Chapter 9

7 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang oras. Hapon na ngayon. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa janitor's area para kumuha ng tools. I wonder kung nasan si Leo. Hindi kasi kami makakalabas ng gate pareho kung hindi kami matapos dito. Tsk kasalanan niya ito.

Pagkarating ko sa janitor's area. Nakita ko ang isang janitor na nakaupo. Nilapitan ko ito para kumustahin. "Hi manong. Kumusta po?" Hindi ko siya kilala pero gusto ko siyang kumustahin.

Lumingon siya sakin saka ngumiti. "Ayos naman po ako maam." You are not. Kita ko ang pagod sa mukha mo. Haysttt, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko saka kumuha ng pera. Inabot ko ito sa kanya. "Ay naku maam wag na po. Nakakahiya naman po." Nakayukong sabi niya.

"Tanggapin mo po manong. Kunting tulong ko na po sa inyo." Nakangiting pakiusap ko.

Dahan dahan siyang tumingin sakin saka tinanggap ang pera. "Maraming salamat po dito maam. Malaking tulong na po ito sa amin ng pamilya ko."  Nahihiyang tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ngumiti ng matamis. "Walang anoman po Manong. I just want to thank you for being a hardworking janitor of this school."

"Salamat po talaga maam. Napakabuti niyo naman po. Pagpalain ka po nawa ng Maykapal." Naluluhang saad niya.

"Sige po manong. Aalis na ako. Maglilinis pa po kasi ako eh." Bumitaw ako kay Manong saka naglakad papunta sa lalagyan ng mop.

"Maam gusto niyo po ba ako na lang ang maglilinis para sa inyo?" Alok ni Manong.

"Nope. Hindi na po manong. Ako na dito. Need mo na pong magpahinga."  Hinawakan ko ang mop at balde saka tumango sa kanya bago naglakad papalabas ng janitor's area. Naglakad ako papasok sa cr ng mga girls. Pero nagulat ako ng makita si Leo sa loob neto.

"Believe naman ako sa kabutihan mo ano. " Natatawang saad niya habang pumapalakpak.

"Problema mo? Why dont you start cleaning. Duh its all your fault. Ang plastic mo." Galit na sabi ko.

"Tsk! Anong silbi ng janitor? Sinasahoran sila para magtrabaho dito." Sagot niya.

I rolled my eyes. "If you dont want to clean it. Then leave. Maglilinis na ako." Sabi ko saka tinalikuran siya. Nagsimula na akong mag mop ng maramdaman ko ang haplos niya sa likod ko.

"Maganda ka pala sa malapitan Jheuna?" Nakaramdam ako ng kilabot sa pamamaraan ng pananalita niya. What is wrong with him? Para siyang rapist!

"A-anong ginagawa mo? Please lubayan moko Leo." Kabadong pakiusap ko. Pinilit kong lagyan ng tapang ang boses ko para matakot siya pero hindi siya natinag.

"Sus choosy ka pa." Hinawakan niya ang balikat ko saka marahas niya akong ipinaharap sa kanya.

"Leo ano ba!" Inis na sabi ko. Pero at this moment may halo ng takot at kaba. Hindi ko maiwasan no babae pa rin ako.

Tumawa siya. "Hindi naman kita gagahasahin dito. Ang kapal naman ng mukha mo kung iniisip mong papatol ako sa isang tulad mo. Mangarap ka pa ng gising." Pigil galit na tugon niya.

"Ano bang kasalanan ko sayo ha? Bat ganito ka sakin?" Takang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng sinampal niya ako ng malakas na pati salamin ko ay natabig ng kamay niya. Nahulog ito sa sahig saka nabasag. Okay! Another one. Punyeta! Pero ang hapdi ng pisnge ko sa ginawa niya. "Kinginamo" Sigaw ko saka sinapak ng malakas ang mukha niya saka siya tinulak ng malakas saka ako tumakbo palabas ng cr kahit nanlalabo ang mata ko.

Tatawagan ko sana si Rudolfo kaso naiwan ko sa cr ang bag ko. Hindi ako pwedeng bumalik don dahil nandun si Leo at baka patayin niya ako. May tao pa ba dito? "Help! Tulongan niyo ko!" Sigaw ko.

Medyo madilim na ang buong paligid kaya hindi ko na masyadong aninag ang paligid. Geez bat kasi nabasag pa ang salamin ko. Epal talaga ang Leo na yon. Ano bang kasalanan ko sa kanya.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko namalayang nasa dulo na ako ng hallway kung saan nakalagay ang hagdan pababa ng ground floor. Nagdiretso gulong ako pababa ng hagdan. Randam ko ang pagdugo ng noo ko at ang pananakit ng buong katawan ko. I feel so weak. Ramdam ko ang pagkahilo ko and it feels like  anytime pwd na akong mawalan ng malay.

"Kapag katangahan naman ang pinairal. Deserve mo yan ugok!" I heard Leo said while laughing before my vision turns into black.

KYLE POV

*Kring kring*

Kasalukoyan akong naglalakad pauwi ng marinig kong magring ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumawag. Napabuntong hininga ako ng makitang si Rudolfo ito.

"What?" Singhal ko sa kanya.

"Labidabs nakita mo ba si Maam Jhe? Hindi pa kasi siya lumalabas ng school. Kanina pako naghihintay dito sa labas." Nagaalalang sabi niya.

"She have a punishment. Hintayin mo lang siya na matapos sa paglilinis." Sagot ko.

"Okay okay Labidabs. Salamat." Sabi niya sabay baba ng tawag. Tsk! I was about to say na tigilan niya ako kakatawag ng labidabs. Pero nasan ba yong babaeng nerd na yon? Ang tagal naman ata niya matapos. Di naman gaanong madumi cr ng mga girls sa campus dahil alam niyo na , likas na maarte ang mga babae ,lalo na dahil rk.

*kring kring*

Tsk another call. Sinagot ko ang tawag saka inis na nagsalita. "Ano na naman?"

"Kyle relax! Init ng ulo natin ngayon ah." Tinignan ko kung sino ang caller at napagalamang si Nate pala to , yong kaklase ko.

"Oh napatawag ka?" Bored na tugon ko.

"Magkakilala kayo ni Jheuna Mauriz right? Yong chix na nerd?" Tsk dont tell me type niya yon?

"Oo bakit?" Kunot noong tanong ko.

"We saw her earlier nung pauwi na kami. Nakahandusay siya sa paanan ng hagdan at dugoan. Isinugod namin siya sa pinakamalapit na hospital. I am calling you para ipagbigay alam sa parents niya or kamag anak about her condition right now." Paliwanag niya.

Nahigpitan ko ang paghawak ko sa phone ko as I heard what he just said. Wtf! Ano na naman ang nangyari sa babaeng nerd na yon.

"Oh sige papunta na ako jan." Sabi ko sabay baba ng tawag. Pumara ako ng tricycle saka nagpahatid sa hospital. Hindi ko maiwasang magaalala sa kanya , lalo na at alaga siya ng lola ko. My grandma love her so much at baka mahimatay yon pag nalaman niyang may nangyaring masama kay Jheuna. I just wanna make sure that she's fine.

Habang papunta ako sa hospital ay tinext ko na rin si Rudolfo para sabihin ang nangyari kay Jhe. Binigyan ko rin siya ng address ng hospital. I was really hoping na sana ayos lang si Jheuna.

"Please stay strong Jhe." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at nanalangin.

The Incredible NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon