Kyle POV
Ting
Naglalakad ako pauwi nang biglang tumunog ang messenger ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nagchat. Kunot noo kong tinignan ang screen ng phone ko nang makita kung sino ang nagchat sakin.
Sino pa nga ba? Edi yong masungit na kaibigan ni Jheuna. Si Kleia Veirgouzie. Ano kaya ang kailangan nito sa akin?
"Hoy!" Her message. Kung maka hoy to aba parang naghahanap ng away.
"Ye?" I asked her coldly.
She didn't reply my chat. Sineen lang niya iyon. Ano bang problema ng babaeng to? Pag untogin ko kaya sila ni Jheuna. Para silang kambal tuko.
"Ano kasi... Do me a favor. Jheuna was invited to uhm... Yah know gambling event. You know that it is not good right? Can you fetch her there? Please!" Another message from her.
What? Jheuna is doing some gambling stuff? What the heck! Is she not satisfied with her money? Aisht! Damn! This is stupid!
"What? Gambling? Sugarol pala ang babaeng yon?" Tanong ko sa kanya. Gigil akong nag type sa keyboard ng phone ko habang iniisip ang kalokohan ni Jheuna. Napa iling iling nalang ako.
Ano bang pinasok mo Jheuna?
"Kyle can't you read properly what I've said? I said Jhe qas invited so yeah hindi niya siguro ginusto iyon. Pinagbigyan lang niya yong birthday celebrant." Reply niya. Na iimagine ko yong galit niya at nakabusangot niyang mukha. Kambal ata sila ni Jheuna. Parehong may saltik sa ulo.
"Aisht nasan ba si Rudolfo? I can't fetch her. I have a quiz tomorrow so I need to review my notes. So I'm out. Just ask anyone to do what you've asked." Totoo naman kasi. May quiz kami bukas. Bakit ako pa?
"Ugh I cannot believe you. Wala ka bang konsensya or utang na loob?"
Oh yeah so isusumbat niya iyon? Na pinapaaral ako ni Jheuna kaya dapat sundin ko ang gusto niya or nila? Damn! This is not my thing. Sa school kasi nasanay ako na ako ang pinaglingkuran.
Kyle kung wala siya. Wala ka rin sa posisyon mo ngayon.
Geez nababaliw na ata ako! Kinokontra na ako ng sarili ko.
"Do what I have said!" Dagdag pa ni Kleia.
Napapadyak nalang ako sa semento sabay kamot ng ulo ko. Huminga ako ng malalim saka nagtype ng message. "Fine! I'll fetch her!" Reply ko.
Ibinulsa ko ang phone ko saka ako pumara ng tricycle. Nag ting ulit ang messenger ko at nakita ko ang address na sinend ni Kleia kung saan ginanap ang sugal. Ibinigay ko iyon sa driver. Tumango siya at nagsimula ng mag drive.
Malayo pa lang ay dinig ko na ang malakas na togtog ng music. Birthday party kasi kaya ayon. Nang makarating ako sa tapat ng gate. Nag abot ako ng bayad sa driver saka bumaba ng tricycle. Naglakad ako patungo sa gate and thankfully walang nagbabantay. Diretso akong pumasok sa loob at hinanap si Jheuna.
Nakarating ako sa gilid ng pool at nakita ko ang kumpolan ng mga tao. Nakita ko si Jheuna na tumatawa habang umiinom ng beer. Lol! Nag iinom na naman siya. May hawak siyang baraha sa kamay niya. Nasampal ko nalang ang noo ko.
Lumapit ako sa likuran niya at pinanuod siya. Madami rin naman ang nanuod kaya hindi ako sinita. Nakita kong ibinaba niya ang 4 na baraha na may tatak na king. Actually halos lahat ng baraha niya ay naka pares na at isa nalang ang natira niyang panghulog. Wala ng natirang baraha sa lamesa at tanging mga pusta nalang ang naroon.
BINABASA MO ANG
The Incredible Nerd
Fiksi RemajaShe's a woman with full of dreams, She's intelligent and she's very smart on handling things. She's strong and brave, that's why she's incredible. The Incredible Nerd By: Jendra_Flevie Plagiarism is a crime lady.