Jheuna POV
"Congratualations Ms. Mauriz! You got a perfect score in our long quiz today." Nakangiting saad ni ma'am matapos irecord ang score namin.
Nanadya ata to eh. Kung kailan ako absent saka mag aannounce ng quiz or magbibigay ng assignment. Buti nalang at nagopen ako ng messenger kagabi. Nabasa ko sa groupchat namin yong tungkol sa quiz. Kagabi ko lang din nalaman na nasa groupchat na pala ako. Eh hindi naman kasi ako tambay sa messenger. Tinatamad kasi akong mag online. Dahil gusto kong makabawi, buong magdamag ako nag review. Buti nalang at may nagsend sakin ng notes.
Napatingin ako kay Leo. Kita ko ang masamang tingin niya sakin. Kaya inirapan ko siya at ginantihan siya ng masamang tingin. Tinignan ko ang kabuohan ng kanyang mukha. May black eye siya sa kanan niyang mata at putok ang kanyang labi. Hmp! Serves him right. Binigyan niya ako ng look na parang nagsasabing 'mamaya ka sakin.' Hindi ko nalang siya pinansin.
After ma'am record our scores. Tumunog ang bell hudyat na lunch na. Tumayo ako at dinala ang bag ko. Syempre naging extra careful na ako dahil baka patirin na naman ako ng abnormal na katabi ko.
Dumiretso ako sa canteen dahil gutom na ako. Nakita ko pa si Kyle kasama si germ. Tumingin siya sakin pero 'diko siya pinansin. Pumila ako sa counter at saka nag order ng kakainin ko for lunch. After that, nagbayad na ako at binuhat ang tray saka nagtungo sa table na bakanti. Umupo ako doon at saka nagsimula ng kumain. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notes ko sa english. Nag aadvance reading lang dahil baka may oral kami mamaya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang makita ko si Leo dala ang baso ng juice. Nakangisi pa siya habang naglalakad patungo sa direksyon ko. Nakayuko lang ako, kunwari di ko siya nakita. Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Pasimple akong nag finger heart habang nagbabasa pa rin ng notes.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Tama nga ako sa hula ko. I am expecting him na ibuhos ang juice pero iba ang nangyari.
"What the?" Reklamo niya.
Lumingon ako saka siya tinignan. Nakapoker face lang ako pero deep inside nakangiti na ako ng wagas. Naunahan kasi siya ng Blacky ko. Yes, andito na sila sa school pero hindi silang lahat. Nagpumilit kasi silang pumasok din sa school na pinag aralan ko kasi duda raw nila na babalikan ako ni Leo. So I agreed. I helped them last night to file their documents and submit it to the school admin. Madali lang naman sila kausap. Nag invest ako ng money para tuparin nila ang hiling ko.
"You should not do that. Isa kang bastos na tao. Iyan ang napala mo." Sabi ni Mark, isa sa mga Blacky.
Tinignan ko ang basang mukha ni Leo. Bago niya kasi ako mabuhosan ay naunahan siya ni Mark. Ang sagwa na niya tignan. Kasi gatas ang binuhos ni Mark sa kanya.
I can hear some whisper about the incident. Lol. Tahiin ko mga bibig nila eh!
Tinignan ako ni Leo ng masama saka siya nagpunas ng mukha at nag walk out. Feeling bad boy ang loko. Hindi naman kagwapohan!
"Miss are you okay?" Tanong ni Mark sakin.
"Yes, I am. Thanks!" Casual na sagot ko. Kunwari hindi kami magkakilala. Classmate kami pero hindi kami magkasama. Yong iban nasa ibang section para hindi halata. Palihim lang silang sumusunod sakin kapag break time na. Si Mark ang dapat active sa kanila kasi siya ang classmate ko. So nakakasama ko siya the whole time.
"Did you see how that guy beat Leo?" Dinig kong sabi ng babae na nakasaksi ng pangyayari kanina.
"Gosh he is so cool. Sana ako nalang ang biniktima ni Leo!" Sagot ng kausap niya.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Novela JuvenilShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.