ko siyang natutulog habang nakaupo sa upuan na iyan.
Pft. Para siyang tanod ng pasyente sa hospital.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. "Good morning Mrs. Rosalez!" Bati ko sa kanya. Pinilit kong lakasan ang boses ko para hindi niya mahalata ang tamlay nito.
Naalala kong may meetings pala ako ngayon with the managers from the different branch of my hotels. Isa na doon si Ms. Rosalez.
"Miss Mauriz, we heard that you are sick. Kumusta ang pakiramdam mo?" She asked.
Huminga ako ng malalim. "I'm fine. Thanks for your concern." Tugon ko sa kanya.
"Ang mas mabuti pa siguro ay magpahinga ka na lang muna Miss Mauriz. Saka nalang tayo magmeeting kapag maayos na ang kalagayan mo."
"But---" Aba bastosan! Hindi ako pinatapos.
"Madami pa namang oras para sa meeting. Saka nakausap ko ang ibang managers, wala namang gaanong problema. Kaya agree rin sila na ipagpaliban muna ang meeting para makapagpahinga ka Miss Mauriz."
Haystt... "Okay! Thank you Mrs. Rosalez!" Sabi ko saka pinatay ang tawag.
Nakahinga ako ng maluwag. Hayst... Salamat! Makakapagpahinga rin sawakas. Baka kasi mas lalong lumala ang lagnat ko kapag umattend ako ng meeting.
Muli akong humiga sa kama. Matutulog na muna ulit ako. Mamaya na ako kakain. Inaantok pa ako. Gumising lang ako para kausapin sila na icancel ang meetings pero inunahan na nila akong magdecision.
Pero bakit nila alam na may sakit ako? I wonder who told them?
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.