Jheuna POV
"Bakit ka ba kasi nakisali sa prank ng mga yon?" Inis na sabi ni Kyle. Naku! Kanina pa siya ha! Panay ang sermun niya habang kumakain. Ano bang problema niya? Eh simpleng katuwaan lang yon.
Inirapan ko lang siya at hindi na kumibo pa. Nagfocus nalang ako sa pagkain. Kanina pa talaga ako gutom. Kasalanan ito ng mga pinsan ni Suzitte. Tsk! Ginutom nila ako!
"Ugh!" Napadaing ako nang matamaan ng kutsara ang kamay kong may sugat. Bwesit na Claudice yon. Kung upakan ko kaya!
Napatingin si Kyle sa kamay ko. "Kaya mo ba?" Tanong niya saka ininguso ang kamay kong may hawak ng kutsara. Napataas ang kilay ko. Why can't he mind his own business. Psh! "Kung hindi... Subuan na kita." Kukunin na sana niya ang kutsara sa kamay ko pero mabilis kong nailayo ito sa kanya.
Inilipat ko sa kaliwang kamay ang kutsara saka siya inirapan ulit. "I can use my other hand." Tugon ko saka bumalik sa pagkain. I can use my both hands when I am eating.
"Tsh! Kulit talaga!" Nyenye! Here we go again with that 'kulit' word. Siya kaya itong makulit. Dzuh!
Nanatili akong tahimik at nagfocus na sa pagkain. Napa ngiti pa ako nang malasahan ko ang malutong na balat ng lechon. Ugh! Craving satisfied. Favorite na favorite ko ang lechon! Pinuno ko talaga ang plato ko. Actually tatlong plates ang dala ko. Nakahiwalay ng lalagyan ang lechon. Yong ibang plato ay ibang putahe at kanin ang nakalagay at saka dessert.
Hindi naman sa pagiging matakaw! Gutom lang! Saka pake ba nila kung ganito kadami ang kakainin ko.
"Hinay hinay lang! Hindi ka mauubosan." Sita ni Kyle sakin nang makita akong panay ang subo ng pagkain. "Tataba ka nyan!"
Noong nakaraan sinita niya ako dahil biscuit lang ang kinain ko. Kaya raw ako payat kasi hindi ako nagkakanin. Tapos ngayon namang madami akong kinakain, kinokontra rin nya dahil baka tataba raw ako. Ano ba talaga?
Dinaanan yata ng bagyo ang utak niya. Tapos ginulo ang mga brain cells niya sa utak kaya pabago bago ang isip niya.
"Mind your own business!" Muli ko siyang inirapan.
"Psh! Hindi naman bola ang mata niya pero panay ang ikot." Narinig kong bulong niya. Nye nye! Hindi ba siya pwedeng kumain nang tahimik? Ingay niya talaga always. Nakakarindi!
Natapos ang pagkain naming dalawa nang panay ang irap ko sa kanya. Tsh! Kung bakit ba kasi kami lang dalawa dito ang kumakain. Eh yong mga blacky nandon, humiwalay sa amin ng table kasama si Lady at Rudolfo. Panay din ang kulitan at asaran nila. Hmm... Bahala sila. Mga maiingay din. Gusto ko sana ng tahimik kaya pinili kong umiba ng table. Pero sinamahan naman ako ni Kyle.
"Boring naman!" Bulong ko sa sarili ko.
Maingay ang tugtog sa paligid at lahat ng tao ay nag aaliw. Maliban sakin. Wala lang ako sa mood sumayaw. Sinira ni Claudice ang mood ko. Nakikita ko rin siyang sumasayaw sa stage at mukhang lasing na. Kaya nagstay nalang ako sa upuan ko at nanuod. Si Kyle naman ay nakisayaw na rin kasama ang mga kasama namin.
Napabuntong hininga ako. Inaantok na ako. Kailangan ko ng pampawala ng antok. Tumayo ako at nagpunta sa bar counter. Kumuha ako ng isang bote ng wine at isang baso. Psh! Bahala na kung malasing. Parte ito ng pag aaliw ko. Mabuti nalang at hindi ako pinigilan ng bartender.
Matapos kumuha ay bumalik ako sa upuan ko. Binuksan ko ang bote at sinidlan ang baso ko saka ako uminom. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init at pait ng alak sa lalamunan ko. Napakatapang!
"Cheers!" Bulong ko matapos mangalahati ang iniinom ko.
