Kyle POV
That woman! Bakit ko nga ba siya hinalikan?
Isang malabong panaginip ang naging dahilan kung bakit naging mapusok ako nang mga sandaling iyon. Tsk! I should think twice next time bago gumawa ng kilos.
Pumasok ako sa bahay at naupo sa upuan. Naalala ko ang nangyari kanina. Nasaksihan ko ang pagiging mabuti ni Jheuna. Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla siyang nagtiwala sa mga bata. Binigyan niya ang mga ito ng malaking halaga na pera. Bakit kaya?
Siguro laki sa hirap din siya dati? Ramdam ko iyon sa emosyon niya. The way she spoke to the kids. Hmm... Mukha namang mababait yong mga bata. Naalala ko kung paano niya pinaalahanan ang mga bata, na dapat magpakabait ang mga ito sa mga magulang nila. Ramdam ko yong lungkot niya. Siguro ay dahil hindi niya nakasama ang mga magulang niya. Tanging lolo lang niya ang naging karamay niya dati, na ngayon ay wala na.
Haystt... Pareho lang kaming walang mga magulang. Pero may lola pa ako. I must be lucky.
Nahinto ang pagmumuni ko nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa kusina. Hmm... Ano na naman yan?
Napalunok ako. "Si-sino yan?" Naalala ko yong sinabi ni Jheuna. Na may iba pang nakatira dito na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Shit!
No Kyle! It's not fcking true. Ilang taon ka nang nakatira sa bahay na ito. Tapos ngayon ka lang matatakot? Umiling iling ako. Dulot lang yata ng gutom yon. Geez! Out of stock pala ako ngayon.
Ngunit naulit na naman ang kaluskos. Napasigaw ako sa gulat. Agad ko ring sinampal ang sarili ko matapos kong gawin iyon. Kyle! Nababakla ka na! Itigil mo yan! Madaming iiyak!
Tumayo ako at ipinagsawalang bahala ang mga narinig ko. Dumiretso ako sa cabinet para maningin kung may noodles pa ba. Ngunit hindi ko na naituloy. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang isang lalaking naka itim na may dalang baseball bat.
"Ha! Sino ka? Bakit at paano ka nakapasok dito?" Kabadong tanong ko.
Pero hindi siya nagsalita. Naglakad siya palapit sakin. Ako naman ay napahakbang paatras. Tagaktak na iyong pawis ko sa noo dahil sa kaba. "Hu-huwag kang lalapit! Si-sigaw ako!" Banta ko pero tumawa lang siya.
Ano ba Kyle! Wag ka ngang maduwag! Lalaki ka! Lalaki ka!
Hindi ko pangarap ang mala action na buhay. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Hindi naman ako katulad ni Jheuna na mahilig makipag patayan. Hmm... Speaking of Jheuna.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko, trying to be strong. Naalala ko yong time na iniensayo nila ako. Bakit ngayon ko lang naisip yon? Masasayang ang effort nila kapag hindi ko nagamit iyon para lang sa nagiisang lalaki na ito. Oo, nagiisa lang siya kaya dapat maipatumba ko siya. Isa lang yan kaya hindi dapat ako maduwag.
"Hoy... Akala mo siguro hindi kita kaya no? Pwes nagkakamali ka!" Sigaw ko bago siya sinugod. Umamba ako ng suntok pero mabilis niyang naiwasan iyon. Napakurap kurap nalang ako dahil sa bilis niya.
Muli akong umamba ng suntok pero naka iwas ulit siya kaya ang ginawa ko, sinipa ko ang paa niya pero napa atras lang siya at hindi natumba. Kyle! Ano ba lakasan mo pa.
"Hina mo boi! Kulang ba ang kain mo sa isang araw?" Pang aasar niya. Iwinasiwas niya sa ere ang dala niyang baseball bat. Akmang ihahampas na niya iyon sa mukha ko pero nasalo ko ang baseball bat gamit ang kanang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit, parang nabali yong buto ko sa kamay.
"Kyle?" Shit! Si Jheuna yon ah? Anong ginagawa niya dito?
"May bisita ka yata?" Ngumisi siya saka binawi ang baseball bat sakin. Nataranta ako nang maglakad siya papunta sa pinto para pagbuksan ng pinto si Jheuna. Naku! Patay na!
Huwag!
"No!" Hinabol ko siya at mabilis na sinipa ang likod niya. Sa lakas nun ay natumba siya at bumagsak sa tapat ng pinto.
"Kyle ano ba buksan mo ang pinto! Bakit ang ingay jan sa loob?" Nauubosan ng pasensya na sigaw niya. Naku naman!
Tinignan ko ang lalaki. Gising pa siya. Bumangon siya at humarap sakin. Inangat niya sa ere ang baseball bat at akmang ihahampas sakin nang biglang bumukas ang pinto ng malakas at dahil nasa likod niya ang pinto ay tumama ito sa kanya at bumagsak siya ulit sa sahig.
Napalingon ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Jheuna na naka posisyon pa na parang nagkaka karate. Halatang nagulat siya nang makita ang lalaki na nakahiga sa sahig at wala ng malay. Nagtaas siya ng kilay saka umayos ng tayo at naglakad papunta sa gawi ko.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Inapakan niya ang likod ng lalaki saka ako tinignan ng nagtatanong na tingin.
Napakamot ako sa noo ko. "Ewan... Bigla nalang siyang pumasok dito sa loob." Sagot ko habang hinahabol pa ang hininga ko. "Teka nga! Anong ginagawa mo dito? Eh gabi na?" Takang tanong ko.
Pero sa halip na sagotin ako ay inabot niya sakin ang paper bag na naiwan ko pala sa kotse niya. Shemay! Ito lang ang ipinunta niya dito? Magkikita naman kami sa school bukas, ah? Hindi ba siya aware kung gaano kadelikado ang magbyahe ng ganitong oras?
Anyway may mga tauhan nga pala siyang nakabuntot sa kanya palagi. Kaya hindi na siya kailangan pang matakot.
"Btw, nagdinner ka na?" Tanong niya sakin habang nakaapak pa rin ang paa niya sa likod ng lalaki.
Umiling ako. Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. "Umeksena kasi ang taong yan kaya naudlot ang pagplano kong magluto." Sagot ko.
Tinignan niya ang lalaki saka napabuntong hininga. Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa at inilabas niya ang dala niyang... Pito? Inilapit niya ito sa bibig niya at hinipan. Napangiwi pa ako sa ingay nito.
Matapos siyang magwhistle ay pumasok sa bahay ko ang mga lalaking nakaitim lahat, mula ulo hanggang paa. Tanging mata, ilong at bibig lang ang nakalabas. Dahil pati kamay nila ay natatakpan. Seriously? Hindi ba sila pinagpapawisan sa lagay na yan?
Para silang mga shokoy!
"Dalhin niyo sa hide out niyo. Tanongin niyo kung ano ang motibo niya sa pagpasok dito sa bahay ni Kyle." Utos niya.
"Yes ma'am!" Isa lang sa kanila ang sumagot na familiar sa akin ang boses. Walang iba kundi si Mark. Yong iba naman ay tumango lang. Binuhat nila ang lalaki na ngayon ay gising na at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nila. Pero masyadong malakas ang mga tauhan ni Jheuna kaya hindi siya nakawala. Lumabas sila ng bahay at hindi ko na alam kung saan sila nagpunta.
Naiwan si Jhe na nakatayo sa harap ko at seryosong nakatingin sakin. "Hmm... Kailangan mo pang magtraining ng mabuti. Mahina ka pa rin."
Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Tama naman siya eh. Mahina ako, eh ako itong lalaki. Huminga ako ng malalim. "Si-sige."
"Hmm..." Napabuntong hininga siya. "Tara! Kumain muna tayo. Gutom na ako eh." Naglakad siya palabas ng bahay. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatulala. Nang hindi ako makasunod ay muli siyang pumasok at hinila ako palabas ng bahay.
"Bilisan mo nga! Gutom na ako!" Galit na sabi niya habang pasakay sa kotse niya.
Pft! Malala talaga magalit kapag gutom na ang isang tigre. Scary!
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Novela JuvenilShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.