Jheuna POV
"Let's eat first before we dance." Aya ko kay Kyle. Gutom na kasi ako.
Kanina pa nagsimula ang party na ito. Late na kami nakarating. Kaya sayawan na ang naabutan namin. Anyway madami pa namang pagkain kaya okay lang. Sisihin niyo ang traffic.
"Mamaya nalang tayo kumain!" Kontra ni Kyle sa desisyon ko. Ano ba yan! Ano bang meron sa sayaw na yan? Pwede namang gawin yan mamaya. Ang pagkain ay hindi. We should eat on the right time. Masama sa kalusugan kapag nahuli.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Aisht! Kung ayaw mong kumain. Go don ka sa dance floor. Basta ako kakain na ako. I am already hungry!" Sabi ko at iniwan siyang nakatayo doon na mukhang timang.
Lumapit ako sa table kung saan nakalagay ang pagkain. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor saka nanguha ng pagkain na balak kong kainin. Pagkatapos ay nagpunta ako sa bakanting table.
Ngunit bago ko marating ang aking destinasyon ay may biglang umapak sa dulo ng gown ko. Napasigaw ako nang madapa ako at mabitawan ang dala kong pagkain. Lumikha ng ingay ang pagkabasag ng plato na nakakuha sa attention ng iba.
"Poor Mauriz!" Dinig kong sabi ng isang babae saka sila nagtawanan ng kasama niya.
May dalawang waiter na lumapit sakin at tinulongan akong tumayo. Nakaramdam ako ng hapdi sa kanang kamay ko. Tinignan ko ito at nakita kong dumudugo ito. Mukhang nahawakan ko ang bubog mula sa nabasag na plato. Pero hindi ko alintana ang hapdi ng kamay ko. Hinarap ko ang babaeng umapak sa gown ko. Nakita ko siyang nakangisi kasama ang kanyang kasama.
Wtf! I came here to enjoy but these bitches had destroyed my night. "Tafeita!" Ano bang problema ko sa kanya?
"You invest on my father's company but it doesn't mean that I am gonna kneel down infront of you. Masyado kang bida bida Mauriz. Lampa ka naman!" Galit na sabi niya.
Magsasalita na sana ako ngunit nakita kong pumagitna sa amin si Suzitte at si Mr. Tafeita.
"Claudice ano bang ginagawa mo?" Galit na sermon niya sa anak niya. Then he face me with his apologetic look. "I am sorry Miss Mauriz sa ginawa ng anak ko sayo."
I just stared at Claudice's face. She look at me like she is going to kill me. Tsk! The hell I care.
"Jheuna!" Si Kyle habang patakbong lumapit sakin. "You are bleeding!" Nagaalalang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Nagwalk out si Claudice at sinundan siya ng ama niyang walang kataposan na humihingi ng tawad sakin.
"Oh... I am sorry for what my cousin did to you Jheuna!" Suzitte said with her worried look. Tsk! Tapos na! May magagawa pa ba ang sorry niya?
Ikinuyom ko ang kamay ko saka nagwalk out. I wanna go home now. Wala na ako sa mood makiparty. Lalo na kung may kasama akong insecure na palaka.
Fck! Ni hindi ako nakakain! Sayang!
"Umuwi na tayo!" Sabi ko kay Kyle na nakasunod sakin. "Call the others!" Utos ko sa kanya na sinunod naman niya. Naglakad siya patungo sa dance floor at tinawag ang mga kasama namin.
Kaimbyerna! Ang hapdi ng kamay ko. Paniguradong magkakapeklat to. Tsk! Sinisira niya ang ganda ng balat ko. Napairap nalang ako bago maglakad ulit. Balak ko sanang mauna nalang sa kotse dahil naiinip na ako.
But before I could step forward. A group of men wearing a mask entered the hall. They are holding a gun na nakatutok sa amin. Narinig ko ang sigawan ng mga taong nasa likuran ko. What's going on?
"Ilabas niyo si Suzitte Tafieta!" Sigaw ng lalaking nasa unahan. Dahil ako ang pinakamalapit sa pinto, ako ang tinutokan niya ng baril.
