Jheuna POV
After eating my snacks. I decided to go home. Manunuod nalang ako ng movies. Na bobored na kasi ako dito sa mall. Wala rin naman kasi akong kasamang gumala eh. Habang naglalakad at nagtingin tingin sa mga botique, nakita ko si Kyle na kasama si babaeng germ. Tsk! Nakakapit pa sa braso niya yong babae habang sumisipsip sa straw ng milktea.
Nakita ako ng babae at inirapan niya ako. Inirapan ko rin siya saka ko ikinuyom ang kamao ko. Kung alam mo lang... Kung alam mo lang kung kanino galing yang pera na pinang milk tea mo.
Padabog akong nag walk out dahil sa sobrang inis. Magtutungo na sana ako sa parking lot pero napahinto ako sa paglalakad.
Nakita ko kasi si Leo...
Aba! Aba! Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. Well it's time for revenge. Dinudungisan niya ang title ko bilang Incredible eh! Tsk I cannot report him to the principal pa kasi wala akong proof na siya ang tumulak sakin para ma aksidente ako. Psh! Kasalanan nila yon. Ang mahal ng tuition fee pero hindi nila maipaayos ang CCTV camera nila.
Nakita ko siyang tumalikod kaya sinundan ko siya. Huminga ako ng malalim. Phew! Tama na ang pagiging mahina ko sa harapan niya. Ngayon ko ipapakita kung gaano ako kalakas.
Nakarating kami sa parking lot. Napalinga linga ako sa paligid. Walang cctv cam at walang tao. Amazing! Nakatagilid lang siya at naglalakad. Dahan dahan akong pumunta sa likod niya at nag piggy back ride sa kanya saka ko kinagat ng matindi ang leeg niya.
Napasigaw siya sa sakit at gulat kaya bumitaw na ako at tumayo ng maayos. Lumingon siya sakin at kita ko ang inis sa mukha niya. Nginisihan ko siya sabay ayos ng salamin na suot ko. Kinawayan ko siya saka ako tumawa.
"Hey there!"
"Fck you Jheuna!" Sigaw niya sabay sugod. Pinalipad niya ang kamao niya sa harap ko. Buti nalang at naka iwas ako.
Inangat ko sa ere ang dalawang palad ko saka ako pumalakpak. After I did that, lumabas mula sa dilim ang mga lalaking nakasuot ng itim. Pati ulo nila ay nakatakip ng itim at tanging mata at ilong lang nila ang nakalabas.
"May kailangan kayong turoan ng leksyon. Good luck boys!" Sabi ko sabay tapik sa balikat ng isa sa kanila. Tumango sila at nilapitan nila si Leo. Samantalang ako naman ay tumalikod na at nakangiting naglakad papunta sa kotse ko.
I can hear Leo's shouts but who cares? Siya ang nagsimula nito. Dont worry, they won't kill Leo. I don't pay them to become a killer. They are just here to become my protector. You know... Business world, hindi malabong magkaroon ka ng kaaway or threats. Kaya I hired some men to guard me.
Lage lang silang nakasunod sakin at lumalabas lang sila kapag kailangan. Maliban nalang sa school kasi studyante ako sa school and I dont wanna act like I am a president. So hindi ko sila pinapatrabaho. Tuwing nasa labas lang ako ng bahay at school. Iyon lang ang time na binabantayan nila ako. Sa bahay din naman kasi ay may personal body guards din ako kaya sa labas lang talaga sila. Nakatago lang sila kasi hindi ko bet kung may nakabuntot sakin except kay Rodulfo. I just dont like it. Ayaw ko ng attention. Saka lagpas bente sila kaya mukha kaming engot kung nakabuntot silang lahat sakin.
Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Kita ko sa side mirror ng sasakyan ko ang pagsunod ng iba sakin. Actually meron din sa harap. Hindi nga lang halata kasi wala naman tatak yong kotse nila. Saka hindi masyadong dikit yong mga kotse namin para hindi halatang nakabuntot sila sakin.
Malapit na ako sa hotel nang marinig kong may tumawag. I swiped the screen of my phone and say hello to the one who called me.
"Ma'am hehe hello po." Si Rudolfo ang nasa kabilang linya.
"Yes what is it?" Tugon ko habang nakafocus pa rin ang attention sa daan.
"Ma'am ano kasi... Na flat yong gulong ng kotse na dala ko. Baka magabi ako ng uwi kasi nasa volcanizing shop pa po ako." Sabi niya. Naiimagine ko yong mukha niyang akward na nakangiti habang nakakamot sa batok niya.
