Jheuna POV
"Aisht!" Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napadaing ako sabay hawak sa noo ko. Aisht ilang baso ba ang nainom ko kagabi? Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Next time hindi na talaga ako iinom kapag may pasok.
Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Even if I have a headache, gusto ko pa rin pumasok. Sayang ang isang araw para umabsent. Madami na naman akong hahabolin kapag nagkataon.
Kring Kring
Eksaktong pagdating ko sa school ay ang pagtunog ng bell. Kasama ko si Mark na pumasok. Siya ang nagdrive ng kotse kasi wala si Rudolfo. Nakasunod naman sa amin sila Erick at iba pa. Nauna akong pumasok sa gate at sumunod naman sila Mark. Narinig ko ang tilian ng mga babae habang nakatingin kila Mark. Pero dedma ko lang kasi masakit talaga ang ulo ko.
Nakahawak lang ako sa noo ko habang naglalakad sa hallway. Hindi ko na kasama sila Mark kasi nag enjoy sila sa cheers ng mga girls. Kung bawasan ko kaya ang mga sweldo nila?
Naningkit ang mga mata ko dahil bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Pinipilit kong nilalabanan ang antok at hilo. Parang gusto ko sumuka dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Uminom naman ako ng gamot pero ewan ko ba kung bakit hindi umepekto. Masakit pa rin kasi talaga. Parang mabibiyak ang ulo ko.
Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Muntik ko na itong masapak and to my surprise, it was our principal. Namilog ang mata ko sa gulat at saka humingi ng paumanhin.
"Nabigla ata kita Ms. Mauriz. It's okay." Natatawang sabi niya.
Binigyan ko siya ng akward na ngiti. "Hehe good morning po ma'am." Bati ko sa kanya.
"Good morning din. I want to request from you Ms. Mauriz if it's okay with you." Seryosong saad niya.
Tumango ako. "What is it ma'am?" Tanong ko sa kanya. Shemay mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"Since you didn't do your punishment because of the accident. I want you to give another task. Dont worry hindi naman ito mahirap." Aigo! Ano na naman kaya ito?
"Is there something wrong with you Ms. Mauriz?" Nagaalalang tanong niya.
Umiling ako. "Nothing ma'am. Medyo masakit lang ang ulo ko. But it's fine."
"Is that so? Can you do the task today? Or maybe we can just move it into another day."
Umiling ako ulit. "Let's do it today ma'am." Gusto ko kasing matapos na agad kung ano ang iuutos niya. Para wala na akong poproblemahin pa.
Ngumiti ng matamis si ma'am. "Sabagay you are a business woman. Kaya ayaw mong pinapalampas ang isang bagay."
Ugh! Can she just go straight to the point? Late na ako sa klase.
"Uhm ma'am can we just discuss it later? I am already late na kasi sa klase." I asked. I am doomed. Medyo terror pa naman ang teacher namin ngayon sa first subject.
"No. Stay here Ms. Mauriz. I already excused you from your class dear." Pigil niya sakin. Nakangiti pa rin siya ng wagas. Hay naku! Ata t ka ring mautosan ako ma'am.
"Ang kabilang campus kasi ay nagrequest ng books for their students. As your task, gusto kong ikaw ang maghatid ng mga books to the other campus. You can ask help if you want. I will excuse you both from your class." She said sabay turo ng mga books na nasa tabi ng gate.
Haystt pwede na siguro ito pang excuse sa klase. Nawalan din kasi ako ng gana pumasok kasi masakit ang ulo ko. "Okay... I'll
do it ma'am."
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.