Tinaasan ko siya ng kilay. "And why would I do that?" Tanong ko sa kanya.
"Hoy Jheuna huwag mo nang sagotin!" Narinig kong sigaw ni Kyle. Narinig ko naman ang pag sang ayon ng mga tao sa kanya. As if I'm scared of these goons.
"Ilabas mo nalang siya! Talo siya sa pustahan namin. Hindi niya ako binayaran!"
Tsk! Naniningil lang pala. Bakit andami niyang back up at may mga baril pang involved? Style nila bulok!
Inirapan ko sila. "Pwede bang next time na kayo maningil? Sinisira niyo ang party na kanina pa nasira." It's all Claudice's fault.
Mas lalo niyang itinutok ang baril. "Sino ka ba ha? Wag kang epal ano ba! Kung ayaw magpakita ni Suzitte. Pwede bang ikaw nalang ang singilin namin?" Sigaw niya.
Hanep! "Magkano ba?" Maangas na tanong ko. Binuksan ko ang sling bag ko at hinintay na sabihin niya kung magkano ang pagkakautang ni Suzitte.
"Isang milyon!" Sagot niya.
"Hoy wala akong utang sa inyo!" Sigaw ni Suzitte mula sa malayo. Mukhang nagtatago ang loka. Halatang may pinagkakautangan.
Well hindi na ako magugulat. Likas na mahilig sa sugal ang mga Tafeita. "Isang milyon lang ba? Weak!" Ngumisi ako. "Heto na ang isang milyon!" Pero sa halip na pera ay baril ang inilabas ko. Tinutokan ko rin siya ng baril. "Isang milyong putok, you want?"
Humagalpak siya ng tawa. Pati ang mga kasama niya ay nagsitawanan din. "Tapos? Isang putok pa nga lang..." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Talo ka na!"
Aba! Napaka bastos!
"Ulol! Ang babastos ng bibig niyo. Better to shut it down!" Kinasa ko ang baril na hawak ko. "Umuwi nalang kayo. Nakakapagod makipagbangayan!"
"Eh paano kung ayaw namin?"
"Edi wag! Wala akong choice kundi ang taposin kayo!" Sagot ko bago kinalabit ang gatilyo. Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid. Nagsigawan ang mga tao. Hindi sila makalabas dahil nakaharang ang mga hudlong na ito.
"Gago ka ah!" Oa! Wala namang tinamaan. Walang bala to no... Pero pumuputok! Hehe hoy wag dirty minded!
"Jheuna... Huwag!" Narinig kong sigaw ni Kyle nang akmang gaganti ang kalaban. Wala naman akong naging reaction.
"Go to hell bitch!" Sigaw ng lalaking kaharap ko bago niya kalabitin ang baril na nakatutok sakin.
Enkkk!
Humagalpak ako ng tawa nang tumunog ang tunog ng toy gun. Mga gago talaga kahit kailan. "Walanghiya kayo!" Sigaw ko sa kanila saka itinaas ang middle finger ko.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ng mga bisita.
Ewan ko rin! Itanong niyo sa kanila. Pakana nila yan. Mga wtf!
Naghubad sila ng suot na mask at lumantad ang mga mukha nila. Tsk! Napatakip ako ng tenga nang magsigawan ang mga kababaihan.
Eh sinong hindi sisigaw? Mga sikat na artista itong nasa harapan namin. Mga pinsan ni Suzitte na mahilig sa prank. Seriously! Hindi ba nila nahalata sa boses? About the gun incident. Toy gun lang din yong dala ko. Katunog lang ng tunay na baril. Part of the prank.
"Mga animal!" Galit na sigaw ni Suzitte habang papalapit sa mga pinsan niyang abnormal. "Muntik na akong atakihin sa puso! Kamatayan ba ang ireregalo niyo sakin?" Pinaghahampas niya ang mga pinsan niya sa balikat.
"Sorry naman!"
"Happy birthday panget!"
"Best prank! Nauto si Suzitte!"
"Best actress Mauriz!"
Tsk! Tsk! Napailing iling nalang ako. Damay ako sa kalokohan ng mga abnormal na ito.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.