"Iwan mo nalang yan diyan. Susundoin nalang kita. Just state your location!" Tugon ko saka ako nag u-turn.
"Talaga po? Pero kawawa naman si Milky kapag iniwan ko siya ma'am!" Malungkot na sabi niya.
Napairap nalang ako. Bakit ba ang isip bata ng isang to. "Shhh... Don't worry. They will take care of your car." May sariling kotse siya. Gift ko iyon noong birthday niya. Iyan ang ginagamit niya kapag may personal lakad siya. It is a color white car kaya milky ang tawag niya.
"You think so?" Paninigurado niya. Gosh ayaw niya talagang iwan ang kotse niya. Para kasing tao ang turing niya sa kotse niya. Baby niya raw kasi iyon.
"Yes! Babalikan nalang natin iyan bukas or I will ask some of my men to guard your car for you to feel relief." Tugon ko para mapawi ang pag aalala niya sa kotse niya.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Okay po ma'am. Andito po ako sa volcanizing shop malapit sa school po namin."
Pinatay ko ang tawag after niya ibigay ang address saka ako nagdrive patungo doon. Alam ko naman kung saan iyon dahil madalas doon kami nagpapalit ng gulong. I just asked him kasi malay ko ba kung saan siya naflatan ng gulong?
Pagkarating ko sa aking destinasyon. Bumaba ako ng kotse at nakita ko si Rudolfo na nakatingin sa lalaki na umaayos ng kotse niya.
"Hey Rudolfo!" Tawag ko sa kanya saka siya kinalabit. Nabigla siya sa ginawa ko kaya natawa ako ng mahina. Napalingon sakin ang nag aayos ng kotse kaya nginitian ko siya.
"Po?" Takang tanong niya.
"Tara na!" Sabi ko saka siya hinila patungo sa kotse.
"Teka lang po ma'am. Mag gogoodbye muna ako kay Milky." Pigil niya sakin. Bumitaw siya sa pagkakahawak ko saka siya tumakbo patungo sa kotse niya. Kinausap niya ito na para itong tao saka niya hinimas ang bintana nito sa harap. Napailing nalang ako.
"Hey!" Tawag ko don sa isang naka itim na suot. Blacky ang tawag ko sa kanila. Cute right?
Bumaba sa kotse ang isa sa kanila saka lumapit sakin. "Yes ma'am?"
"I want you to guard his car." Utos ko sabay turo sa kotse ni Rudolfo. Tumango siya saka nag bow. "Oh! Btw... Kumusta ang pagiging teacher niyo today?" Tinutukoy ko yong pagturo nila ng leksyon kay Leo.
"Sabi ng mga kasama ko ma'am. Nawalan daw ng malay matapos makatanggap ng tatlong suntok sa mukha." Sagot niya habang nakayuko.
Natawa ako habang umiling iling. "Tsk! Tsk! Weak!"
"Hey Rudolfo stop being so dramatic. Your car is just changing its tire. You can see your car tomorrow. Hindi naman siya mawawala sayo." Naiinip na sabi ko. Eh paano ba kasi ang tagal niya mag emote. Natawa nalang si manong sa ginawa niya.
I saw him kissed his car bago siya lumapit sakin. "Tara na po ma'am." Sabi niya sabay lapit sa kotse ko.
"Buti naman at naisipan mong uuwi pa tayo." Inirapan ko siya bago naglakad patungo sa driver seat. But before that, muli kong tinawag ang mga blacky ko. Oo silang lahat na nakasunod samin ang tinawag ko.
"Wag niyo na kaming sundan ngayong gabi. Just guard his car until tomorrow morning." I ordered.
"Yes ma'am!" Sabay na sagot nila.
Nilingon ko si Rudolfo na ngayon ay nakangiti ng wagas dahil safe na ang kotse niya. "Are you satisfied?"
Tumango siya bilang tugon. "Hehe thank you po ma'am Jhe!" Sagot niya. "Btw ako na po ang magdadrive ng kotse mo." Sabi niya kaya inabot ko naman ang susi. Tinanggap niya ito saka siya nagtungo sa driver seat at pumasok doon.
Naglakad ako papunta sa passenger seat at pumasok na rin sa kotse. Napahinga ako ng malalim sabay hilot sa sentido ko. Haystt... Daming ganap ng araw na ito. Sa sobrang dami, nakalimutan kong may sugat pa nga ako sa noo. Geez!
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Teen FictionShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.