Geez! Bakit ang tagal nila matapos sa pagsasayaw? Gusto ko ng umuwi at matulog. Sumasakit na ang ulo ko.
Nang maubos ko ang alak ay tumayo ako para lapitan ang mga kasama ko. Naging aktibo ang utak ko at parang gusto kong humiyaw at makiparty. "Yey! Party party!" Sigaw ko habang isinusuntok suntok ang kamao sa ere.
"Jheuna?" Narinig kong tawag ni Kyle sa akin. Nakita ko siyang naglakad palapit sakin.
Natawa ako nang makitang naging dalawa siya sa paningin ko. Tinuro ko siya saka tinawanan. Hanep! Suot ko naman ang salamin ko pero bakit nagiging dalawa siya sa paningin ko? Bakit ako naduduling? Ang bilis namang sumapi ng espiritu ng alak sakin. Isang bote palang iyon eh.
"Jhe you are drunk!" He hold my wrist and look at my face. "Namumula na ang mukha mo."
Napanguso ako. "Boring kasi mag isa doon. Kaya I'm here na standing in front of you. Para makiparty at sumayaw!" Pasigaw na ani ko saka nagsayaw sayaw. Mabigat ang gown na suot ko kaya nahirapan pa akong sumayaw. Nawawalan ako ng balanse.
"Jheuna ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Kyle nang hubarin ko ang pang ibaba ng gown ko. Actually it is just an extension at may suot pa akong maikling palda sa loob.
"Okay! I am ready now to party!" Sigaw ko saka ibinato ang extension na palda. Hindi ko na alam kung saan yon dumapo or sino ang nakasalo. "Yownnn party party!"
"Jhe! You should go home now and rest!"
Hinarap ko si Kyle saka sinamaan ng tingin. "Ikaw ha! Kanina ka pa! Palagi mo akong kinokontra sa mga gusto kong gawin!" Hinampas ko ang kanyang dibdib saka siya tinalikuran.
Naglakad ako patungo sa kinaruruunan ni Rudolfo. Napairap ako nang makitang may kasayaw siyang mga babae. Ano ba yan! Nilingon ko ang mga blacky at ganoon parin may kasamang mga babae. While sila Mark at Lady naman ay hindi ko alam kung nasaan.
Anyway! Wala namang masama kung magsolo. Nagsimula akong umindak habang isinisigaw ang lyrics ng music na nakaplay. Wala na akong paki kung may matamaan ako sa pagsayaw ko o pagtawanan ako. Basta ang mahalaga ay nag enjoy ako kahit na masakit ang ulo ko at nahihilo ako.
"Go Mauriz! Isayaw mo lang ang stress sa trabaho!" Sigaw ng isang babae na hindi ko kilala.
"You only live once! Hala bira!" Sigaw ko pabalik sa babae. Ang kaninang indak ay hinaluan ko na ng patalon talon. "Yow! Yow! Yow!"
Habang nag aaliw ako kasama ang mga taong hindi ko kilala. Si Kyle naman ay nasa tabi ko na panay ang pangungulit na umuwi na kami. Kanina pa siya ah! Nauubos na ang pasensya ko! "Jheuna! Nakausap ko na sila Mark. Ikaw na lamang ang hinihintay namin. Umuwi na tayo!" Nakapamewang na anyaya niya.
Tsk! Umuwi siya mag isa. Dito lang ako at makiparty. Hinarap ko siya saka inirapan. "Napakaingay mo!" I should stop him from shouting at me. He look like a bee that kept on buzzing.
Natigilan siya ng halikan ko siya. Iyan ang nakakapagpatigil sa kanya.
"Naku! Lasing na talaga!" Sabi ng isang lalaki.
"Sino yang hinalikan ni Mauriz?"
"Omg! May boyfriend na ang isa sa pinakabatang business woman in town."
Wtf are they saying? I just kissed this guy infront of me. Boyfriend agad agad? "You guys are crazy." Ganti ko sa mga pinagsasabi nila.
"We better go home!" Bulong ni Kyle. Naramdaman kong binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas.
Nagsimula siyang maglakad at tanging dulo lang ng suit ang nakikita ko. Dahil sa nakabaliktad kong posisyon ay mas lalo akong nahilo. Ang sakit sa ulo! Why is he carrying me like this? Parang hindi tao ang binuhat niya. Pero wala na akong ganang umalma pa. Inaantok na ako. Napahikab ako bago ko ipikit ang aking mga mata.
"Goodnight whiskey!" Natatawang aniya ko bago ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Fiksi RemajaShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.